15.10.07

maynila... sa gitna ng mga aninong gumagalaw

aliw na aliw si ishmael sa titulong ito. totoo nga rawng ang buong lungsod ay sinasaniban ng nakakabighani bagama't nakakabulag na katuturan ng pinilakang tabing. pati na raw galaw at takbo ng isip ng karamihan ay nakasalalay sa bago nilang mapapanood ; kaya kung aksyon ang uso, maraming matutunghayang rambolan sa iba't ibang sulok ng maynila. hwag na kayang itanong paano kung erotika ang tema ng panahon? eh, kung horror kaya? nang mabasa niya ang kabuoan ng istorya lalo siyang namangha sa kawalan ng katotohanang ang pelikula ay isang produkto lamang na maaring ilagak sa mga supermarket... na ang isang kasaysayan ay dugo at kaluluwa ng kumapal... na ang lahat ng ito ay pera-pera lamang. sabi niya, 'naku, walang magpoprodyus nito, walang maglalakas-loob'. tinanggap ko ang kanyang payo. hindi ko na pinursigeng palawigin pa ang konsepto sa sinapupunan ng aking utak. hinayaan ko na lang maging malapit niyang kaibigan at dahil doon ay lalo kong natantong sa gitna nga pala ng industriyang kanyang kinasasadlakan , may maaaninag ka rin palang totoong tao tulad niya.

sumalangit nawa.

No comments: