Sa abot ng aking alaala, humigit kulang na sa dalawampu’t tatlong taon nang namamayagpag ang deoxyephedrine, meth, methamphetamine, methamphetamine hydrochloride, Methedrine, chicken feed, crank, chalk, trash, glass, ice, amphetamine, pep pill, upper, speed o mas kilala sa katawagang SHABU, SURU, BATO, SHARON, BASURA, ITEM at iba pa depende sa lugar at uri ng lipunan sa bansang ito. Syempre, talamak din ito sa katawagang POOR MAN’S COKE o COCAINE. Bagama’t matagal na rin itong paborito ng mga adik sa urupa’t amerika, umarangkada ang kasikatan nito noong kasagsagan ng people’s power. Dahilan marahil sa matinding pagbabagong naganap sa kalakaran ng gobyerno, halos hindi napagtuunan ng pansin ang pagdanak nito sa halos bawa’t sulok ng kamaynilaan na pinagtripan naman sa anumang antas ng buhay. ‘Bagong’ paninda raw sabi ng mga tulak na dati damo o marijuana lang ang dala. Swak raw sa mga mahilig gumimik sa gabi at walang raw talagang tulugan ang makakahigop nito. Okey rin daw ito sa mga gustong magpapayat dahil walang takam o gutom na darating sa gagamit nito. Ganun ang mga sales talk nila sa mga medyo nag-alangan subukan ito. Idagdag pa ang sobrang abala ng paraan upang ito ay ma-enjoy; biro mo kakailangan mong mag-plantsa ng pahabang pilas ng foil ; i-latag ang bitak-bitak na droga at isalang sa gawa-gawang burner na tisyung binilot pahaba o lighter na tinarakan ng mariing binilog na foil… hihigupin ang ipapatakbong ‘bato’ pabalik-balik gamit ang foil straw o glass pipe o waterpipe. Talagang pang-ritwal ang dating ng pagtira ng drogang ito na sa malaon ay nakasanayan na rin ng mga na-adik dito.
Nakapanghihinayang ang maraming buhay na winasak nito. Hindi lamang ng mga gumamit (at gumagamit pa hanggang ngayon) kundi mas lalo ng mga taong nakapalibot sa mga ito. Matinding mga kasaysayan ng mga naunsyaming kinabukasang naudlot; naparaya't nalugmok sa dusang mga pangarap at ang iba naman ay tuluyan nang kinuha ni Lord ...
Marahil kung may matinding batas na ipinatupad kaagad noong kapanahunan ni dating pangulong Cory, iba ang naging takbo ng kuwento ng drogang ito sa kamalayang kayumanggi. Medyo naasiwa rin ang rehimeng Ramos sa usaping ito; at higit na yumabong ang kalakalan nang saglit na pagkakaupo ni Estrada. Ngayon , sa masinop na pangangalaga ni tita Gloria, masasabing nabigyan ng pangil ang mga alagad ng pagsugpo nito dahil lantaran nang natutukoy ang mga pinamumugaran ng mga walang kaluluwang naglalako ng panunaw-katinuan sa kalakhang mundo ng naghihikahos na bansang Pilipinas!
paul roquia
2001
2 comments:
meth is now considered the most dangerous drug because it is 8 times more potent than cocaine, and is more addictive than heroin. it contains, among others, lighter and brake fluids and afects every aspect of the human body intensely.
kakatakot nga! there has got to be a way to, if not stop, control the usage of this.
yes, cant_u_read, napakamakamandag nga ang drogang ito... and we should all thank PGMA for the teeth she has sank into its eradication. kabi-kabila ang pagwasak sa mga laboratoryo everywhere!
sana tuluyan nang maging alaala na lamang ang pagdanak nito sa ating bansa!
Post a Comment