2.6.08
gutom na planeta
ang kabi-kabilang paghataw ng trahedya sa halos bawa't sulok ng mundo ay tunay ngang nakababahala. walang katiyakan kung ano at saan hahagupit ang kalamidad, natural man o kagagawan ng tao. biglaan ang lahat. walang pasabi o pasubali. at ang lahat ay nagaganap sa isang iglap lamang. marahil ang iba riyang relihiyoso at mapagpaniwala ay nagsasabing 'parusa' ito ng Maykapal. lalo't higit sa ngayon ay tumitibay ang paniniwala ng isang samahang pang-international sa DOOMSDAY 2012. ayon sa kanila diumanong matinong pananaliksik ang mundo ay magugunaw sa ika-21 ng disyembre, taong 2012. syempre, marami ring nagsasabing wala talagang nakakaalam kung kailan matatapos ang mundo. nguni't hindi ba't sa kakulangan ng pag-unawa sa matalinhagang katuturan ng sanlibutan ay walang pagod ginagawan ng paraan ng sankatauhan ang paglikha ng mga nakakapangilabot na mga bagay tulad ng bomba nukleyar? sadyang masalimuot pang isipin kung bakit nga nagkakaganito ang mundo ngayon. naroong isiping kagagawan nga nating lahat ang pag-alburuto ng inang kalikasan ; naroon ding dahil raw ito sa paglayo ng loob ng mga tao sa Diyos. nguni't hindi kaya natin masabing gutom lang ang mundo sa laman nating mga tao? hindi kaya sugapa sa laman at dugo ng mga hayop (kung saan tayo ay klasipikado rin) kung kaya nagkukusa itong gumawa ng paraan upang mabundat tulad ng mga nakakarimarim na kalamidad na tinatamasa natin ngayon? sino rin naman kayang makapagsabing hindi?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment