1. Black Hawk Down - Ibong Maitim sa Ibaba
2. Dead Man’s Chest - Suso ng Patay
3. I Know What You Did Last Summer - Uuuyy… Aminin!
4. Love, Actually - Sa Totoo Lang, Pag-Ibig
5. Million Dollar Baby - 50 Million Pisong Sanggol (It depends on the exchange rate of the country)
6. The Blair Witch Project – Ang proyekto ng Bruhang si Blair
7. Mary Poppins - Si Mariang May Putok
8. Snakes on a Plane - Nag-ahasan sa Ere
9. The Postman Always Rings Twice - Ang Kartero kapag dumutdot laging dalawang beses
10. Sum of all Fears - Takot mo, Takot ko, takot nating lahat
11. Swordfish - Talakitok
12. Pretty woman - Ganda ng Lola mo
13. Robin Hood, Men in Tights – Si Robin Hood at ang mga Felix Bakat
14. 4 Weddings and a Funeral - Kahit 4 na beses ka pang Magpakasal, Mamamatay ka rin
15. The Good, The Bad and The Ugly - Ako, Ikaw, Kayong lahat
16. Harry Potter and the Sorcerer’s stone - Adik si harry, tumira ng shabu
17. Click - Isang Pindot Ka Lang
18. Brokeback Mountain - Bumigay Sa Bundok
19. The Day of the Death - Ayaw Tumayo
20. Waterworld - Basang-Basa
21. There’s Something About Mary – May Kwan Sa Ano Ni Maria
22. Employee of the Month - Ang Sipsip
23. Resident Evil - Ang Biyenan
24. Kill Bill - Kilitiin Sa Bilbil
25. The Grudge - Lintik Lang Ang Walang Ganti
26. Nightmare Before Christmas - Binangungot Sa Noche Buena
27. Annie Hall - Ang Butas Ni Annie
28. Never Been Kissed - Pangit Kasi
29. Gone in 60 Seconds - 1 Round, Tulog
30. The Fast and the Furious – Ang Bitin, Galit
31. Too Fast, Too Furious – Kapag Sobrang Bitin, Sobrang Galit
32. Dude, Where’s My Car - Dong, Anong Level Ulit Tayo Nag-Park?
33. Beauty And The Beast - Ang Asawa Ko at Ang Nanay Nya
34. The Lord Of The Rings - Ang Alahero
22.12.08
cory, buhket?
kaya, pag nakasalubong ko siya uli, itatanong ko sa kanya ang isang malutong na 'cory, buhket?'
16.12.08
"sachet"
14.12.08
banta ng mga bobo
bago ko pa man nabasa ang 'warning' na ito sa bulletin board ng pleasant village , sa barangay putho-tungtungin , los baños, laguna ; na-itext na ito sa akin ng amiga kong kongresista na kanya rawng napansin nang pauwi na siya galing sa amin. wala namang masama sa nakapaskel na babala nguni't sa ikalawang pagmasid ay mawatasan mong minamaliit nito ang lahat ng mga nakatira doon. biruin mong halos lahat ng mga naninirahan ay mga Phd, mga bureaucrats, mga guro, sa madaling salita mga propesyunal pero kailangang paalalahan ng ganun. isang malaking kabobohan sa kalakaran ng mga nagmamarunong na mga kunwa'y namamahala ang maglagay ng ganitong paalala. kung hanggang kailan mababasa yan, depende sa kapal ng apog ng naglagay. TSE!
29.11.08
ang pag-ibig ng isang tuko
isinantabi na lamang ang proyekto dahil nawalan ng gana ang may pitaka, at dahil na rin sa aksidenteng inabot ng sana'y magiging direktor nito.
27.11.08
kulimlim sa takipsilim
pagkaraan ng humigit kumulang anim na taon, muli akong nagkaroon ng pusa. ilang araw bago dadaan si 'frank' noong hunyo, dumaan si rose, ang manikurista ng bayan at inabot sa akin ang isang plastik bag na kumikisaykisay! ektwali, napagusapan na namin yon na sakaling magkakuting ang alaga nyang inahin , eh bigyan niya ako. kaya , ayon dalawang purong itim na kuting ang kanyang inihatid. sobrang liit noong isa na pinangalan kong 'ulingling', kaya hindi na ako nagtaka ng makaraan ang dalawang araw eh nanigas na ito nang aking matagpuan sa ilalim ng sopa! nabuhay naman 'yong isa na bininyagan ko ng 'kulimlim'. tumakaw at napakalambing. at pagsapit ng takipsilim , pahirapan na sa paghanap sa kanya... obyus naman seguro baket , noh???
23.11.08
kumusta ka, mandaya moore?
ngayon, parang hindi ko maubos isip na ang lahat ng iyon ay magiging isang tumamis-umasim na alaala na lamang habang pinaghahatian nyo ang mga materyal na bagay na inyong ipinundar... habang tinitikis mo ang anumang dahilan upang lumawig pa ang inyong samahan... habang sa likod ng puso mo ay naroon ang iyong isip at binigbigyang lohika ang anumang damdaming sumasagupa sa natitira pang pagmamahal sa kanya.
lumuluha kaming iyong mga tagahanga sa kinahinatnan ng dakilang loveteam sa mundo ng blog... ang tirso-nora, bobot-vilma, manilyn-janno, sharon-gabby, etc ng aming panahon!
choz.
20.11.08
text scam
pero lately lang, marami ang dumudulog sa mga public service programs sa radio na may ganitong mga hinaing. isang tiga-sariaya, quezon ang nadugasan ng halos sitenta mil! ayon sa kanya, para raw siyang nabatubalani sa boses ng kausap niya sa telepono at nang utusan siya nitong kailangang magpadala ng pera upang maiproseso ang pag-release ng kanyang napanalunang 499,000.oo ay agaran niyang ibinenta ang kanilang kalabaw at isinanla ang sinasakang bukid para matubos agad ang sinasabing halaga! 'yong isa naman, halos 300,000.oo naman at isang honda jazz raw ang kanyang matatanggap kaya lang nasa cebu ang kotse at kailangan ng halos 45,000.oo para mai-freight ito! naku, dalawa lang yan sa mga superTANGANG nabiktima na umaasang mabawi ang pinakawalang pinaghirapang pera na napunta sa mga taong halang ang bituka at namumuhay sa laman ng iba!
hanggang ngayon wala pa ring nahuhuling mga salarin. sana bukas.
17.11.08
as in?
'meron na ring ilan', walang pasubaling sagot niya
'chika lang sa'yo?', sundot ko
'oo naman,hindi na isyu 'yon as far as i'm concerned'
'owwws?'
'anong owwws?'
'owwws na wala kang pagseselos man lang?'
'ewan ko lang, pero kung tanggap mo kasi ang mahal mo, kahit ano pa siya, isasa-owws mo na ang lahat!'
'pa'nu?'
'dapat kasi sa panahon ngayon, hindi mo i-aasa kanino man ang emotional needs mo...'
'ganun?'
'yey, ganun nga. dapat hindi ka nakasandal sa anumang bagay, tao o pilosopiya'
'huh?'
'hindi pag-aari ang asawa, kung ano ang gusto niyang gawin at sa paniniwala niya ay tama para sa kanya, go!'
'paano kung mapasarap at magkaleche-leche buhay ninyo?'
'may tamang venue para diyan, dapat kasi hayaan mong magkaroon lagi ng space ang isa't isa... if the love is strong, then it is, if otherwise, then there is always a solution, and being emotional shouldn't be one of them'
'taray!'
'hindi katarayan 'yon, nagpapaka-totoo ka lang dapat always. iwasan ang malugmok sa takbo ng mga mumurahing teleseryeng laganap ngayon'
'ay super tarash!'
'kung buo kasi ang paniniwala mo sa iyong sarili, mag-tatranscend yan sa buong scenario ng life mo!'
nosebleed. nakalimutan ko na psychiatrist pala ang bestfriend ko!
5.11.08
ano pangalan mo kung japanese ka?
A - ka
B - tu
C - mi
D - te
E - ku
F - lu
G - ji
H - ri
I - ki
J - zu
K - me
L - ta
M - rin
N - to
O - mo
P - no
Q - ke
R - shi
S - ari
T - chi
U - do
V - ru
W - mei
X - na
Y - fu
Z - zi
tulay sa hangin
15.10.08
gikumot-kumot, ang lyrics...
bigla na lang sumikat ang novelty song ng bandang 'kantin' ng cebu nang araw-araw na pagtripan nina ted failon at korina sanchez ang kanilang awiting 'gikumot-kumot'; medyo may double meaning ang dating kung nakakaintindi kayo ng sebuwano pero maaliw ka rin kahit papaano. kung hindi pa ninyo naririnig ito, mag-tune in sa 'tambalang failon at sanchez', sa dzMM, lunes hanggang biyernes, 8.30-10 n. u.
Gikumot Kumot
Gipanumpa ko na, nga kitang duha
Magtiunay sa ato nga gugma
Abi mo kita, magkadayon na,
Kay sa gugma mo, nanumpa ka...
Kalit gibyaan, ikaw na naghilak
Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.
Chorus:
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Gipanumpa ko na, nga kitang duha
Magtiunay sa ato nga gugma
Abi mo kita, magkadayon na,
Kay sa gugma mo, nanumpa ka...
Kalit gibyaan, ikaw na naghilak
Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.
Chorus:
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay Gikumot-kumot, gikumot-kumot
Gikumot-kumot, gikumot-kumot
Gikumot-kumot...
Kalit gibyaan, ikaw na naghilak
Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.
Chorus:
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay Gikumot-kumot... !
13.10.08
isang malayong nakaraan
kay tagal ko ring hinanap ang larawang ito. isang tanawing magpapaalala sa akin na mayroon akong isang malayong nakaraan na di ko nais mabura sa aking isipan. ito ang musuan peak na matatagpuan sa valencia , bukidnon (bagama't inari ito ng karatig na bayang maramag noong dekada 50, sana hindi ako nagkakamali). sa sitio ng musuan matatagpuan ang central mindanao university kung saan matagal-tagal ring nagturo ang aking namayapa nang ama. doon ako ipinanganak. doon ako nagkaisip at nagkamalisya. ang katuturan ng aking kabuoan ay doon hinubog habang ang aking mga alaala ay unti-unti nang lumalabo at kumakalas. marami akong nais ikuwento tungkol sa musuan ngunit sapat nang makaraan ang halos 35 na taon ay muli akong nakipagugnayan sa aking mga kababatang sina cynthia, gani, rudy, nestor, maria elena, marlyn, visminda, ted, ramon, aida... sana madagdagan pa sa mga darating na araw!
11.10.08
ang tipo kong balita!
Ni Joy Cantos
Sunday, October 12, 2008
Sinakmal ng matinding sindak ang burol ng isang pinaslang na buntis na misis makaraang sumapi umano ang kaluluwa nito sa kanyang 17-anyos na pinsang lalaki at ituro ang kanyang sariling Mister na siya umanong pumatay sa kanya sa Bauang, La Union.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa gitna ng lamayan sa bahay ng biktima sa Barangay Pottot dakong alas-8 ng gabi.
Kasalukuyang pinaglalamayan ng kaniyang pamilya at mga kamag-anak ang nasawing ginang na si Jenalyn Garcia, 23-anyos nang biglang saniban umano nito ang binatang pinsan na hindi na pinangalanan.
Sa gitna ng pagsapi ay isinalaysay ng “kaluluwa” kung paano umano siya pinahirapan ng kanyang mister na nakilalang si Rolando Garcia.
Ayon sa “kaluluwa” ng biktima, minartilyo ng kanyang mister ang kanyang kamay at tinadyakan pa nito ang kanyang ipinagbubuntis hanggang sa tuluyan siyang mapatay na nangyari mismo sa kanilang tahanan kamakailan.
Humingi rin ng tulong sa mga awtoridad ang “kaluluwa” na bigyan ng katarungan ang kanyang brutal na pagkamatay.
Ayon naman kay Barangay Capt. Quirino Balagot, una nang humingi ng tulong sa kanya ang suspect na dalhin sa pagamutan ang kanyang asawa dahil uminom umano ng lason ang huli.
Gayunman, nabuo ang pagdududa ng tiyahin ng biktima na si Merly Rimas dahil sa kakaibang ikinikilos ng suspect na tutol na magkaanak sila kaagad ni Jenalyn kung saan ng masawi ito ay kaagad na isinailalim sa awtopsya.
Sa naturang awtopsya, lumilitaw na karu mal-dumal ang pagkamatay ng biktima dahil nabali ang leeg at kamay nito, nagkaroon ng contusion sa ulo at inilubog sa tubig dahilan upang magkaroon ito ng tubig sa baga.
Bitbit ang resulta ng awtopsya ay dadamputin na sana ng mga awtoridad ang suspect subalit tumakas ito tangay umano ang abuloy na nagkakahalaga ng P5,000.
Naglunsad na ng malawakang manhunt operations ang mga awtoridad laban sa naturang Mister.
30.9.08
pogi ako... bang!
Kasalukuyang inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa puwet at balakang ang biktima na nakilalang si Jury Acero, 18-anyos at residente ng 2136 Lamesa St., Bgy. Ugong ng nasabing lungsod.
Samantala, nadakip ng rumespondeng mga pulis ang suspek na kinilalang si Fernando Catalla, 60-anyos, habang tinutugis pa ang pamangkin nito na si Aldin Limsia, 33, mga residente rin ng nasabing lugar.
Sa ulat ng Valenzuela City Police Station, alas-10:00 ng gabi, naglalakad ang biktima kasama ang apat na kabarkada sa kahabaan ng Lamesa St., nang biglang sumigaw umano si Acero ng “pogi ako!”.
Sa lakas ng sigaw ay napalabas ng kanilang bahay ang magtiyo at pinagsabihan ang biktima na huwag sumigaw dahil gabi na at nakakabulahaw na ito sa mga nagpapahinga.
Ngunit sa halip na sumang-ayon ay umalma ang mga kabarkada ng biktima hanggang sa muling pumasok ng bahay si Limsia subalit pagbalik ay may dala na itong baril at walang salitang pinaputukan si Acero.
Nang makitang humandusay na sa kalsada ang biktima ay mabilis na tumakas ang magtiyo. Agad namang isinugod ng kanyang mga kabarkada ang biktima sa nasabing ospital upang maisalba.
alvin madan
abante tonite
22.9.08
sa maanda, sa purita
Kung mayaman ka, meron kang ‘allergy’
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay ‘galis’ o ‘bakokang’
Sa mayaman, ‘nervous breakdown’ dahil sa ‘tension and stress’
Sa mahirap, ‘sira ang ulo’
Kung mayaman ka, ‘pneumonia’ raw ang sakit mo
Kung mahirap, ‘TB’ ’yon
Sa mayaman, ‘hyperacidity’
Kapag mahirap, ‘ulcer’ dahil walang laman ang tiyan
Sa mayamang ‘malikot ang kamay’, ang tawag ay ‘kleptomaniac’
Sa mahirap, ang tawag ay ‘magnanakaw’ o ‘kawatan’
Pag mayaman ka, you’re ‘eccentric’
Kung mahirap ka, ‘may toyo ka sa ulo’ o ‘may topak’ o ‘may sayad’
Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may ‘migraine’
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay ‘nalipasan ng gutom’
Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is ‘scoliotic’
Pero kung mahirap ka, ikaw ay ‘kuba’
Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag ay ‘morena’ o ‘sun tanned’
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay ‘ita’ o ‘negrita’ o ‘baluga’
Kung na sa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay ‘petite’
Kung mahirap ka lang, ikaw ay ‘pandak’ o ‘bansot’
Kung socialite ka, ikaw ay ‘pleasingly plump’
Kapag mahirap ka, ika’y ‘tabatsoy’ o ‘lumba-lumba’ ...pagminamalas ka, ‘baboy’ pa
Kapag mayaman, ‘fasting’ ang hindi kumain
Kung mahirap, ‘nagtitiis’
Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay ‘socialite’
Kung mahirap ka, ikaw ay ‘pakawala’ o ‘pok-pok’
Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay ‘liberated’
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo ‘malandi’
Kapag mayaman, ‘misguided’ o ‘spoiled’ ka
Kung mahirap ka, ‘addict’ o ‘durugista’
Kung may pera ka, ang tawag sa iyo ‘single parent’
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo ‘disgrasyada’
Kapag mayaman at sexy, ‘fashionable’ raw
Kung mahirap, sigurado ‘GRO’ o ‘japayuki’ ka
Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, ‘vegetarian’
Habang kakaawa ang mahirap na ‘ kumakain ng damo.’
Sa exclusive school, ‘assertive’ ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay ‘bastos!’
Ang mayamang tumatanda, ‘are graduating gracefully into senior citizenhood’
Ang mga mahihirap ay ‘gumugurang’
Ang anak ng mayaman ay ‘slow learner’
Ang anak ng mahirap ay ‘bobo’ o ‘gung-gong’
Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,
‘masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking’
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay ‘patay-gutom’
Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang tawag sa iyo ‘expat’
Kung mahirap ka lang, ikaw ay ‘contract worker’
18.9.08
ang laban ni brad
Nagpahayag si Brad Pitt noong miyerkules na maglalagak siya ng $100,000 upang tutulan ang Proposition 8 ng
tara na sa BAñAMOS festival!
Bañamos Festival 2008 (7th Bañamos Festival)
17 September, Wednesday
7:00am-9:00am Civic Parade - Festival kick-off (Olivarez Plaza to municipal hall)
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-12:00nn 393rd Foundation Anniversary Program (Municipal covered court)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale - Great town-wide shopping & holiday bargains
(Participating stores)
7:00pm-12:00m Barangay Night - Get-together party (Municipal covered court)
18 September, Thursday
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale - Great town-wide shopping & holiday bargains
(Participating stores)
7:00pm-12:00mn Bailamos - Dance challenge (Municipal covered court)
19 September, Friday
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale - Great town-wide shopping & holiday bargains
(Participating stores)
7:00pm-12:00mn Himigsikan - Battle of the bands (Municipal covered court)
20 September, Saturday
8:00am-2:00pm Buko Pie at palarong pinoy (Paciano Rizal Park)
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale (Participating stores)
7:00pm-12:00pm Miss Los Baños Pageant Night (Municipal covered court)
21 September, Sunday
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale - Great town-wide shopping & holiday bargains
(Participating stores)
7:00am-6:00pm Bayle sa Kalye - Street dancing competition
(Olivarez/Poblacion streets to municipal covered court )
7:00pm-12:00mn Grand Revelry - Kaleidoscope of lights & sounds
(Paciano Rizal Park)
For more information:
You can contact the Bañamos Secretariat at Tel. No. (049) 536-1385.
27.8.08
zorayda sanchez, 58
26.8.08
thank you girls!
ipalalabas na sa huwebes, ika-28 ng agosto sa UP cine adarna (dating UP film center) , alas seis y media n.g. ang pelikulang bisayang tadtad ng lengguwaheng kabaklaan na sinulat at dinirihe ni charliebebs gohetia.
kabalintunaan mang matatawag, hindi pagnanasang sekswal ang temang tinatalakay nito kundi ang namumukod-tanging pagtukoy sa pagtuklas ng maaring marating ng mga mumunting pangarap.
simple lang ang konseptong tinatakbo ng " THE 'THANK YOU' GIRLS"; matapos malas-malasing matalo sa lahat ng mga beauty contests sa davao city, nagpasiya ang limang kakawindang na mga beteranong bakla sa mga paligsahang ito na bumiyahe patungong hilagang mindanao, partikular sa lungsod ng cagayan de oro. ang kanilang misyon ay mapanalunan ang pinakalaganap na kompetisyon ng kagandahan, talino at personalidad. wala lang, nais lang nilang matuklasan kung dehado nga ba ang mga baklang bukid laban sa mga bakla ng lungsod.
25.8.08
kung pinoy si noah... ganito nga kaya ang MANYAYARI?
Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah.
Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon
ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas.
Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito
ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't-
ibang kapuluan." Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at
sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.
Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang
arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong
ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?"
Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos
ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa
At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng
arko.
Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung
ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang
pamangkin.
Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung
may matatanggap siyang 30% commission.
Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.
Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito
ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili
ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang
pwedeng sumakay).
Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na
mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.
Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman
daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko
ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.
Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in
aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang
EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive
official, napilitan siyang tumistigo.
Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko,
dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito
iginalang ang separation ng church at state.
Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang
impormasyon na ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa
kanyang pagtakas.
Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong
Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.
Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag
daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa
arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong
Republic".
"Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa
ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon
para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah.
Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang
bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."
21.8.08
pinktionary: adulterated version
48 years;
- anything to establish length of time ... na sobrang tagal na, naiinip ka na o namumutla na mata mo at gusto mo nang patayin yung hinihintay mo
aida gonzalez / aida borda
- ang kinatatakutang AIDS virus
adiquate / adiktus
- mga sumisinghot o nagtuturok ng illegal na droga; applicable din sa mga mukha lang talagang adik
anda / anjus / andalei/andaluchiecruzvaldez
- lahat tayo gusto nito ... pera, limpak limpak na pera
akez / akechi / akechiwara
- katumbas ng pronoun na "ako"
anek-anek/(also junik-junik)
- equivalent ng "anu-ano"
anufaflu/ANCHAFLUCONCHUCHU
- binaklang "anu pa ba?"
ar-ar herrera
- walang koneksyon sa dating host ng "eh kasi bata;" tawag sa mga nag-iinarteng wala naman tamang sa lugar
aura / aurora sevilla
- umaali-aligid o nagpapapansin sa crush
award / award-winning
- na-sermonan or napagsabihan
balay / balay-china/baluz
- gay term for bahay
balaj / balahura
- nakalimot ng kanilang urbanidad
barda
- malaki at matangkad; pwedeng comliment, ok lang din kung hindi; short for bardagul
bangenge
- lasing o senglot to the max, as in ibang level
bayonic / bayaz / tek tek
- masturbate
bilat / bilat-chi / salot / babaitan
- ang tunay na salot sa buhay ng mga bading, ang kompitensiya ... walang iba kundi ang mga babae
bitter ocampo / bitterness/(also ampalayox)
- walang konek sa ex ni tin tin hermosa; tawag sa taong nagda-drama, nag si-sentimiento at halos makapatay ng kapwa sa bitterness
beauty card
- katumbas ng pogi-points; pag ginamit ang charm para makarating o makuha ang pinakaasam-asam, china-charge ito sa beauty card
beau-con
- short for beauty contest; general term ito, mapa-miss gay o pang baryong pageant
bobita peron
- isang taong bobo, t*nga, inutil ... bobo
bona / bonamhin
- anal sex ... prangkahan na 'to
boogie / boogie wonderland
- nakakapagod pero hindi ito yung sayaw, masakit sa katawan dahil bubugan ito
book / booking
- lakad o date with a guy; pwedeng mauwi sa sex ito
borlogs
- katumbas ng salitang "tulog"
bumburumbei / boom boom
- hindi basta-basta pimples ... hindi na mabilang na pimples
byongkangan / kangkangan
- anal sex na walang humpay
chabilita
- mga chubby but cute; pwede gamitin sa mga ordinaryong chubby kahit hindi cute, pero wag mashadong abusuhin
chakka / chapter / chaka khan
- "panget" ang ibig ipakahulugan nito; kung hindi mo alam 'to, ikaw ang chakka
chorvah
- maraming ibig sabihin; pwedeng hindi lang maalala yung sasabihin niya kaya sinabi na lang niyang "chorva;" pwede ring tumutukoy sa sex; o kaya naman tawag mo sa jowa mo
constru / constructicons
- ang mga taong tumutulong sa pag-gawa ng mga infrastraktura; collective term para sa mga carpentero at mason na minsan masarap pagpantasyahan ... depende yan sa trip mo
cryola
- iyak ... kahit wala namang dahilan, qualified pa din yung term
daks / dakelya / dakas / biggee-a-note-a
- malaking kargada ng lalaki; walang definite measurement kung ano ang katumbas ng daks, pero pag naluha ka, yun na yon
deadlak
- patay na ... pantukoy sa mga totoong patay na o kaya walang ulirat
dilimgenic
- gwapo lang sa kadiliman
donna cruz
- tawag sa ulan ... "rain gently falls whenever we say goodbye ..."
EB
- abbreviation ng eye bol; eyebol ang tawag pag sa simula pa lang ang usapan ay magkikita lang para magchikahan, magkape o magtirintasan ng buhok
eching/ echos
- expression, pwede ring tawag sa mga taong nagwa-1-2-3 o literal na nangloloko ... as in talaga, hindi ako nange-eching
eklipany / eklips
- inaantok o tulog
eksenadora
- papansin, walang pinipiling kasarian; kung papansin, papansin talaga
effect / effectionate
- gwapo; as in lilingon-ako-bakit-hindi gwapo; or an expression of approval
ermingard
- a term for security guards
foundation day
- araw kung kailan nag foundation ka ng walang salamin at hindi pantay o mashadong makapal ang pagkaka-apply; in short nag foundation ka para gumanda, pero hindi ito halata
funda
- pressed powder o kaya foundation
gardan angel / gardo versosa
- security guard
ganda lang
- see beauty card
gelay
- another term for babae, totoong babae
getlak / getching
- kuhanin ang isang bagay
gandara parks
- isang magandang babae at mini-mean mo yun
girafeeeee / majirap
- less fortunate induvidual
hada / hadju
- the act of giving someone a blow job
haggard / haggardness
- pagod na pagod na itsura, nanunuyong balat at parang nagahasa ka ng 20 panget na lalaki; basically, pagod na pagod at wala sa party mood
hanashi
- general term for comment, pwedeng maganda o panlalait; most of the time yung ikalawa yon
hairlalu / herlilet
- pwedeng literal na buhok o yung humahaba pag nagmamaganda ka
helen gamboa
-bugaw, as in, kasi di ba si tita helen nagpauso ng 'boogaloo' sa pilipinas? para mas malayo ang konek!
imbey / imbyerna/ or simply 'im!'
- feeling na irita o inis towards something o someone
indiana jones
- siyang walang awang nagpapa-asa na pupunta pero hindi sisipot
incrimin / incri / fayattola
- sobrang payat, matamlay at mukhang sakitin
isda
- mga jologs na bagets na ruma-rampa sa mga plaza at nagpapa-hada
ispluk
- another term for chikka o sabi; most of the times ginagamit pag tsinitsismis mong may sinabi/inispluk na masama si kumare, parang ganon
jackson
-kalandian o yung taong nilalandi mo
jennifer
-utang
jerbaks/evelynvargas (as in 'evek')
- sh*t ... ta*; or to sh*t ... pagtae (baho ...)
jiritation
- irita o irritated, kahit alin lang sa dalawa ... kung gahaman ka, pwede rin pareho
jolina / jolina magdangal
- pwedeng katumbas ng tanong na "uwi ka na?" o kaya "tuli ka na?"
jologinding/dinggits
- mga batang baklang jologs
jowa / bowa / bufra / asawa/chur
- boyfriend o lover, pwedeng siryosohan o hindi
jubis/(shuba)er-er
- mataba to the point na obese na; pwede ring general term for taba o mataba
julie yap daza
- mahuling may ginagawang kwestiyunable o mabaggansiya; pwede ring gamitin pag gusto mo nang umuwi
junanis
- an-an, pwede sa mukha o sa likod
kabog
- as in talbog lahat
karir / kape/betchu
- liniligawan o sinusuyong lalaki; pwede ring tawag pag over ka sa pagka-siryoso sa ginagawa mo ... parang tong diksyunaryong 'to, kinakarir ko
karu / kariret/tiacarrera
- kotse o auto
kemerkemerlou
- wala lang, pandagdag pag hindi mo na alam ang sasabihin mo
khebs / khebber / khebang/kevincosner
- dead ka lang at walang pakialam
knowings/knowellaparsons
- alam ko na yan
kwala lumpoor / skwala / skwala lumpoor/puramalolosandoy
- mahirap na nilalang
kuping / kopas
- another term for blow job
kurek
- meaning "tama ka diyan!"
kyoho / kyawti/makyomers
- mabaho ... ipagsigawan mo talaga, para mas effect
kyolibash
- ang official sports ng mga bading ... volleyball
lafang / lapokstra / laps/fanglu
- pagkain o akto ng pagkain, pwedeng tumukoy sa totoong pagkain o isang bahagi ng katawan ng tao
lulurki / duduki
- another term for lalaki
luz viminda / luz clarita / lucita soriano/junluz-ada
- loss o talo
matus / mating/tinggerzee
- mag nakaw; kuhanin nang walang paalam ...
matingera / watingera
- magnanakaw
miss colombia
-baklang nakakulong
miss brazil
-baklang pulis
mr clean
- tawag sa bading o taong nagmamalinis; pwedeng idugtong at kantahin ang karugtong na mga linya "... mahal ka namin."
magic / tiburcio / tiboli / patis tesoro/tonggrillya/tongz
- our female counterpart ... mga tomboy
mermaid / mayda fatale/chimini-a-a/mimay
- katulong o house help
maderaka / mudra / mujai
- ang tawag mo sa ermat
maganda / nagmamaganda
- tawag mo sa kahit sinong umeeksena o nagmamarunong
motokiya
- motorcycle
nomo / nomohan
-inom o inuman o lasingan
nyostises
- pustiso
ohm / hombre / hombash
- more popular term for lalaki, regardless kung gwapo o hindi
onda / shonda / tanders / tanderbolt and lighnint very very frightening
- mga senior citizens
ostrich/childayumis
-mayaman
pa-mhin / paminta / pamintang durog
- mga baklang obvious na bading pero nagkukunwaring straight
pang-rampa
- meaning trophy boyfriend
pang-kama
- mga jowang pang sex lang
pa-pampam
- papansin o nagpapapansin
pa-pay
- mga papang nagpapabayad
pasarap/padyurapski
- mga lalaking intentionally o unintentionally na mapang-akit at mapanukso
pasok/nyusok
- meaning acceptable ang punchline o bumenta ang idea
pujai / pudra / paderaka
- tawag mo sa erpat mo
purita mirasol / purez / purita magdalena/puramalolosandoy
- mga below poverty line o nag-iinarte kang walang pera; pwede ring pantukoy sa mga taong nagkukuripot
rampadora
- rampa nang rampa
ricah
- mayaman; pero hindi lahat ng mapera, reserved for people na maganda na mayaman pa
s'mellani marquez
- signal para amuyin mo ang isang nilalang kung may putok ba ito o kung puka rin ang hasang niya
SEB
- short for sex eye bol; pag ang eyebol e nauwi sa kama, o kaya dahil makakati kayo yun na agad napag-usapan, e nagiging SEB ang EB
service / nyerbis/arabo
- pag ang bading ay nagpa-blow job
shala
- general term for sosyal, minsan kahit hindi nababagay ... kaplastikan lang, ganon; pwede ring positive expression
shomodstra / shomod / taho
- short for "tamod extract"; refers to semen, ano ba?!!
sight/lookelya
- nakita mo o nag-uutos kang tignan nila
siyano
-probinsiyano: sa isip, sa salita at sa punto
silantro / bi / bulate / silam
- mga silahis o bi-sexual
sisteraka / sisteret / ati / ning
- kaibigang bading o at least babaeng bading
slovak / slovakia / slovak republic
- mga mababagal pumick-up
sunshine cruz / shine shine cruz
- umaga o kaya paumaga na
tagilidgenic
- gwapo lang sideways
talak
- mga putak, walang humpay na panenermon, pamumuna and/or pagrereklamo
talakitok
- mga mahihilig tumalak
talikodgenic
- gwapo lang pag nakatalikod
taruzh
- expression equivalent ng "TARAY!"
tegi
- synonimous sa salitang patay
telag / shelag
- tinitigasan; tumatayo ang nota
tiis-ganda
- type of fashion sense wherein dead ma ka kung masakit, basta maganda sayo ex. masikip na sapatos at hindi na dumadaloy ang dugo sa bandang ibaba o manipis na damit at ginaw na ginaw ka na
TODA / paTODA
- mga tricycle driver; may mangilan-ngilan kasing gwapo talaga at hindi nababagay bumiyahe
warla
- away o pantukoy sa taong galit
warlatik
-taong mahilig makipag-away o kaya violent na
wirishima / wit / wiz / wa
- term of negation
wishing
- another term of negation
19.8.08
bessie! badilla!
kapag nakausap mo nang masinsinan si bessie badilla, para kang umiinom ng fresh buko juice! hindi mo halos mapansing kay rami na nyang nailahad tungkol sa kanyang buhay, karera at mga balakin. walang mapurol na sandali, walang kang mapagsidlan ng tuwa.
isa si bessie sa mga ramparadorang sinamba ng mga jokla hindi dahil sa kanyang angking galing sa pag-sashay at catwalk , kundi dahil sa kanyang kabuoang kagandahan bilang isang tao. bukod tanging pilipina rin siyang naging reyna sa sao paulo karnabal ngayong taong ito. lalo mo siyang pagtakhan dahil hindi ka halos maniniwalang singkuwenta na ang lola mo.
inaamin niyang lubos siyang nagpapasalamat sa mga doktor na walang sawang pinapatingkad ang kanyang alindog nguni't diin nya, ayaw nyang magmukhang bata kundi nais nyang maging maganda sa kanyang edad. noong isang taon lang ay nalampasan nya ang thyroid cancer at ngayon ay unti-unti nang nararamdamang tuluyan na siyang gumaling. balo man, mukhang napakabalanse ng kanyang mga emosyon dahil sa kanyang mga anak. kakaloka talaga siya, walang kiyeme, walang pasubali, tanging ang nasa puso ay lubusang maranasan ang katuturan ng pagiging isang 'bessie badilla'!
15.8.08
madonna, singkwenta
sino naman kayang matinong tao sa ating henerasyon ang hindi nakakakilala kay MADONNA? syempre mga moret lang ang hindi alam na siya ang isa sa mga pinakamaningning na taong biniyayaang sumikat bilang mang-aawit, prodyuser at artista. ipinanganak na MADONNA LOUISE CICCONE RITCHIE sa bay city, michigan, estados unidos noong ika-16 ng agosto, 1958; masasabing binago niya ang hugis at anyo ng tinatawag na american pop music. kalimitang inuukilkil ng kanyang mga obra ang temang sekswalidad at relihiyon, hindi lang miminsang nasita siya mismo ng mga tiga-vatican. bagama't sumikat nang husto noong inilabas nya ang kauna-unahang album, na sinundan ng marami pa ; bahagyang nalugmok ito nang bumagsak ang benta ng kanyang EROTICA, bunsod ng mga negatibong epekto ng nilathalang librong 'SEX' at pelikulang 'BODY OF EVIDENCE' na pawang tumatalakay sa makamundong kamuwangan o kawalan nito. muli siyang namayagpag nang ipagbunyi ng mga kritiko ang plaka nyang RAY OF LIGHT noong 1998. ang sumunod na apat pang inilabas nya ay pawang pumatok rin. 22 pa lamang ang nilabasan nyang pelikula at noong 1996, ay nanalo ng Golden Globe Award sa kanyang makabagbag-damdaming pagganap bilang evita sa Evita. Naging asawa niya sina sean penn, isa ring aktor; nagkaanak ng babae sa kanyang personal trainor na si carlos leon; bago muling nakipag-isang dibdib kay guy ritchie kung saan meron silang inampong malawian (na naging kontrobersiyal).
si madonna ay ang 'queen of pop'... isang tatak na kaylawak ng ibig sabihin at mararanasan lamang tuwing siya'y nasa iyong player at walang patumanggang inaawit ang kanyang buhay...
para sa lola kong sobrang ganda, maligayang ika-50 na kaarawan!
13.8.08
movie titles : translated
26.7.08
tulang toksik, isa pa.
pusa
sa kawalan ng mamahali'y
kuting siyang iyong aampunin.
bibitbitin at aamuin sa kakapiranggot
na dilis nang agad kang kilalaning
panginoon.
papangalana't ilalayo sa mga pusakal
nang di mapariwara ang bubot na
kamalayang pusa.
hahagurin, lalaruin, ipagbubunying
parang sanggol
hahanap-hanapin upang pagod mo'y
mapigtal sa mayuming kalambutan
ng balahibo niyang hika ang katapat.
at sa kanyang pagkapusa'y mangingimi
ka, di niya alintana ang
pag-aruga
sapat nang lumaki siya't magising
kang ang lambing niya'y gutom
at sa mata'y pagkain ka!
18.7.08
BARONG NI BARON GIESLER
kamanghamanghang sa halos 48 years na lumutang ang demanda laban kay baron giesler, kamakailan lamang siya umapir sa mga paunang pagdinig na mukhang kargado ng lakas ng loob upang tawirin ang kanyang kinakaharap sa ngayon. bilang isang aktor, hindi pipitsugin ang mga pagganap niya mula pa nang siya ay magsimula bilang child star sa abs-cbn. sa kabila ng kanyang nakakatusing na pagka-konyo boy ang dating, masinop niyang napangatawanan ang mga papel ng isang tipikal man o komplikadong meztizo na gumagalaw sa kontemporaryong lipunan. sa kabila pa rin ng mga kontrobersiyang nakakabit sa kanya, mariin pa ring natatanggap ng industriya ang aliw at panandaliang pagkawindang na hatid ng mga ito. natsismis ring nag-iiba ang kanyang pagkatao twing ito'y nalalango sa alak (o anupaman, sa ganang amin). nagiging agresibo raw ito masyado at laging tumbok ay seksuwal, kundi man rambolan. kahit na nga siya ay nakapasok at tumira sa bahay ni kuya; walang pagbabago whatsoever , ganun talaga siya: pasaway, eksentrik, sobrang totoo. malala ang bintang laban sa kanya, isang matatawag na krimen laban sa kababaihan. isang masalimuot na pakikipagsapalaran sa larangan ng paglabag sa batas. maraming hakahakang dahil ayaw makipag-ayos ang mga martinez; malamang na maraming rehas ang kikinis at iinit sa kanyang mga haplos. mayron din namang naniniwalang mabibigyan na maraming pagkakataon ang bawa't partido na mahimay ang butil ng pinagtutuunang reklamo. marahil maraming kaugat at kabuntot na mga kadahilanan ang makakalkal at mailatag sa lilim ng araw . bagaman kilalang artista na si baron giesler, mas nararapat siyang umayos sa pagharap sa hukuman. dapat ang kanyang kakisigan ay magmumula sa ganda ng kanyang pagdadala ng BARONG.
... CONGRATULATIONS, baron... best actor sa katatapos na cinemalaya; best picture din ang JAY...
10.7.08
G A Y V I O L E N C E
3 BADING NAGRAMBOL SA MACHONG PAPA |
Ni Armida Rico |
|
17.6.08
tulang toksik, reload
paul h roquia
2001
sayad sa baga : mashabung usapin
Sa abot ng aking alaala, humigit kulang na sa dalawampu’t tatlong taon nang namamayagpag ang deoxyephedrine, meth, methamphetamine, methamphetamine hydrochloride, Methedrine, chicken feed, crank, chalk, trash, glass, ice, amphetamine, pep pill, upper, speed o mas kilala sa katawagang SHABU, SURU, BATO, SHARON, BASURA, ITEM at iba pa depende sa lugar at uri ng lipunan sa bansang ito. Syempre, talamak din ito sa katawagang POOR MAN’S COKE o COCAINE. Bagama’t matagal na rin itong paborito ng mga adik sa urupa’t amerika, umarangkada ang kasikatan nito noong kasagsagan ng people’s power. Dahilan marahil sa matinding pagbabagong naganap sa kalakaran ng gobyerno, halos hindi napagtuunan ng pansin ang pagdanak nito sa halos bawa’t sulok ng kamaynilaan na pinagtripan naman sa anumang antas ng buhay. ‘Bagong’ paninda raw sabi ng mga tulak na dati damo o marijuana lang ang dala. Swak raw sa mga mahilig gumimik sa gabi at walang raw talagang tulugan ang makakahigop nito. Okey rin daw ito sa mga gustong magpapayat dahil walang takam o gutom na darating sa gagamit nito. Ganun ang mga sales talk nila sa mga medyo nag-alangan subukan ito. Idagdag pa ang sobrang abala ng paraan upang ito ay ma-enjoy; biro mo kakailangan mong mag-plantsa ng pahabang pilas ng foil ; i-latag ang bitak-bitak na droga at isalang sa gawa-gawang burner na tisyung binilot pahaba o lighter na tinarakan ng mariing binilog na foil… hihigupin ang ipapatakbong ‘bato’ pabalik-balik gamit ang foil straw o glass pipe o waterpipe. Talagang pang-ritwal ang dating ng pagtira ng drogang ito na sa malaon ay nakasanayan na rin ng mga na-adik dito.
Nakapanghihinayang ang maraming buhay na winasak nito. Hindi lamang ng mga gumamit (at gumagamit pa hanggang ngayon) kundi mas lalo ng mga taong nakapalibot sa mga ito. Matinding mga kasaysayan ng mga naunsyaming kinabukasang naudlot; naparaya't nalugmok sa dusang mga pangarap at ang iba naman ay tuluyan nang kinuha ni Lord ...
Marahil kung may matinding batas na ipinatupad kaagad noong kapanahunan ni dating pangulong Cory, iba ang naging takbo ng kuwento ng drogang ito sa kamalayang kayumanggi. Medyo naasiwa rin ang rehimeng Ramos sa usaping ito; at higit na yumabong ang kalakalan nang saglit na pagkakaupo ni Estrada. Ngayon , sa masinop na pangangalaga ni tita Gloria, masasabing nabigyan ng pangil ang mga alagad ng pagsugpo nito dahil lantaran nang natutukoy ang mga pinamumugaran ng mga walang kaluluwang naglalako ng panunaw-katinuan sa kalakhang mundo ng naghihikahos na bansang Pilipinas!
paul roquia
2001
12.6.08
dalagang bukid espesyal tinuwa
hev aketch ng kachikang ofw na nasa isang malapit lang na asian country na super request ng jinuding version ng law-oy o tinolang fish. syempre dahil aliw-aliwan naman ang inyong lingkod, super as in mega-think ng isdang makapagpupusyaw sa kanyang kabadingan. at naisip kong wala nang hihigit pa sa aking all-time peborit na MAIDEN of the MOUNTAIN, o mas kilala sa talipapa na DALAGANG BUKID.
at dahil nga kailangan may bagong twist, sagad-sagarin ko na rin... as in, go ka sa mountain para hanapin ang talbos na hihingin ko sa resiping ito na tatawagin kong...
D.BET (dalagang bukid espesyal tinuwa)
3 pirasong never pang ikinasal na dalagang bukid
1 green/red bell pepper
tanglad, pinitpit na pith
ilang tangkay na leeks , depende sa gusto mo
2 namimintog na kamatis
talbos ng SAYOTE
asin
paminta
paraan? madali lang. magpakulo ng tubig sa isang non-aluminum cookware. pag-umuusbo na ang kawateran, panggigilang lamutakin ang kamatis sabay lagay at isama na rin lahat ng sangkap maliban sa talbos ng SAYOTE. wait ka ng konti, seguro puede mong awitin ang walang kamatayang 'funky town' tapos killanja mo na ang apoy. put mo na ang talbos ng SAYOTE, takpan. ayan, maya-maya lang puede nang endyoyin ang niluto mo...
5.6.08
ligaw na jokes, todo na 'to!
Wedding Ring
"
"Okay lang 'yun,
Sinong damn?
"Alam mo bang napakatanga ko noong pinakasalan kita!" sigaw ni misis na hihiwalay na sa kanyang mister. "Alam ko, pero in-love ako sa iyo noon kaya hindi ko na lang pinansin ang katangahan mo," sagot naman ni mister.
Kabit
"Inay, nabasa ko sa diyaryo mahigit sisenta porsiyento ng may asawang lalaki na taga-Maynila, kumakaliwa sa mga misis nila," kuwento ng anak na babae sa kanyang inay.
"Oo naman anak, kasi 'yung natitirang kuwarenta porsiyento, sa probinsiya nila dinadala ang mga kabit nila," paliwanag ng ina.
Maling Akala
Kahit walang bilib sa hula, sumubok si Pedro na magpahula.
"Dalawa ang anak mo ngayon," sabi ng manghuhula kay Pedro habang binabasa nito ang palad niya.
"Yun ang akala mo," sumbat ni Pedro. "Para sa iyong kaalaman, tatlo ang anak ko sa misis ko."
"Yun ang akala mo," singhal naman ng manghuhula.
Divorce
Kumakain sa restaurant ang mag-asawa nang may dumaan na magandang dilag, nakipag-usap sa lalaki at hinalikan ito sa pisngi bago sila iniwan.
"Sino `yon?" tanong ng babae.
"Kung kailangan mo talagang malaman, siya ang kabit ko," sagot ng lalaki.
"Napakasama mo! Ipinakita mo pa sa akin ang kabit mo! Bukas na bukas din, magpa-file ako ng divorce!"
"Sige, iiwan mo ako? Pati ang mga alahas mo, ang dalawa mong Mercedes Benz, ang mga damit mo pati na ang bahay-bakasyunan natin sa
Natigatig ang babae. Maya-maya, may nakita silang pangit na babaeng dumaan at kumaway sa lalaki at nagtanong na naman ang babae.
"Sino naman `yon?" tanong ng nagtitimping misis.
"Kabit ni Kumpareng Boy."
Nangiti ang misis. "Mas magandang `di hamak ang kabit natin kaysa sa kanya, `no?"
Kung siya ang pinakasalan...
Nakasalubong ng mayor at misis nito ang dating manliligaw ng babae.
"`Di ba nanligaw sa iyo dati `yang lalaking `yan?" tanong ng mayor sa asawa.
"Oo," sagot ng misis.
"Kita mo na, kung siya ang pinakasalan mo, `di
Tumaas lang ang kilay ng misis.
"Kung siya ang pinakasalan ko, `di
Kinalawang daw
"Dok, duda ako sa bagong silang na anak ng aking asawa," panimula ni Pedro nang makita ang sanggol sa nursery.
"Bakit mo naman nasabi `yan?"
"Kasi, ang buhok ko itim, ang buhok ng asawa ko itim pero ang buhok ng anak namin, pula."
"Ilang beses ba kayong mag-sex ng asawa mo?"
"Isang beses isang taon."
"Kaya pala. Sa iyo `yang batang `yan. Kaya lang, namula ang buhok niyan dahil sa tagal, kinalawang na siya," paliwanag ng doktor.
Awa
"Habang pinapanood mong inumin ang kapeng may lason ng asawa mo, hindi ka man lang ba naawa sa kanya kahit isang beses?" tanong ng abogado sa babaeng nasasakdal.
"Naawa naman po," sagot ng babae.
"At kailan `yon?"
"Nu'ng humingi siya ng isa pang tasa ng kape."
Impiyerno Nga!
Nagreklamo ang isang baklang bagong bagsak sa impiyerno.
"Ano ba namang lugar ito? Ang daming cute pero ang liliit ng mga ari!" reklamo ng bakla kay Satanas.
"Natural! Kung malalaki ang mga ari niyan 'di para ka na ring nasa langit, 'no?" sagot ni Satanas.
Pwetifier
Nagkaanak ang baklitang si Laharni sa pamamagitan ng test-tube. Sa nursery, binisita niya ang anak niya at napansin niyang ang lahat ng baby roon ay nag-iiyakan maliban lang sa kanyang anak na pangiti-ngiti pa habang natutulog.
"Ang cute ng baby ko, `no? Super-bait pa!" pagyayabang ni Laharni sa nurse na nakatalaga sa nursery.
"Subukan n`yong alisin ang pacifier sa puwet ng baby n'yo at tiyak na iiyak din 'yan," sabi ng nurse.
O-o-o-f-f-f?
"M-may ti-tinda b-ba ka-kayong vibrator?" tanong ni Monakiki sa salesman.
"Meron po," sagot ng salesman.
M-mayroon b-ba k-kayong t-tindang vibrator na may t-takak n-na K-Kingtool?"
"Meron din po."
"M-mayroon ba k-kayong K-Kingtool na te-ten i-inches ang haba at pa-five inches ang laki?"
"Meron din po."
"M-mayroon b-ba k-kayong g-ganoong style na di-di-di-baterya?"
"Meron din po."
"P-paano b-ba p-patayin `y-y-yon?" tanong ni Monakiking diretso ang panginginig.
4.6.08
ano raw?
Mga nakakawindang na signs na sa Pilipinas lang
matatagpuan:
nakasulat sa pader:
"MARUNONG KA BANG TUMAHOL? ASO LANG ANG UMIIHI DITO!"
sa highway sa Pampanga:
"WE MAKE MODERN ANTIQUE FURNITURE"
sa isang grocery sa Baguio:
"FRESH FROZEN CHICKEN SOLD HERE"
sa Cubao:
"NONE ID NOTHING ENTRY"
sa isang parking lot:
"TAXI AND OUTSIDE CAR NOT ALLOWED"
sa may Luneta Boulevard:
"BAWAL TUMAE SA BULEVARD"
mga sign sa Jeepney at Bus :
"BEFORE PAY, TELL WHERE GET THE ON BEFORE GET THE OFF"
sa isang flower shop sa may Rizal Ave.:
"WE SELL ARTIFICIAL FRESH FLOWERS"
sa isang delivery truck:
"NOT FOR HERE"
sa bintana ng isang restoran sa Baguio:
"WANTED: BOY WAITRESS"
grapiti sa c.r. ng isang unibersidad:
"PLEASE DON'T SIT LIKE A FROG, SIT LIKE A QUEEN."
sa ibabaw ng urinal :
"HAWAK MO ANG KINABUKASAN NG BAYAN"
sa isang construction site sa Mandaluyong:
"BAWAL OMEHI DITO. ANG MAHOLI BOG-BOG"
sa may San Andres:
"NO URINATING, ON THE OVER WALLS"
sa isang bakanteng lote sa may
"DON'T PARKING"
sa isang karinderya sa cebu
"WE HAB SOPDRINK IN CAN AND IN BATOL!
at ang sobrang o.a. sa lahat :
"NOTARY PUBLIC TUMATANGGAP DIN NG LABADA KUNG LINGGO"
2.6.08
gutom na planeta
ang kabi-kabilang paghataw ng trahedya sa halos bawa't sulok ng mundo ay tunay ngang nakababahala. walang katiyakan kung ano at saan hahagupit ang kalamidad, natural man o kagagawan ng tao. biglaan ang lahat. walang pasabi o pasubali. at ang lahat ay nagaganap sa isang iglap lamang. marahil ang iba riyang relihiyoso at mapagpaniwala ay nagsasabing 'parusa' ito ng Maykapal. lalo't higit sa ngayon ay tumitibay ang paniniwala ng isang samahang pang-international sa DOOMSDAY 2012. ayon sa kanila diumanong matinong pananaliksik ang mundo ay magugunaw sa ika-21 ng disyembre, taong 2012. syempre, marami ring nagsasabing wala talagang nakakaalam kung kailan matatapos ang mundo. nguni't hindi ba't sa kakulangan ng pag-unawa sa matalinhagang katuturan ng sanlibutan ay walang pagod ginagawan ng paraan ng sankatauhan ang paglikha ng mga nakakapangilabot na mga bagay tulad ng bomba nukleyar? sadyang masalimuot pang isipin kung bakit nga nagkakaganito ang mundo ngayon. naroong isiping kagagawan nga nating lahat ang pag-alburuto ng inang kalikasan ; naroon ding dahil raw ito sa paglayo ng loob ng mga tao sa Diyos. nguni't hindi kaya natin masabing gutom lang ang mundo sa laman nating mga tao? hindi kaya sugapa sa laman at dugo ng mga hayop (kung saan tayo ay klasipikado rin) kung kaya nagkukusa itong gumawa ng paraan upang mabundat tulad ng mga nakakarimarim na kalamidad na tinatamasa natin ngayon? sino rin naman kayang makapagsabing hindi?
28.5.08
trangkaso
23.5.08
20.5.08
maligayang kaarawan, bb. nora aunor!
The Real Nora Aunor
By Bibsy Carballo As Published In Star Studio Magazine July, 2007 Issue
There is no Filipino, young or old, who has not heard of Nora Aunor. Nora, or more fondly Ate Guy, broke the prevailing idol stereotyoe of the mestiza beauties with family pedigrees. The 4’l0" dark-skinned Nora was someone the masses could identify with. To this day, none have been able to match the mass hysteria and adulation she invoked.
Entertainment figure Boy Abunda confesses in his column. There is not one actor in history that would make me faint except for Nora Aunor. I tremble. I get tongue-tied. I cower. Such is the power of the Superstar. Director Lupita Aquino Kashiwahara, who was Nora’s ninang in her marriage to Christopher de Leon, elaborates, If Guy were to sit immobile in a chair, as in a scene, she would exude the kind of emotions dictated by the moment and demanded by the director. When she sings, she moves into a different realm and transports us to another dimension. Charisma? It’s much more than that. It’s like the song of a sirena that beckons to untold promises.
Fast forward to 2007. The Superstar is 54 years old and has been living in the
T-Bird At Ako
Enterprising reporter Jojo Gabinete chanced upon an entry in the Marriage Inquiry System of Clark County,
Many of us in the entertainment sector have met Norie through her decades- long association with Guy as her musical director and confidante. If there was any special relationship between them, we didn’t know and didn’t really care. It was their own business, after all. None was not the first female to be linked with the Superstar through the years. The only difference was that unlike all her other relationships, real or imagined, this time a legal document was involved giving credence to the rumor.
Still, apart from those in the world outside of the entertainment sector who were incredulous and shocked, most of those in movies, television, and music were hardly jarred by the news.
An avowed Noranian who dubbed Guy as the One And Only Superstar entertainment columnist Ronald. Constantino simply shrugs his shoulders saying, So what else in new?" Another columnist Billy Balbastro who has known Guy from her earliest days simply says "She is unpredictable. She can do anything like marry someone of the same sex.
The irrepressible Lolit Solis, manager of Christopher de Leon, who until these discoveries was the only husband on record of Guy, laughs It’s no big deal. Let’s put it this way. If Ate Vi (Vilma Santos) got married to a girl, it would be shocking but with Nora it is nothing extraordinary.
German Moreno, who has been hounded by reporters and the broadcast media since the news came out states simply, Ewan kung totoo, pero alam mo naman, this was in Vegas where it’s so easy to get married and divorced in one day. Posibleng katuwaan lang yan, if ever.
Lupita who is one of Guy’s favorite directors (Superstar on TV and the acclaimed Minsa’y Isang Gamu-Gamo) agrees conclusively, I was not surprised by her romantic entanglement with Norie Sayo. But I have my doubts that they went through the serious ceremony of marriage. More likely at some katuwaan they went through some kind of a ritual. The last time I had a chat with Norie, over a year ago, she and Guy were having a business tiff. Norie was definitely in pain with the separation and I can only surmise that there was more to it. She cared for Guy a lot.
Beyond the same sex marriage
Part of this was her habitual tardiness or simply absence from her shows, shootings, or tapings. June Rufino, executive secretary (manager, confidante, lawyer) to Guy for four years from 1974-78 during possibly the most tumultuous years of her life remembers one instance when she made Mother Lily Monteverde of Regal wait for hours at her Valencia residence. The lady producer was so incensed she swore that one day the house would be hers. This, of course, came to pass.
Kitchie says that in the 22 years of Superstar where Kuya Germs was a host, Siguro for 10 years Kuya Germs did it alone. She would call and say, masakit ang ulo ko,or sometimes she would come but not sing, or sometimes wouldn’t even talk. But you learn to live with it.
But why, we wonder would anyone live with this type of behavior? A distinguished psychiatrist who had some professional dealings with a member of Guy’s immediate family explains, "The persona she projects in public is very different from that in private. There is a multiplicity of personalities. That is a character disorder. Some people like that commit suicide. In Guy’s case, it is not physical suicide, but injurious behavior to herself and to her audience. Despite all the seemingly respectful po and kawawa image she shows, she is actually bastos in her behavior. Isn’t it bastos to make people wait on the set of your movie or TV show for hours upon hours and then not appear? There is a total disregard for rules."
Ronald, however, who met the Superstar very early in her career ascertains that even then, she already had this habit of saying po to everyone. It wasn’t put-on but part of her personality.
It is therefore these multiple personalities of Guy that those close to her are given a glimpse of, and which they try to understand and forgive. Kitchie tells us, There would be times when I would hate her, but then you always go back and try to understand her. She doesn’t have two faces, she has four, five, even more. She is the perfect Gemini, adds Baby K. Jimenez, veteran entertainment writer.
Fortunately for Guy, she has been blessed with numerous talents that add to her charisma, which makes it very easy for people she has hurt to forgive her. Tirso Cruz III explains the lack of discipline which started when they were practically just entering their teens. You have to remember that we were so young then. The presence of so much pressure on her, flooded with adulation resulted in negative reactions from her. It was an act of rebellion. It’s like the tantrum of a child against so many things she was being made to do, I went through that phase myself. You feel that everyone wants a piece of you and nothing is left for you.
This rebellion has also manifested itself in all her actions, in the purported drug abuse, in the innate lying, in the habitual buying and selling of the 40 houses she lived in, in her short term relationships.
Our psychiatrist continues, "She has a personality disorder that may be traceable to her childhood, or may be a result of instant fame (some people who can’t deal with fame go into drugs or commit suicide). There is this passive-aggressive personality trait, that is manipulative at the same time. And most often, people with these personality disorders are not aware of their illness. Other people are at fault, never themselves."
La Aunor’s unpredictability
Despite the belief of many that we were part of that clique in the ‘70s and ‘80s that kept close guard over the Superstar, our only real encounter with Nora Aunor was on the set of the Experimental Cinema of the
This was already 1982. Guy was 29, had been through her most turbulent years that included legal cases with Sampaguita where she was a contract star; had already undergone a number of early teenage romances with Tirso Cruz III, Manny de Leon, and Christopher de Leon whom she had married and separated from and other romantic dalliances that are said to include President Joseph Estrada, Richard Merck, Mario O’ Hara, Bembol Roco, and John Rendez.
We were ready for the worst
Again, Guy surprised all of us by being her unpredictable self. Not only was she excellent in her performance, she was also on her best behavior. She was on the set when needed, at the time she was needed, and never once misbehaved in all those three months. The only instance shooting was affected was when she drove a vehicle, got into a minor accident, and had to be airlifted to Manila for check-up, after which she returned immediately to the set. Himala went on to become her greatest picture and many of her movies like Bilangin Ang Bituin Sa Langit, Bona, Condemned, and Bulaklak Sa City Jail have consistently been ranked as the best of Philippine cinema.
If Nora Aunor, therefore, is accepted as the country’s most important actress, shouldn’t it give her license to behave as any diva with a list of unreasonable demands? Of course, the answer is no. But in the entertainment world, a Nora Aunor with all her eccentricities is not only accepted, but admired for doing what she wants to do and to hell with all of you.
She does, however, have her many positive traits. There are people who swear by her and this includes Ronald Constantino who claims that there was not a single instance when she disappointed me in any way.
It is not true either that she does not know the meaning of love. June remembers Guy’s wedding to Boyet, which was consecrated while they were submerged in the waters of Bauang, La Union, in April 1975. She was witness to the love between Boyet and Guy.
She was with Guy during the years she was married to Boyet and remembers that final breakup. We had just come home and were standing in the middle of the hallway. Boyet comes out of the bedroom with his suitcases, sees her and says, Putang ina mo! To which she answers, Putang inamo rin! When he had gone, she takes me to the game room below and we listen to the song Love is Blind for ten hours from evening till the next day na paulit-ulit, while she was crying all the time and drinking.
She had that ability to attract love and affection from all. Man, woman, friend. Not a few came under her spell. Says Baby K. I believe both Pipo and Boyet really fell in love with bulilit (her nickname for Guy) deeply. Guy has this knack, masyadong malambing and maasikaso. She could be generous and would go to any lengths to please a partner. Extra thoughtful, selosa, very skilled in her ways to endear herself.
What to do therefore with a problem like Aunor? She with the conflicting personalities, with that seemingly endless search for real love and affection, with that continuous death wish exhibited in aberrant behavior.
Kashiwahara sums up the feelings of many who have known and loved the Superstar. I loved her talent. She is a national treasure. I disliked her lack of discipline, her un-professionalism, her weaknesses, her lifestyle, and most of all, the feeling of sayang. The tragedy of a Nora Aunor like most cosmic stars is the waste and the squander of fortune, fame, and idolization of the masses. She could have been a force for good, a continuing dream of the impoverished masa, a source of joy with her undiminished talent. And still, the tragedy need not continue. For as long as the heart beats, there is time for triumph. Guy can still make one more comeback.
- mula sa laaunorsuperstar.blogspot nahugot ang artikulong ito ni ms. carballo. bilang pag-aalala sa ika-55 na kaarawan ni ms. nora aunor sa mayo 21... pagbati mula sa anchafluconchuchu!