5.5.08
kiemelitic as in churvalific?
dedma. wa lang aketchiwa ga-move. as in. dedma talaga. sa simpleng kadahilanan ng pagka-utal without batting an eyelash , sobrang dedma lang talaga aketchiwa. una, nahearangga ketch sa radyo ang isang call-in survey at ang tanong ay : "may tiwala pa ba kayo kay senator peter cayetano kahit personal nyang inabswelto ang pangulong arroyo sa zte scam?" dedmahin at kevs. pero ayon sa isang epalynforster, halata raw'ng 'kadugo' ni gloria si cayetano. so ngayon, mas matibay ang 'kadugo' kesa sa 'kapuso' o 'kapamilya'? ehem, paano naman kaya ang mga 'kaatay', 'karectum' , etc? kevs. heto naman biglang hagulgol ni jobert sucaldito sa radyo rin, diumano, sa kanyang natanggap na demand letter mula sa kampo ng kanyang ididemandang si rose flaminiano , lantarang kabastusan sa kanyang pagkatao ang i-address siyang 'jobert sucal-dito o sucal-doon', at nilait pa siya nang sabihing ang hihingin daw nilang damyos ay 'piso at isang platitong mani' dahil wa daw siya andaluch! crayola as in river-river of tears talaga ang shokla! oo nga naman. hwag naman ganun. kung bastos kang tao, hwag mong idamay ang apelyido o buong pangalan ng kinaasaran. foul yon, mommy! foul! as in. pero syempre, bakit mo nga naman hahanapan ng poise at decency ang isang dating nagprodyus ng mga pelikulang may kuyangyangan, kangkangan at dyog-dyogan? wa na. kaya dedmahin na lang at syempre as my now deceased mother used to say: 'sarilinin mo ang iyong kababuyan, hwag mong abalahin ang kapwa sa iyong pagkakalat!'
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
you just made me convinced to watch
ploning... chill...
Post a Comment