kahit lumipas na ang panahon ni basil valdez at niretoke ng matinis at nakakarinding boses ni regine velasquez ang 'tuwing umuulan at kapiling ka' ni maestro ryan cayabyab, sinisiko pa rin nito ang tagiliran ng aking mga alaala at damdamin. if my memory serves me right, umuulan rin noong mga late 70s nang una ko siyang narinig sa radyo. may exam ako noon at halos katiting lang ang tulog ko sa ka-cram kung paano isaksak sa utak ko ang sangkaterbang aralin sa isang gabi lang. at kahit sabihin pang medyo malagihay pa ang aking karanasan sa pag-ibig noon , natumbok nito ang nahihimbing kong kamulatan sa kabaduyan ng mundo.
pagmasdan ang ulan, unti-unting bumubuhos sa mga halaman at bulaklak...
ano pa nga ba't habang tumutugtog siya'y sabay namang nakikita ko ang mga halaman at bulaklak na binabasa ng ulan. first hand experience ko iyon na nangyayari ang naririnig ko sa radyo. mangha at di makapaniwala, nag kulay rosas bigla ang paligid at kahit na nangungulila ang kaluluwang umaawit ; humihiyaw sa tuwa naman ang buong kapaligiran dahil sa biyayang handog ng kaulapan.
fastforward. ngayon naman, dalawang araw nang pumapatak ang ulan (ng APO?) , medyo kakatamad at sarap humilata lang sa maghapon. wala naman rawng bagyo ayon sa PAGASA. ewan ko rin kung humihiyaw sa tuwa ang mga nakatira sa may tabing ilog at dalisdis ng kabundukan... ewan ko rin kung may mapapaksiw akong galunggong ... mas ewan kung sisipagin ang aking mahal na iwan sandali ang lungsod at bumiyahe sa gitna ng makulimlim at basang landas tungo sa aming tagong pugad upang hindi lamang isang awit ang magkaroon ng katuturan sa linya't pamagat na "Tuwing Umuulan At Kapiling Ka"!

No comments:
Post a Comment