talaga namang nakahihindik ang darating na ilang araw. nariyang wala kang ibang mapaglilibangan kundi ang re-runs ng mga luma't bagong horror films sa hbo, cinemax, star , etc. nariyang ang mga makakasalubong mo'y mga batang zombie at matatandang drakula. pati message tone ay makaririnig ka ng atungal ng asong ulol na parang inaaliw ng sampung paniki! ang lahat na ito at higit pa sa iyong makakaya ay isang kalabisang dapat nang isantabi. bagama't industriya nang maituturing ang undras , hindi rin natin maipagkakailang hindi likas sa kulturang pinoy ang O.A. nitong selebrasyon.
talaga namang may bahid lungkot lang ang darating na ilang araw. dapat. ginugugol ng mga matitinong nilalang ang panahong pinagbabakasyon sa tahimik na pagdarasal. at pagmumuni-muni. ganun na rin ang muling pagsasama-sama ng mga pinagbuklod sa pagmamahal ng mga namayapa. ang taimtim na pag-aalala sa mga masayang nakaraang panahon sila'y narito pa sa ating piling... ang muling pagtatagpi-tagpi ng mga damdaming nagkaroon ng pagkalagas... ang pagkakaisa ng lahing iniwang may alinlangan... ang pagbibigay liwanag sa makulimlim na mga naunsyaming pangarap... at higit pa!
hindi na nga rin mahalagang gawing paksa sa mga tinamaang mga lokal na talkshow ang sari-saring katakutang kwento dahil wala naman itong halaga sa mga manonood. ang dapat idiin ng media ay kung paano magiging makabuluhan ang panandaliang pagpasyal sa sementeryo at hindi ang paglantad sa kung saang sulok ng mga kaluluwang namayapa na. BOOOOOOOO!
1 comment:
pastilan bitaw.. taym pa Filipino man diay ang pinulongan dir; pwede ra magbinisaya ko kay dili man ko kabalo maghinapon.. hehehe..
ambot bitaw nga kasagaran sa mga programa sa TV, hisgot hisgot man gyod ug hadlok..naay bidyu nga gipakita nga naa kunoy multo pero kung tutukan nako pag-ayo, wa man gyod koy makita.. hahay.. basin multo na sab tingali ko?
ambot lang!
Post a Comment