4.3.08

dulo ng dila

ang hirap minsan sa gitna ng masigabong tsikahan ay biglang may dadaang anghel. konting katahimikan. glitch kumbaga. lalo na kung bayarang katsika, wa sila mag-eefort na sugpungan ang naunsyami mo sanang ilalahad. nautal ka. naumid. napipi. hindi ka pa naman katandaan, pero meron talagang mga pagkakataong parang alapaap na mahahawi na lang bigla ang takbo ng iyong iniisip. puede nga segurong sabihing nagkukulang ng sustansya ang iyong utak dahil puro chichirya ang laman ng iyong tiyan... o sadyang gutom ka hindi dahil sa wala kang makain pero dahil sa gusto mong bumaba ng konti ang timbang mula 188lbs, hanggang mga 187 man lang. ganun? ganoon nga lang. bigla kang nagmumukhang tanga... habang paulit-ulit mong sinasabing, 'ano nga 'yon... ano nga 'yon ... ha? nasa dulo na ng dila ko!'

2 comments:

pen said...

memory gap heheh nakakinis yang ganyan..hanggang hinid ka na makatulog kakaisip kung anong term nga yon..linsyak ano nga yon?! hehehe!

paul h roquia said...

yah, actually magandang may soulmate ka o bestfriend na may built in thesaurus at encyclopaedia para madaling maretrieve ang exact word na nawala!