5.3.08

litanya ni bisaya

sinabunutan ko ang aking sarili nang marinig kong nagtatalak si annabelle 'bisaya' rama sa radio program ni ogie diaz! hindi ko masikmurang pumapapel siya para ipagtanggol ang diumano'y paninira nila ni lolit solis sa mga anak niya. tinawag niya itong 'tarantado' at tigilan na raw ang lahat. kay lolit naman , wala raw itong utang na loob matapos siyang harbat-harbatan ng datung. tinawag ni bisaya na mga 'sira ulo', at 'abno' at dapat nang magpatingin sa doktor. mahaba rin ang litanya ng ngitngit niya habang tahimik lang sina ogie at lolit na nasa kabilang linya naman ng telepono. biruin mong inaakala niya na masisindak niya ang mga ito, ang nangyari tuloy lalo siyang pinagtawanan. siya lalo ang nagmukhang abnormal!

ang point lang naman ni lolit ay nabanggit niya sa kanyang kolum na 'maraming mga babaeng nagtitilamtilam sa nota ni bong', at si ogie naman nagtaka bakit nagreak sa 'blind items'? nakakalugmok isiping meron pa palang mga kaluluwang imoral na mayroong dahilan upang ipagwagwagan sa madla ang kabulukang dapat sana'y inilikas upang manatili ang kakarampot na natitira pang respeto sa mga artista.

ang lahat nang ito ay nagsimula nang mabanggit ni ruffa gutierrez na siya ay inisnab ni lani mercado sa birthday bash ni rudy fernandez. isang pangyayaring may malalim na pinanggalingan at hindi aabot sa ganito kung nanahimik na lang sana si 'ropa', eh , kaso, sabik sa kontrobersiya ang gagah, nadamay tuloy ang inang, mukhang lola ng mga gaga't kalahati.

at nang halos mapatid ang inoxenada kong buhok, bigla akong natauhan... namayani ang right side ng aking brains (oo flural)... hindi ba't malapit nang matapos ang 'my monster mom' ng mag-ina? aba lintek, obyos na ito ay isang PREPUBLICITY STINT! lahat na halos ng hair ko muntik nang maniwala sa palabas ng tatlong (apat kung kajoin si ropa) tamoryakis na ito! kasi ba naman, kung trulili as in trulalaaunor na imvierna si anabilbil , wizzing siya ever magpapa-intervue sa radio showng 'wow ang showbiz' ni ogie diaz, at isa pa, hindi siya papahintulutan nito na pagsabihan siyang 'tarantado' kung wala itong karampatang tagprice!

hay, buti na lang namamayani pa rin ang aking katinuan sa gitna ng kabaliwang hindi naman ako kasali!

btw, napapakinggan lunes hanggang biyernes sa rmn-dzxl 558kHz ang 'WOW, ANG SHOWBIZ' radio show tuwing sasapit ang 10:30 n.u. syempre hosted by ito ni OGIE DIAZ, MS F. as in Fernan de Guzman, co-host din sina VICE GANDA, TIYA PUSIT at MJ FELIPE sa ilang piling araw ng linggo.

7 comments:

Anonymous said...

funny!

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

nagplug talaga ng programa? hehehe

marco said...

i saw her interview!!! grabeh litanya nia nuh!! shes so funny!! pero grabeh ng confidence nia!! weeew

paul h roquia said...

ola! @ fridakadiff!
hello @miss mandaya! tnx sa paglink nimo 'nang ha? labyu kaaju!
hi, @marco, sa radio show ni ogie, 'nagkaharap' talaga sila pero saglit lang sa fone c anabel, no chance na nagkatalakan sila ni lolit...

churvah said...

oh well...
what can i say..hehehe!

uhhmm...gnyan tlga sa showbiz eh..
aq, i so hate annabelle..i dont like her "frankness" its so chipipay..

btw..my bayad ba pg nag pa plug ng radio show d2?bka ksi meron mg plug din akye..lolz!

paul h roquia said...

hi @churvah, wala namang pay pag nagplug, chikka lang.

churvah said...

syang kla ko meron!
hahaha...