huwebes pa lang, halatang alumpihit na ang masang pinoy. nariyang maririnig mo sa umpukan ang pagbabagsak ng mga pusta. nariyang mangungutang ng pambili ng tiket para mapanood ang laban sa malaking screen. nariyang nagtatawagan ang mga barkadahan kung saan at kaninong bahay nila iraraos ang isang dosenang round na laan sa laban nina pacquiao at marquez. meron ring sadyang lumipad sa las vegas mapabilang lamang sa piling mortal na personal na masasaksihan ang pagtutuos ng lakas at galing ng dalawang dyos-dyosan sa ring. marami rin namang umaastang walang pakialam at hindi interesadong makisali sa pandemonyong sagupaan. nguni't nakapagtakang kahit mga kababaihan ay lulong na rin sa 'pacman mania'; at higit na interesanteng pagtuunan ng pansin ang pagkahumaling ng mga shoklish sa isport na ito , lalo na't kung si manny ang isasalang! at higit sa lahat, bagama't brutal sa dilang brutal ang larong ito, pati rin mga pari at malamang mga madre rin ang lantarang nag-alay ng dalangin na harinawang si manny ang tangahaling kampeon! aba, mapapahellow? ka talaga sa dadaanan sa iyong kamulatan habang sabik ang (halos) lahat sa takdang oras ng pagtatagpo nina manny at marquez... ng pinoy at mehikano... ng dalawang kapwa baluktot ang ingles at kamangha-mangha ang narating na estado sa mundo ng boksing. talaga nga kayang kailangan nating mapanood at masaksikan ang walang pakundangan ng pagbabasagan ng mukha ng dalawa nating kapwa tao? ito nga kaya ang sukdulang pagkagahaman natin sa pait, sakit at kawalang-dangal? bawa't hagupit nga ba ng kamao at lisik ng kalamnan ay may takdang presyo, di bale nang mabahiran ng dugo ang kasiyahang dulot nito? saan tayo pupulot ng matinong pagninilay sa katotohanang buhay ang nakasalalay sa larong ito? marami rin kayang nagkaroon ng mga pagmumuni-muni habang kumikislot ang balat ng natatamaang boksingero sa bawa't ulos at banat? marami pa kayang puedeng itanong na mga bagay-bagay na tanging si manny 'pacman' pacquiao lamang ang makasasagot? kapag nabigyan ng pagkakataong ma-interbyu si manny, sana masagot nya ng maayos ang aking unang katanungan : 'manny, majuketra va shulagis ang makipagjuzagan ng fez?" anik kaya ang may-i-answer nya? knowsline nyo?
4 comments:
sey ni manny: "eh, kung juzageneks ketch fez mwoh, majuketra keyesh?", sabay umbag! feel?
nakakaloka ang fezchina?!
scary parang nakaslow mo tapus sabay pinause!!!
kakatakot!
hay/.// owell tc!
ang ganda ng insight, kapateed!
wagi!
hello mrs j & cant_u_read, thanks for reading and dropping lines!
Post a Comment