pumatok sa tin pan alley (kung tawagin ang record industry noong 70s) ang isa pang manila sound selection na 'sa aking pag-iisa', hindi ko masyadong matandaan kung single ito ni yolly samson , bilang solo artist o tatak cinderella, ang grupong nagpasikat ng mga awiting kundi man pabulong ay borderline pahalinghing epek. bagama't ang titulo ay nagsasaad ng kawalan ng kasama; sinasabi pa ring '...lagi kang naaalala', so entonces HINDI pa rin siya nag-iisa kundi kasama niya ang alaala ng kanyang minamahal. kasi ba naman, dapat pag nag-deklara kang 'mag-isa' , wala kang kahulilip na kasama, kahit pa alaala! kunsabagay, napakasarap nga namang pagsabihang naaalala ka ng isang taong nagpapakilig sa'yo for whatever reason... pero hindi pa rin politically correct na meron kang bitbit na mga kung anek-anek sa iyong kamalayan sa sandaling magdesisyon kang MAG-ISA...
sa aking pag-iisa, choreographed ang lahat. kung day-off ng mga kasama ko, aayusin ko na ang lahat the night before. ang music, ang make-up, ang kamera, ang vino... at syempre ang SALAMIN... napahalaga nitong huli, dahil dito ako halos haharap sa maghapon. so, pagkagising, konting fruits at milk susundan ng mahabang pagbababad sa shower at paglublob sa bathtub... depende sa mood ko ang soundtrack for the day, minsan 'cafe del mar', o di kaya si chopin, o kung medyo nostalgic, mga lynard skynard, creedence clearwater revival, guess who, etc... meron din moments na nilulunod ko ang aking sarili sa himig ni basil valdez... o ng carpenters. naka-mute ang tv na tutok sa cartoon network (na binaB&W , para medyo 60s sina tweety, sylvester, roadrunner at woody). naka-mute rin ang mga telepono, pahinga as in dead ang selpon. kapag 'mellowish' na ang feeling ko, suswig na ako ng vino (blackstone pinot noir), then lalarga na ako tungo sa aking sarili. bigla na lang na vinovocalize ko ang anumang pumasok sa isip ko at soon enough, parang may nag-tatranschannel na kung sino hanggang sa puntong i'm having a wonderful conversation with myself. maghapon ito. actually hanggang sa idadapa na ako ng dalawang boteng alak. may mga pagkakataong nairerecord ko ang audio o minsan naman naivivideo ko. kaya lang, asiwa akong ireplay at panoorin ang aking sarili kaya kevs na. syempre, nasa vault ang mga dvds nito! saka na panoorin ng mga salinlahi ng aking angkan para makilala naman nila ang isang kamag-anak na minsang tumulay sa sinulid ng panahon at pansamantalang tumira sa mundong walang kasing ganda at puno ng hiwagang kahit kaylan ay hindi bibitiw sa matalinhaga nitong katuturan... habang ako'y nag-IISA.

1 comment:
ngeh? kasama mo sarili mo? di ka pa rin nag-iisa? kalowkah!
Post a Comment