28.1.08

leche! flan!

last christmas i gave you my heart, but on the next day you gave me LECHE FLAN! medyo may kamahalan na rin ang isang lyanerang flan , kung dati mga kinse o bente ang isa , noong nakaraang pasko umabot ng sitenta pesos ang isa! kaya minabuti kong gumawa na lang, sa murang halaga marami-rami rin magagawa mo depende sa kapal nito... kaya try nyo rin.

trivia lang, kung gusto nyo ng masarap at malinamnam na leche flan sa san pablo city kayo bumili.


Leche Flan
Mga sangkap:
2 lata ng condensed milk
10 pirasong egg yolk
1 kutsaritang vanilla extract
1 tasang asukal na puti
½ tasa ng tubig
Paraan ng Pagluluto:

1. Paghaluin ang condensed milk, egg yolk at vanilla extract sa isang mixing bowl.
2. Para naman sa arnibal ng leche flan, pakuluin ang tubig at ihalo ang asukal. Hayaan itong kumulo at lumapot. Magbuhos ng konting arnibal sa mga liyanerang gagamitin at hayaan itong tumigas.
3. Isalin sa liyanera ang naunang mixture. Takpan ang mga liyanera ng foil. 4. Ilagay ang mga liyanera sa isang steamer at hayaang maluto sa loob ng 30-45 minuto. Palamigin muna bago ihain

No comments: