26.8.08
thank you girls!
ipalalabas na sa huwebes, ika-28 ng agosto sa UP cine adarna (dating UP film center) , alas seis y media n.g. ang pelikulang bisayang tadtad ng lengguwaheng kabaklaan na sinulat at dinirihe ni charliebebs gohetia.
kabalintunaan mang matatawag, hindi pagnanasang sekswal ang temang tinatalakay nito kundi ang namumukod-tanging pagtukoy sa pagtuklas ng maaring marating ng mga mumunting pangarap.
simple lang ang konseptong tinatakbo ng " THE 'THANK YOU' GIRLS"; matapos malas-malasing matalo sa lahat ng mga beauty contests sa davao city, nagpasiya ang limang kakawindang na mga beteranong bakla sa mga paligsahang ito na bumiyahe patungong hilagang mindanao, partikular sa lungsod ng cagayan de oro. ang kanilang misyon ay mapanalunan ang pinakalaganap na kompetisyon ng kagandahan, talino at personalidad. wala lang, nais lang nilang matuklasan kung dehado nga ba ang mga baklang bukid laban sa mga bakla ng lungsod.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
nindot kaayo! daghan nag-enjoy jud!
ya tito tom, i saw the director interviewed on tv patrol mindanao, my dabawenio bading apil ung ej name yata. ingats and regards!
Post a Comment