12.6.08

dalagang bukid espesyal tinuwa


hev aketch ng kachikang ofw na nasa isang malapit lang na asian country na super request ng jinuding version ng law-oy o tinolang fish. syempre dahil aliw-aliwan naman ang inyong lingkod, super as in mega-think ng isdang makapagpupusyaw sa kanyang kabadingan. at naisip kong wala nang hihigit pa sa aking all-time peborit na MAIDEN of the MOUNTAIN, o mas kilala sa talipapa na DALAGANG BUKID.

at dahil nga kailangan may bagong twist, sagad-sagarin ko na rin... as in, go ka sa mountain para hanapin ang talbos na hihingin ko sa resiping ito na tatawagin kong...

D.BET (dalagang bukid espesyal tinuwa)

3 pirasong never pang ikinasal na dalagang bukid
1 green/red bell pepper
tanglad, pinitpit na pith
ilang tangkay na leeks , depende sa gusto mo
2 namimintog na kamatis
talbos ng SAYOTE
asin
paminta


paraan? madali lang. magpakulo ng tubig sa isang non-aluminum cookware. pag-umuusbo na ang kawateran, panggigilang lamutakin ang kamatis sabay lagay at isama na rin lahat ng sangkap maliban sa talbos ng SAYOTE. wait ka ng konti, seguro puede mong awitin ang walang kamatayang 'funky town' tapos killanja mo na ang apoy. put mo na ang talbos ng SAYOTE, takpan. ayan, maya-maya lang puede nang endyoyin ang niluto mo...

5 comments:

Nyl said...

wow!ang tsarapp ng recipe mo..natatakam ako!hehe


nice site!dropping by;p)

Nanaybelen said...

masarap ba ang linalamutak na kamatis? hehehe

paul h roquia said...

yes madam belen, mas masarap ang kamatis kapag nilamutak...

cant_u_read said...

walang talbos ng sayote sa hk! anong alternative?

paul h roquia said...

hmmm, teka lang ha rye...

hmmm... ektwali, ang orig dito puedeng MALUNGGAY leaves, or CAMOTE TOPS... or DAHON NG SILI... try mo rin SPINACH or BASIL...

hope you find either of which... tnx for asking.