27.8.08

zorayda sanchez, 58

napa-susmaryosep akong bahagya nang bumunghalit sa radyo ang balitang isa na namang biktima ng kanser sa dibdib ang pumanaw. lalo akong napa-juskopo nang ang biktima ay walang iba kundi ang kaibigang si zorayda sanchez. sa batang edad na 58, nakapanlulumong iniwan na nang tuluyan ni zoray ang showbis. kumatok sa kamalayang pinoy ang kanyang pangalan noong kasariwaan pa ng dekada 80 bilang epitomo ng kawalan ng gandang matatawag. lantarang ipinagbunyi ang kanyang kapangetan bilang katatawanan ng ilan ring mga panoorin sa pelikula at telebisyon. ginawa siyang pantukso kundi man pantakot sa batang pasaway ; isinangkot rin siya bilang nagsakatawang taong kabayo. gayunpaman, lingid sa kaalaman ng marami isa siyang magaling na maestra at manunulat. nakakatuwa pa mandin siyang kasama dahil bihira siyang magpatawa o matawa, sadyang napakalalim ng katauhang binalot ng ganung kaanyuan. harinawang sa kanyang paglakbay ay matitisuran niya ang gandang minsang ipinagkait sa kanyang mortal na katuturan.

1 comment:

mrs.j said...

i agree.. i missed tita zoree im a friend of her daughter alexis...

may she be with our creator in peace.