10.5.08

'PLONING' ... tagpi-tagping alaala sa gitna ng mga aninong gumagalaw



malaon na ring panahong hindi ako pumapasok sa anumang sinehan. lalo't higit kung ang palabas ay likhang pinoy dahil di katagalan ay mapapanood na rin ang mga ito sa cinemaOne o sa pinoy blockbuster channel ng viva. wala rin akong kaamor-amor sa mga panghikayat ng mga trailer o ng mga sinasabi ng mga nakapanood sa mga premiere nights ng mga ito. at , tabi-tabi lang po ; sobrang gasgas na ang mga inilalahad nitong kwento kuno ng pag-ibig at ng buhay... akala ko habangbuhay nang hindi kikita sa akin ang mga sineng atin, hanggang sa bigla na lang lumitaw ang balitang gumigiling na ang kamera ng PANORAMANILA productions sa cuyo island para sa isang pelikulang pinagbibidahan ni judy ann santos bilang 'PLONING'. ayon sa mga press release, ito ay sinulat at dinirihe ni dante nico garcia, isang production designer at matalik na kaibigan ni juday. sa estado ng pinakasikat na artistang babae ng kanyang panahon, hindi matatawaran ang talas ng kanyang desisyong maging prodyuser ng sariling pelikula. lalong nakakahangang isipin na ipinaubaya niya ang istorya at direksyon sa first timer na si garcia. masasabi ring napaka-inspirado ng buong kalakarang pampelikula nito dahil ito ay napapalamutian ng mga bukod-tanging pagganap ng mga batikang artistang malapit sa puso ni juday.

at nahikayat na nga akong sugurin ang pinakamalapit na sinehan upang panoorin ito. lumublob ako sa marahang daloy ng mga eksena sa loob ng pinagtagpi-tagping hiwaga ng kasaysayan nito. napangiti sa malulutong na 'postcard' pretty na mga tanawing isinaliw sa ginantsilyong paglalahad ng katuturan ni ploning sa gitna ng kanyang katahimikan at matalinhagang pananaw sa buhay at pag-ibig ng kanyang panahon. bawa't sulpot ng karakter ni tessie tomas, bilang 'celeste' ay laging may pandagdag na detalye sa katauhang kahit pinag-uusapan na lamang ay laman ng mayamang alaala ng kanilang nakaraan. ang isinantabi niyang damdamin at paglapat ng pagmamahal sa batang si digo at ang makabuluhan nilang samahang magkakaibigan ay mga natatanging palaman ng panooring ito. ang 'paghahanap' ni mou sei, at ang 'maalat' na himutok ng ginampanang papel ni gina pareƱo ; mga maituturing na natatanging mga bato sa buhangin ng matulaing dalampasigan ng cuyo...

nakagagaang isiping isang pelikulang walang sex o violence o panlalamang sa kapwa at sa sarili ang lumutang sa unang bugso ng tag-araw ng 2008 ; napakasarap isiping sa di kalayuang nakaraan ay malamang isang mundo na pinamugaran ng marubdob na katauhang katulad ni PLONING...

narito ang sinopsis ng 'ploning' mula sa website nito:

In the picturesque island of Cuyo, Palawan, an illegal Taiwanese fishing vessel docks carrying the fisherman named Muo Sei, a man looking forsomething or someone with the name Ploning. He has from sunrise to sundown to look for this "Ploning".
In his search, Ploning is revealed to be the island's town belle of the year 1982. A dutiful daughter to patriarch Susing, a committed supporter to grieving Intang, an honorary sister to extended family Nieves and Toting a wise ally to simpleton Alma, a supporter to broken-hearted Siloy and a co-mother to half-paralyzed Juaning. A woman so important that the townbarely notices the absence of rain because of her presence in their lives.
Despite her renowned beauty, everyone is puzzled why this 30-year-old spinster refuses to get married and still hopefully waits for her beau, Tomas, to come back. Tomas left for Manila when Ploning was 16 years old and there has been no sign of him coming back any time soon. Ploning's silent demeanor adds to the mystery and depth of love that no one seems to understand.. In the center of this, is a 6-year-old boy named Digo who has built his world around the affection and care of Ploning, his foster mother. But his entire world crashes as he learns that Ploning has plans of going to Manila to look for Tomas. Thus, leaving the boy with his bed-ridden mother, Juaning and his strict older brother, Veling. Digo trieseverything to stop Ploning from leaving and finds an ally in the town's visitor, the beautiful town nurse, Celeste. Celeste claims to have known and fallen in love with a man named Tomas and tried to follow him in Cuyo to find out if he loved him back. Ploning, with security and so much faith, denies that her Tomas and the man Celeste fell in love with are the same man. On the day of the fiesta, the rain comes and Ploning seems to be missing. Digo'sfeeling of abandonment leads to a tragedy that grieves the town. But no one was prepared for the secret that Ploning has kept all these years. A secret that exemplifies the selfless love that withstands blood, pain and even time.
Did Ploning choose closure with the man she has been waiting for half her life or the future of young boy whose life is not her own?
Will Muo Sei find his Ploning, accept the love revealed to him or continue to walk in hate?

4 comments:

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

bow ako sa yo. paano ka nakakapagsulat ng ganyan?

paul h roquia said...

ate mandy, flattered naman ako sa comment mo; paano? seguro dahil makulit ako at OA ; ang hilig kong namnamin ng mga moments... seguro nakatulong din ang pagka-adik ko sa meditation... pero teka, superbow ako lalo sa style mo, noh! avahhhh, mutual? take care ate...

Anonymous said...

Labis ko pong ikinagagalak na mabasa ang iyong napakagandang artikulo tungkol sa aking pelikula.

Lubos at taos ang aking pasasalamat!

paul h roquia said...

my pleasure direk... my pleasure!

aabangan ko ang mga susunod nyo pang mga pelikula! salamat sa pagdalaw at taos rin ang aking panalangin na matamo ng inyong obra ang oscar!

regards!