15.8.08

madonna, singkwenta



sino naman kayang matinong tao sa ating henerasyon ang hindi nakakakilala kay MADONNA? syempre mga moret lang ang hindi alam na siya ang isa sa mga pinakamaningning na taong biniyayaang sumikat bilang mang-aawit, prodyuser at artista. ipinanganak na MADONNA LOUISE CICCONE RITCHIE sa bay city, michigan, estados unidos noong ika-16 ng agosto, 1958; masasabing binago niya ang hugis at anyo ng tinatawag na american pop music. kalimitang inuukilkil ng kanyang mga obra ang temang sekswalidad at relihiyon, hindi lang miminsang nasita siya mismo ng mga tiga-vatican. bagama't sumikat nang husto noong inilabas nya ang kauna-unahang album, na sinundan ng marami pa ; bahagyang nalugmok ito nang bumagsak ang benta ng kanyang EROTICA, bunsod ng mga negatibong epekto ng nilathalang librong 'SEX' at pelikulang 'BODY OF EVIDENCE' na pawang tumatalakay sa makamundong kamuwangan o kawalan nito. muli siyang namayagpag nang ipagbunyi ng mga kritiko ang plaka nyang RAY OF LIGHT noong 1998. ang sumunod na apat pang inilabas nya ay pawang pumatok rin. 22 pa lamang ang nilabasan nyang pelikula at noong 1996, ay nanalo ng Golden Globe Award sa kanyang makabagbag-damdaming pagganap bilang evita sa Evita. Naging asawa niya sina sean penn, isa ring aktor; nagkaanak ng babae sa kanyang personal trainor na si carlos leon; bago muling nakipag-isang dibdib kay guy ritchie kung saan meron silang inampong malawian (na naging kontrobersiyal).

si madonna ay ang 'queen of pop'... isang tatak na kaylawak ng ibig sabihin at mararanasan lamang tuwing siya'y nasa iyong player at walang patumanggang inaawit ang kanyang buhay...

para sa lola kong sobrang ganda, maligayang ika-50 na kaarawan!

No comments: