31.10.07

maling siglo




labis kayang masalimuot sa isipan ang magkaroon ng isang reyalisasyong ikaw ay ipinanganak sa maling panahon? balot naman seguro ng sigalot ang katotohanang kahit kailan hindi maipagkakailang wala itong sapat na batayan upang ipagmaktol. marahil ay ipilit na lang ang sarili sa kinalalagyang pahina ng buhay at isakatuparan ang nararapat. ngunit gay-on pa man, may kung anong nakabilanggong siklot sa iyong damdamin na nagpupumiglas na makalaya! iyon ang panghihinayang na disin sana kung ang katuturan ng iyong pagkatao'y namamayagpag sa kanyang karapatdapat na panahon, marahil ay mas maaliwalas ang paglalakbay .

madaling gawing dahilan na lamang ito ng mga nilalang na sa wari'y hindi nagwagi sa kanilang mga adhikaing propesyonal at/o personal... silang mga wika nga'y natisod sa landas tungo sa kanilang inaasam-asam na tagumpay. mga natatanging tao na hindi pinalad maging puno't bahagi ng isang pagbabago sa lipunan, sa sining, sa kalinangan at ng sa sibilisasyon.

ang mga taong grasa, halimbawa, ay matatawag ba nating iniluwal sa maling siglo o sadyang sila'y pinagtaksilan lamang ng kanilang mga sariling damdamin? ikaw ba na napasyal dito ay buong ningning na makapagsasabing: "oo naman, i was born on the right century!"

29.10.07

tigang na luha

talaga namang nakahihindik ang darating na ilang araw. nariyang wala kang ibang mapaglilibangan kundi ang re-runs ng mga luma't bagong horror films sa hbo, cinemax, star , etc. nariyang ang mga makakasalubong mo'y mga batang zombie at matatandang drakula. pati message tone ay makaririnig ka ng atungal ng asong ulol na parang inaaliw ng sampung paniki! ang lahat na ito at higit pa sa iyong makakaya ay isang kalabisang dapat nang isantabi. bagama't industriya nang maituturing ang undras , hindi rin natin maipagkakailang hindi likas sa kulturang pinoy ang O.A. nitong selebrasyon.

talaga namang may bahid lungkot lang ang darating na ilang araw. dapat. ginugugol ng mga matitinong nilalang ang panahong pinagbabakasyon sa tahimik na pagdarasal. at pagmumuni-muni. ganun na rin ang muling pagsasama-sama ng mga pinagbuklod sa pagmamahal ng mga namayapa. ang taimtim na pag-aalala sa mga masayang nakaraang panahon sila'y narito pa sa ating piling... ang muling pagtatagpi-tagpi ng mga damdaming nagkaroon ng pagkalagas... ang pagkakaisa ng lahing iniwang may alinlangan... ang pagbibigay liwanag sa makulimlim na mga naunsyaming pangarap... at higit pa!

hindi na nga rin mahalagang gawing paksa sa mga tinamaang mga lokal na talkshow ang sari-saring katakutang kwento dahil wala naman itong halaga sa mga manonood. ang dapat idiin ng media ay kung paano magiging makabuluhan ang panandaliang pagpasyal sa sementeryo at hindi ang paglantad sa kung saang sulok ng mga kaluluwang namayapa na. BOOOOOOOO!

26.10.07

ang tagong mundo ng mandarambong


nagkibit balikat nga kaya ang mga elitista sa biglang paglaya ng mamang dapat sana'y sa bilibid na humihimas ng bakal? napahagulgol kaya ang mga ulol niyang kampon sa tuwa't galak na sa wakas ay makakasama nilang muli ang idolong lihim na nasusuka sa kanila? napapalatak ng litanyang di mawari naman ba ang ilang nagmamalinis upang sa bahaging ito ng karanasang pambansa ay maiparating nila ang isang nakakabahalang mensahe sa lahat? mensaheng nararapat sanang itangi na lamang na lunas sa nakaraang katangahan. sa kanyang nakapanindig-bulbol na pagharap sa kanyang kababayan , minarapat ng ugok na ito na gamitin ang inang sinaktan upang sa huli nitong mga sandali ay mapatamis ang anghang ng katotohanan... na kahit minsan ay wala siyang konsensya o banal na hangarin. lantad ang kanyang kalibugan at kahit patagilid ay hindi kaylan man mabibigyang halaga ang imoral niyang mundo. kaya nga hinangad niyang maging puno ng isang republikang haling sa aninong gumagalaw upang mamuhay ang bunga ng kanyang makamundong init ng matiwasay at marangyang katuturan. nakakapangilabot isiping sa darating na mga panahon ay isusumpa tayong lahat ng ating salinlahi sa ating walang patumanggang pagpayag na magkaroon ng isang katulad niya sa hanay ng mga namuno sa bansang pineperlas pa mandin ng silanganan...

22.10.07

buhos na ulan, mundo'y lunuring tuluyan


kahit lumipas na ang panahon ni basil valdez at niretoke ng matinis at nakakarinding boses ni regine velasquez ang 'tuwing umuulan at kapiling ka' ni maestro ryan cayabyab, sinisiko pa rin nito ang tagiliran ng aking mga alaala at damdamin. if my memory serves me right, umuulan rin noong mga late 70s nang una ko siyang narinig sa radyo. may exam ako noon at halos katiting lang ang tulog ko sa ka-cram kung paano isaksak sa utak ko ang sangkaterbang aralin sa isang gabi lang. at kahit sabihin pang medyo malagihay pa ang aking karanasan sa pag-ibig noon , natumbok nito ang nahihimbing kong kamulatan sa kabaduyan ng mundo.

pagmasdan ang ulan, unti-unting bumubuhos sa mga halaman at bulaklak...

ano pa nga ba't habang tumutugtog siya'y sabay namang nakikita ko ang mga halaman at bulaklak na binabasa ng ulan. first hand experience ko iyon na nangyayari ang naririnig ko sa radyo. mangha at di makapaniwala, nag kulay rosas bigla ang paligid at kahit na nangungulila ang kaluluwang umaawit ; humihiyaw sa tuwa naman ang buong kapaligiran dahil sa biyayang handog ng kaulapan.

fastforward. ngayon naman, dalawang araw nang pumapatak ang ulan (ng APO?) , medyo kakatamad at sarap humilata lang sa maghapon. wala naman rawng bagyo ayon sa PAGASA. ewan ko rin kung humihiyaw sa tuwa ang mga nakatira sa may tabing ilog at dalisdis ng kabundukan... ewan ko rin kung may mapapaksiw akong galunggong ... mas ewan kung sisipagin ang aking mahal na iwan sandali ang lungsod at bumiyahe sa gitna ng makulimlim at basang landas tungo sa aming tagong pugad upang hindi lamang isang awit ang magkaroon ng katuturan sa linya't pamagat na "Tuwing Umuulan At Kapiling Ka"!

21.10.07

... ina mo!


maraming mga taong 'minamalas'. sila 'yong mga may kimkim na galit o takot sa kanilang magulang, espesyalmente sa kanilang ina. 'yong iba pa nga lantaran nilang ipinangangalandakang masamang tao ang nagluwal sa kanila ; o di kaya naman ay ubod ng tanga. nakakapangilabot isiping mayroon palang ganitong mga taong gumagala sa ating mundo.

marahil ay kasalanan na rin ng magulang na maging tiwali ang isang tao. marahil ay hindi nila lubusang naitawid sa anak ang katotohanan ng tunay na pagmamahal. sapat nang sabihing kahit ano pa man ang mangyayari, kasumpa-sumpa ang mga taong ipamukha sa publiko ang masalimuot na larawan ng taong umaruga sa kanila. ito ang mga taong kahit kailan man ay hindi makakaranas ng kaginhawahan sa dibdib. ito ang mga bigla na lamang tumitirik sa gitna ng tag-lamig... ito ang mga walanghiyang sana'y di na ipinanganak!

sobrang kapal ng mukha ng mga ito. sila na ngang biniyayaan marahil ng materyal na kasaganaan sila pa itong nagmamaktol . minsan nga hindi na sila dapat pinag-uusapan. o pinapansin. o iisipin pang buhay . pwe.

17.10.07

vice-ganda's mahal jokes on radio

wow!ang showbiz!
558kHz rmn-manila (dzxl)
weekdays, 10.30a-12n
h
alos magtatatlong taon na rin akong pinapasaya ng isang palatuntunan sa radyo. walang humpay itong naghahatid ng eksklusibo, eksplosibo at nagbabagang bagong bali-balita mula sa mga kampon ng lokal na syobis. madali at madaling sabihing ang WOW!ANG SHOWBIZ! ang pinaka-'reyna' ng mga showbiz-oriented AM radio shows sa kamaynilaan. nakakaaliw ang tipo at istilo ng pananalita ng main host na si OGIE DIAZ, isang multimedia star. halatang gamay na gamay niya ang kiliti ng sambayanan at ng kanyang industriya kung kaya wala ka nang hahanapin pa. isabay pa riyan ang pakyut at aanga-angang katuturan ni MS F o FERNAN DE GUZMAN, na isa ring batikang movie reporter. walang humpay ang ratsadahan, tigvakan at kantyawan to the max, all for the price of fun!

nagta-triumvirate din sila. in the past, nariyan si TIYA PUSIT na 'dagdag-ligaya' ang hatid, si JUN LALIN at nitong huli laang ay si CHITO ALCID. kinabog rin ni chito, na beterano na rin sa kalakarang syobis ang listeners sa kanyang kalokang vocal-nuance impersonation ng mga antigong artista tulad nina susan roces, rita gomez, divina valencia, carmen rosales at lilian laing. malala rin siyang magpatutsada at halatang sanay mag-monolog kaya minsa'y nasasapawan ng kanyang dumadagundong na boses ang iba pang hosts... marahil ito ang naging sanhi ng kanyang biglang pagkatsugi sa show.

of late, pumasok na rin si VICE GANDA. isa si vice sa natatangi at mahusay na stand-up comedian sa kyusi circuit kaya maasahang lalong mapatingkad ang takbo ng show. isa sa mga nakakaaliw na moments ni vice ay ang kanyang MAHAL JOKES, syempre ito ay patungkol sa kanyang bestfriend na miniature star na si MAHAL. grabeng nakakatawa talaga, pramis. kaya heto ang ilan sa nahagip ko...

... sa 15th floor ang unit ni mahal sa kanyang tinutuluyang condo, pero sa 10th pa lang ay umaawas na siya sa elevator... BAKIT? kasi naman, hanggang 10th floor button lang ang kanyang naabot pindutin!
... pagkabili ni mahal ng donuts, takbo agad siya sa pool... BAKIT? obvious ba? magsuswimming ang lokah... gagawin niyang salbabida ang donuts!
... sa isang sporting store, pili siya nang pili ng wristband; mag-aala-ERAP na ba siya? wa, noh? kailangan niya ng tube blouse!
... at maselan siya sa gamit, ang ganda nga raw ng bagong brush niya sa buhok, kaya lang ang hirap gamitin, kailangan may magbabrush sa kanya kasi ang haba ng tangkay... ORACARE kaya ang brand, noh????
... tuwang-tuwa sa galak si mahal one day, ang dahilan hev na raw siya ng LAPTOP! aba, hindi na talaga siya ma-reach ha? kaya lang complain siya nang complain! WHY NAMAN? kasi puro numbers lang ang lumalabas sa screen... hay, mahal... CALCULATOR 'yan noh???

at sangrekwa pang miniature jokes for mahal, listen na rin kaya kayo ano?

15.10.07

maynila... sa gitna ng mga aninong gumagalaw

aliw na aliw si ishmael sa titulong ito. totoo nga rawng ang buong lungsod ay sinasaniban ng nakakabighani bagama't nakakabulag na katuturan ng pinilakang tabing. pati na raw galaw at takbo ng isip ng karamihan ay nakasalalay sa bago nilang mapapanood ; kaya kung aksyon ang uso, maraming matutunghayang rambolan sa iba't ibang sulok ng maynila. hwag na kayang itanong paano kung erotika ang tema ng panahon? eh, kung horror kaya? nang mabasa niya ang kabuoan ng istorya lalo siyang namangha sa kawalan ng katotohanang ang pelikula ay isang produkto lamang na maaring ilagak sa mga supermarket... na ang isang kasaysayan ay dugo at kaluluwa ng kumapal... na ang lahat ng ito ay pera-pera lamang. sabi niya, 'naku, walang magpoprodyus nito, walang maglalakas-loob'. tinanggap ko ang kanyang payo. hindi ko na pinursigeng palawigin pa ang konsepto sa sinapupunan ng aking utak. hinayaan ko na lang maging malapit niyang kaibigan at dahil doon ay lalo kong natantong sa gitna nga pala ng industriyang kanyang kinasasadlakan , may maaaninag ka rin palang totoong tao tulad niya.

sumalangit nawa.

ang totoong pangyayari sa buhay ni baby boy

namamayagpag na si baby boy sa mundo ng palara't kaplastikan. hindi matatawaran ang ugong kasabay sa kanyang pagdating. lahat napapamangha't di mapakali kung saan nila ilalagay sa kanilang kamalayan ang tindig at gayuma ng tinaguriang 'bagong adonis' ng lokal na syobis. biglang-bigla lang kasi isang umaga nariyan na siya. parang kuting na iniwan ng kung sino sa may tarangkahan; parang liham mula sa isang darating pang panahon; parang ulam ng luto ng kapitbahay na inilaan upang tikman. ganun katindi ang dating niya, binura lahat ng kasalukuyang pantasya ng mga baklang reporter at itinuon sa sariwang ani mula sa isang malayong probinsya.

kinse pa lang si baby boy nang mapasabay sa pinsang nagtatrabaho sa pabrika sa novaliches. nilisan niya ang sariling baryo dahil na rin sa talamak na kadahilanang kahirapan. halos hindi niya kilala ang tunay na magulang at lumaki siya sa mga nagpakilalang kamag-anak. walang larawan, walang kasulatang siya'y ipinanganak, walang matatawag na pinagmulan. bagama't nagkagayon, nagbunga rin naman ang kagandahang-loob ng mga kumalinga sa kanya; biniyayaan siya ng katapangan ng loob at sibilisadong pakikitungo sa kapwa. ito ang kanyang naging sandata.

binitbit siya ng baklang kalapit-kwarto ng pinsan sa isang gay bar sa timog at di naglaon ay naging bahagi siya ng mga kalalakihang gumigiwang sa kumukutitap ng ilaw at binabali ang katawan sa indayog ng nakaka-kalasbutong tugtog ng bon jovi. umani siya ng tagumpay at dahil sa nakakalaway niyang karisma at de-ochong kargada ay nahumaling na rin sa kanya ang mga tiga-industriya ng pagkukunwari. binild-ap ng sikat na manedyer at ngayon nga'y di na talaga mapigilan ang kasikatang tinatamasa.

wala nang bakas ng nakaraan sa mukha ni baby boy, naglaho na rin ang masalimuot niyang pinagdaanan... ang lahat ngayon ay kulay rosas, harinawang 'wag siyang mapariwara. harinawa.

13.10.07

isinaboteng syokoy sa gitna ng mga de-latang sirena

isinaboteng syokoy sa gitna ng mga de-latang sirena. ito ang titulo ng isang malanovela at masalimuot na kwentong halos limang taon ko nang binubuno. hanggang nayon ayaw pa rin akong lubayan ng konseptong nakasiksik sa kaliwang talukap ng aking mata sa isip. di ko pa rin mapapakawalan dahil halos makalawang gabi ay dinadalaw ako sa aking panaginip ng mga tauhan nito. sa hindi ko mailarawang pangyayari nakatagpo ko sila sa isang burol ng bulubunduking tinaguriang 'anak ni mariang makiling' dahil ito ay halos kadikit na ng matalinhagang bundok nguni't di naman karugtong. sila (ang mga tauhan) ang nagbigay na rin sa akin ng kakautal na titulo. sila rin ang nagtataya kung paano ko sila paiikutin sa loob ng lumawak-kumipot na mga sitwasyong nag-uugnay sa kanila.

hindi ko halos matantiya kung ilang gabi nila akong pinuyat upang ayusin ang sandamukal na sigalot na dumarating sa kanilang bungang-isip na mundo. minsan nga ay inutusan nila akong bumangon sa aking pagkakahimlay upang sa madaling araw na iyon ay lakarin ko ang kahabaan ng national highway mula los banos hanggang pila upang sumingaw sa aking noo ang solusyon sa kapariwaraan ng kanilang buhay sa loob ng aking utak! ang mga tinamaang...

ang lahat ng ito ay buntunghininga laang . wala naman akong balak na hindi tapusin ang kanilang paghihirap dangan lamang sana ay tigil-tigilan muna nila ako habang papalapit na ang pasko... kaso lang, alam ko mamya sa aking pagtulog dudungaw muli si olivia at kakalabitin ako sabay singhal: 'hoy, hahayaan mo bang matetengga kami dito sa ere ng iyong katamaran?'

12.10.07

byebye, bibi

two weeks na hexactly today na natsugi si bibi. two weeks na rin akong nagtangkang humagulgol, just for kikay para naman masabing tao pa rin ako kahit paano. pero wa. wa pa rin akong mafeel. my kink says maaring naihanda ko na rin aking sarili sa kanyang pagpanaw. pero ang sabi ng aking konsensyang may hawak na sabon ay dapat raw akong lumuha man lang dahil ganun raw ang gawain ng mga matitinong bading everytime may mawawala sa kanila; say ko naman, matino ba yong bading na konsensyang pagumaapir , eh, may juwak na jubon as if merong ibo-Bona sa si-arechay? AM I BESIDE MYSELF? nadesentisized na nga kaya ako ni kris aquino mula nang isiniwalat niya ang eksplosibo, nagliliyab at nagbabagang rebelasyong 'HEV AKETCH NG CHLAMYDIA!' on global tv para di man lang mapa-HUHUHU sa katotohanang supershugas na si bibi nang matagpuan sa ilalim ng aming red innovavilla?

some eight years ago, nang iproklama kong i've had it with showbusiness at nagdesisyong magpakaglorified d.h. sa sariling haus nang ma-meet ko siya. bitbit ng labanderang si aling milang bikolana.

'Nata may dara-dara po kamong ayam?' ask ketch.
'Nata, muya mo?' ask rin nyetch.
'Naenot po akong maghapot'

at wala na akong nagawa. iniwan niya ang tuta dahil gurlalu raw ito at wala silang balak magjulaga pa ng isang buntising joso. kaberikyut naman at bininyagan ko siyang BIBI... azzin B.B. azzin BERNICE BERNADEATH... wala lang para may conversation piece baga sa biglaang chikahan ng mga pretensyosang juklang mapagawi sa aking privacy. pero sa totoo lang, BIBI azzin BABY talaga, sige nga bisaya-in mo nga ang 'baby'! charing lang. baby kasi wala akong matris to nurture one or the nerve to poke my thing-y into a something-y to procreate. mabalbon xa at brownish-goldish-yellowish... at sweet. kaya lang, nang medyo nagdalaga na ay parang sumungit ng konti at naging selosa... itinaboy niya ang aking pioneering baby cat na si shimbooli sa kung saan. pero okey lang rin sa akin pero sa totoo lang, hanggang ngayon i still call shimbooli's name in my sleep.

natural na naging prolific si bibang, aba, halos twice a year kung magjuntis. lahat pinamigay ko except geraldine kasi mukha siyang australian hound cum labrador considering na juskal lang kanyang ina, pero duda ko ang ama niya ay isa sa mga labrador na alaga ni nonie buencamino who lived on the parallel street lang (ngayon lumipat na sila sa maynila). maraming beses rin siyang biglang nakukulong sa garahe ng mga kapitbahay for unknown reasons. miss amity kasi ang gagah, nahuhuli kong nakikipaghabulan sa mga bagets at pinapakain pa kaya hayun feeling niya siga at hawak niya ang buong bauhinia road!

ang namimiss ko ay ang kanyang pagkachikadora. azzin. tuwing kinakausap ko siya at nakaupo siyang matuwid at nakatingin sa aking mga mata, pag medyo nag-iiba ang tono ko at umiiba rin siya ng puwesto or winawag niya ang tail. ginigising rin niya ako every 6am. ewan ko bakit pero kinakabog ako ng tahol niya hanggang di niya naririnig ang matindi kong pag-'BIBI, SHUT UP!'

WALA na nga si bibi. she was discovered dead under the car on september 29, 2007. we were in cebu. para bang ginusto niyang mamaalam habang wala kami. parang alam niyang had i been the one or lola joji to discover her stiff body tiyak na megascreaming moment! hindi pa nga sa akin itinawag ang pangyayari kundi sa lola. wala lang. say ko, "Ha????" , "KYEMSSSS?"...

ganun. di ko naman siya namimiz maeyeshadow ... slight lang.





ayan. a tear fell na.


bye, bibs.

11.10.07

katatonika


tulala
at
walang
magawa...
maghapo't
magdamag
siyang
di
makangawa
kundanga't
panaho'y
lumipas
na't
lahat
magawa ay
wala
at
tulala

borderline

well i guess i've had my fill of the southern air in my soul. dahil sa labis na pangungulila, naibugso ko ang aking kaluluwa sa pamamagitan ng pagbablog na gamit ang dilang kinagisnan. oo mga ateng... ito ang borderline, hindi ni madonna kundi nang aking muling pagshift sa tinagawg, and from hereon i just have to live on with how a loosethreaded mode gear live a life of its own. pero sa totoo lang parang namimiss ko ring mag-bikolnon. haloy ako duman... err, i mean , medyo naging hasa rin ako sa tataramon... err, maanghang na karanasan doon. etch.

10.10.07

kuyaw... kuyaw...

morag gusto na kong motuo nga aduna ko'y ESP; bitaw, dugay-dugay na pud baya nga sa dili mapatin-aw nga sitwasyon, mukalit la'g dasdas sa akuang isip ang mga eksena nga dili pa nahitabo sa gitawag na real time. kaniadtong buhi pa ang akong inahan, maglagot jud siya ug kanang pananglitan naa ko'y ihisgot niya nga dili dayon masayran kay wa pa lagi mahitabo. kas-a nabunalan ko, busa sukad niadto ako na lang ipangadye ang ingon nianang mga dasdas . di na ko layhang i-istorya pa kay di nako gustong masuko ang akong gwapa kaayong inahan.

unya karong mga panahuna, murag nalibat ko samtang nanan-aw sa noontime show kang channel 2 nga WOWOWEE. ingon ni willie nga bongga jud kuno ang 1st anniversary nila kay daghan kunong kwartang ipanghatag! palakpakan ang mga studio audience sa ingang paghisgot; apan sa akong kalisang, samtang nadunggan pa nako ang show , murag hingkalit ug kablurred ang tv, unya ako jung nakit-ang daghanang mga tawo nga nagtinulura'y unya murag kilat nahimong pula ug itom ang screen! nanlibarut ang akong balhibo! UNSA MAN 'TO???? hingsiagit ko! 'UNSA MAN 'TO???'

unsa man 'to? na, mao . mura ko'g nabuang ug gamay nga untag nasabtan nako ang akong naeksperyensyang paranormal, basig naa ko'y nabuhat. unya, motuo kaha sila? kaniadtong hing-aging byernes, nakakita na sab ko... samtang nag-ingon si willie ug : 'kwes-tune!', diha'y tulo ka unipormadong mga lalaki nga hing-posas niya! klaro kaayo... kagahapon lang, wa hingbutho si willie sa iyahang show. ngano man? nagsakit kuno... kaha???

7.10.07

wa akoy katahum

bisan unsaon dili jud ko maingnan ug guwapa. kay lagi wa akoy katahum. taas ang suwang ug manukon, makaingon jud kag 'kalooy ba sab...', pero ay-ha ka muhilak ug mangadye nga unta akong madawat nga luag sa akong kutukutu kining akong kahimtang. tan-awa usa ang larawan >. makagitik no? mao kana ang akong gitawag nga 'beauty as a state of mind'. wa nay lalis. ug unsa man ang imong mahimo , paningkamut nga makagahom ka ug usa (bisag duha) kunong ilusyon nga makalipong. gamay ra gung meyk-ap ug kusog nga buot aron maka-posing kag murag model, unya presto! puede ka nang ibutang sa billboard sa edsa o fuente osmena o bisag asa bisan sa tangub city! gamayng biga-biga, gamayng pahiyom... usahay malimtan nimong wa man jud kay bisag mumhong kagwapa!

1.10.07

suroy-suroy


hilabihan ang akong kalipay kang akong nasayran nga makapanuroy kos cebu! ug wa pa kasla ang akuang pag-umangkong guwapa didto wa jud tingali ko makaadto nianing mga panahuna. dugay-dugay na sab ko wa makatungtung intawn sa sugbo. more than eight years naman tingali 'to? busa, pag-abot namo (kauban nako ang akuang magulang nga bayot sab), mura kog nanibag-o kay lahi na kaayo ang cebu karon sa cebu nga akong hibal-an. daghan na kaayong taksi... makalipong na ang trapik. opkors, asa pa man jud padung ang ginatawag nga Queen of the South kundi sa pastilang katingalahang progreso. sa akong bana-bana dili pa kaayo modugay mahimong usa sa pinaka-anindot nga syudad ang cebu sa tibuok asya. sa among paglakawlakaw sa colon, tua pa gihapon ang iyahang charm... bisag mas hingdaghan ang mga tawo, mabati nimo ang ilahang ginikanang sugbuanon. lami sab gihapon ang pagkaon! natagbaw jud ko sa seafoods ! hinaot untang makabalik ko in the near future aron bisan kas-a pa ma-experience nako ang sugbo!