nagkibit balikat nga kaya ang mga elitista sa biglang paglaya ng mamang dapat sana'y sa bilibid na humihimas ng bakal? napahagulgol kaya ang mga ulol niyang kampon sa tuwa't galak na sa wakas ay makakasama nilang muli ang idolong lihim na nasusuka sa kanila? napapalatak ng litanyang di mawari naman ba ang ilang nagmamalinis upang sa bahaging ito ng karanasang pambansa ay maiparating nila ang isang nakakabahalang mensahe sa lahat? mensaheng nararapat sanang itangi na lamang na lunas sa nakaraang katangahan. sa kanyang nakapanindig-bulbol na pagharap sa kanyang kababayan , minarapat ng ugok na ito na gamitin ang inang sinaktan upang sa huli nitong mga sandali ay mapatamis ang anghang ng katotohanan... na kahit minsan ay wala siyang konsensya o banal na hangarin. lantad ang kanyang kalibugan at kahit patagilid ay hindi kaylan man mabibigyang halaga ang imoral niyang mundo. kaya nga hinangad niyang maging puno ng isang republikang haling sa aninong gumagalaw upang mamuhay ang bunga ng kanyang makamundong init ng matiwasay at marangyang katuturan. nakakapangilabot isiping sa darating na mga panahon ay isusumpa tayong lahat ng ating salinlahi sa ating walang patumanggang pagpayag na magkaroon ng isang katulad niya sa hanay ng mga namuno sa bansang pineperlas pa mandin ng silanganan...
No comments:
Post a Comment