napakatagal na ng panahon mula nang huli kaming magniig ni raul (tunay niyang pangalan). kung hindi ako nagkakamali ay humigit-kumulang mga 22 taon na ang nakararaan. bagama't nagkaroon kami ng relasyon sa loob ng isang taon, hindi namin masyadong sineryoso ang isa't isa. paano naman kasi bisibisihan siya sa kanyang career sa advertising world at ako naman sa aking mga alagang nightspots. actually, nagkakilala kami sa isang 24-hour fastfood center sa may timog. nagkatabi kami sa chicken inasal , nagkatitigan, nagngitian at nagkindatan. ganun lang. matapos naming lantakan ang aming mga inorder, walang dayalogong sabay na sumakay sa taxi at diretso sa inuupuhang mezzanine sa may new york. malala ang naganap na tsuk-tsakan. sobra siyang palaban at bawa't ulos niya'y sinusuklian ko ng mas matindi.
pagkaraan noon, kami na. nagkakilanlanan. nagdamayan. at kahit sa maikli naming pag-lilive-in, naramdaman kong talagang pangkama lang siya. meaning hindi siya yong tipong makikisakay sa trip mong 'love is forever with you' o 'let's grow old together'. alam kong malao't sa madali ay mauuwi rin ang lahat kay luz fernandez (hello, as in 'lost fernandez'?). naging masaya naman kami. nagka-baby pa nga kami ng pusang nadampot ko sa mowelfund; at kahit papaano ay naipakilala namin ang isa't isa sa kanya-kanyang pamilya. ganun. at sa hindi na masyadong malinaw na dahilan ngayon, ay bigla na lang kaming nag-cool off (parang nagsimula nang nag-uwi siya ng ka-opisinang babae )... tapos noon parang lumabnaw na ang lahat. hanggang sa tuluyang nawaglit kami sa isa't isa. walang drama. walang hysteria. walang crayola. wala. pramis.
tapos last november, nagkasalubong kami sa airport. mainit niya akong niyakap at sinabing na-miss niya raw ako. halos hindi siya tinablan ng panahon, naroon pa rin ang tikas ng katawan at tindig at malamyos niyang mga ngiti. napansin niyang tumaba na ako dala ng aking pagka-mestisa, ngunit, nasabi niyang lalo rawng tumingkad ang aking sex appeal (ewan kung bola yon!). pagtapos nu'n nagkita kami uli sa makati, tensyon lang inabot namin dahil nasa greenbelt pa ako nang sumabog ang glorietta. nag-check in kami sa isang hotel sa manda, naganap ang lahat uli, at sa hindi na naman maisalarawang dahilan ay sobrang lunggati ang aking nadarama... ngunit hanggang doon na lamang ang lahat. iisipin ko na lang na ang mga ganoong kaganapan ay nangyayari sa mga dating magkasuyo, minsan pa. one more time, without feelings!
3 comments:
I'm confused. Are you male or female????? Found your site in the CMU alumni web page. I'm also from CMU. Please visit my blog site also: http://blogblogblogme.blogspot.com/
REALLY??? I'm happy for you, you lucky gay!!! I sort of had that feeling already, but wasn't quite sure. Most gays are very creative, and it does show in your blog. Love gays!!! I'm glad I dropped by last night.
...Oh I forgot. Did you read my post on June 4 2007? It's called Riley, simply a beautiful transgender... Go read it. catcha.
Post a Comment