29.1.08

i g a d o





Written by Parazzi News Service *

ang 'igado' ay isang putaheng sinasabing nagmula sa mga Ilokano. Gawa ito sa laman-loob ng baboy. Ngayon, may iba’t-ibang bersyon na ito, pwede na rin gawing igado ang laman-loob ng baka.

Mga Sangkap:

½ kilo na bituka ng baboy, hiniwa ng maninipis
¼ kilo na atay ng baboy, hiniwa ng maninipis
¼ kilo karne ng baboy, hiniwa ng maninipis
Dahon ng Laurel
Pula at berdeng bell pepper, hiniwang pahaba
1 tasa ng green peas
1 malaking sibuyas
3-5 pirasong bawang
toyo
½ tasa ng suka
2-3 tasa ng tubig
asin
pamintang durog
mantika

Paraan ng Pagluto:Igisa ang bawang at sibuyas. Ilagay ang bituka, atay at karne ng baboy at ang dahon ng laurel. Hayaang maluto saka ilagay ang tubig.
Pakuluin hanggang konti na lang ang tubig. Lagyan ng toyo at suka. Ilagay ang pula at berdeng bell pepper at green peas. Haluin ng mabuti. Lagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
*marami pang lutuing pinoy ang featured sa pinoyparazzi, click nyo lang link then search for 'cooking' doon.

No comments: