24.3.08

makikiraan po...

sadyang maaliwalas sa isipan ang mayamayang paggalugad sa iba't ibang sulok ng sariling lugar. sadyang di mo aakalain ang matatanaw, masisinghot o maaalala habang tinatahak ang manakanakang banayad at bakubakong daan depende sa lalim ng kurapsyong tinamasa nito. napakabisa ring pampahasa ng kamalayan ang pamamasyal ; lalo na't nag-iisa. kahapon, nagpasya akong dumaan sa sison hill. imbes na iikot ako sa patag na daan palabas ng animal husbandry tungo sa campus ng uplb, minabuti kong testingin ang kakayanin ng aking puso sa pag-akyat baba sa bulubunduking namamagitan sa aming village at ng unibersidad. hiningal man ay di kinapos ng hininga na ang ibig sabihin ay katamtamang malusog pa rin pala ang shutawanetch ng joklish. aktwali, papunta rin naman ako sa bangko para bayaran ang bill ng tubig. hindi pa kasi sila nag-oonline tulad ng sa pldt at meralco.

well, pagdating ko sa PNB sa campus mismo, inasahan ko somehow na mahaba ang pila dahil sa mahaba ring bakasyon. tumuloy ako sa dulo nito at nagkunwang magtext-text, kiems. bigla na lang may isang mamang punggok na majubaer ang naglitanya tungkol sa bagal raw ng proseso sa bayaran. aba, talagang tumayo pa ang tamoryok at nagmonolog sa harap namin at nakaturo sa mga teller:

mamang punggok: aba! aba! bilis-bilisan nyo naman 'yan! ano ba yang ang bagal nyo! kanina pa kami rito... dapat alam nyong kami ang dapat nyong 'intayin at hindi kami ang maghihintay sa bagal nyo! tingnan nyo yan, halos trenta minutos nang nakatayo yang nasa counter , ahhh!

aktwali, walang nag-reak dahil mukha siyang gago sa kanyang pinag-gagawa. nagsipasok naman agad ang mga guard upang i-contain ang anumang kaguluhan kung sakali . well, medyo natauhan ata at umupo na. aba, bigla namang pang-asar na nagpatawa:

mamang punggok: ... bilis-bilisan naman sana... aba, marami pa akong gagawin... maglalaba, maglilinis ng bahay, magpapaligo ng aso... magsasaing....

at that point, parang tanga nang nagbubula ang bibig niya at nakakairita na... kaya sumingit na ako:

ako: AND I STILL HAVE TO MASTURBATE, NOW WILL YOU SHUT UP?

natahimik ang lahat. walang gustong magreak. parang tartol na umurong ang leeg ng mamang punggok.

and after that... wala nang nag-complain. kahit na supershugal pa rin ang proseso.

nang oras ko nang magpay, natuklasan ko na 'yong iba palang payor ay sampu-sampu ang dalang resibo; ibig sabihin, sa isang compound, iisang tao lang ang may dala ng bill ng lahat... so, kahit isang tao lang ang nakikitang nakapila, aabutin pa rin ng sampung beses ang oras na gugugulin ng teller sa proseso.


4 comments:

Anonymous said...

tarayan raw ba?

JGG said...

panggulo ang taong yun. buti nga sinabi mo yun. hehehe

cant_u_read said...

and the best delivery of a pambabara line award goes to...

AnChAfLu CoNcHuChu!!!

wagi ka, kapateed!

paul h roquia said...

@anonymous, batang buotan & cant_u_read... actually i was telling the TRUTH... bubukol eh! ahahahaha!