... sa gitna ng nakakahilong mga pangyayari at kalakaran sa mundong ating ginagalawan, nais ko namang maghain ng isang recipeng puede nyong subukan para ihain sa inyong sunday brunch with friends and lovers!
Kare Kareng Bulalo Sa Gata
1 kilong lomo ng baka, hiniwang kainamang isubo
2 Beef Broth Cube kinanaw sa
4 tasang tubig
2 kutsarang mantika
4 pinirasong bawang, dinurog
1 katamtamang laking sibuyas, hiniwa syempre
1/2 tasang peanut butter
1 tasang coconut milk o gata
1/3 tasang harina , kinanaw sa
1/4 tasang tubig
2 kutsarang tustadong sesame seeds
2 kutsarang mantika
3 tasang hiniwang sitaw, 2 pulgada
3 pirasong talong hiniwang 2 pulgada rin
1 Chicken Broth Cube
Paano?
1. palambutin ang baka kasama ang broth cube. Alisin ang baka mula sa pinagkuluan pero i-reserba ang sabaw para mamaya.2. Initin ang mantika at igisa na ang sibuyas at bawang. limp. Idagdag na ang 3 tasang sabaw, ang peanut butter at gata. Idagdag na rin ang pinalambot na baka at pakuluan sa loob ng 20 minuto. Palaputin sa pamamagitan ng harinang kinanaw kung kailangan.3. I-stir fry naman ang mga gulay kasama ang chicken broth cube hanggang katamtamang lumutong, ihain bilang sidedish ng karne. Pang-anim ang recipeng ito.
No comments:
Post a Comment