masaklap ang balitang aking natanggap. pinalayas ng isang kamag-anak na lalaki ang kanyang asawa dahil sa pangangaliwa. masaklap dahil hindi kami sanay sa ganitong kalakaran , bihira sa aming lahi ang may napariwarang relasyon. kahit papaano'y naging tapat kami sa aming mga nililiyag, walang bahid ng kakatihan para sa iba pagkatapos heto ngayon...
kung tutuusin, halata naman from the start na kerengkeng si babae. maluho sa katawan at kahit magdildil ng asin ay kakayanin nyang ipa-rebond ang mala-steelwool nyang buhok. kung umasta nga raw ay parang reyna at nungkang magpapaaraw dahil baka masira ang mala-nanang kutis. sobrang arte rin kung makapagyabang ng kakarampot nyang kaalaman sa buhay at sa mundo... ang lahat ng ito ay pinalampas lang ng mga kamag-anak ng asawa dahil matitinong tao naman ang mga ito.
ang lihim ng kanyang karengkengan ay nabunyag makaraan ng halos apat na taong pagsasama... diumano lantaran siyang nakipagrelasyon sa isang kasamahan sa trabahong usong-uso ngayon. madali nyang naitatahi ang mga palusot dahil sa kabaliwan ng oras ng trabaho nila. nang matsimis at tuluyang nasukol, nagkibit-balikat lang ang gaga at nakangiti pang nag-sori. halatang sanay na siyang makipagbolahan kahit sa mga maseselang isyu tungkol sa kanya. pumapel rin ang nanay niya at nagkwento pang talaga rawng may mga ganung pangyayari sa buhay may-asawa... sadyang halata na may pinagmanahan ang kiri sa kanyang pagka-talipandas...
tahimik siyang pinalayas , malamang nagbubunyi ang kanyang damdamin dahil malaya na nyang mapagbigyan ang kung anong kakulangan sa kaibuturan ng kanyang nababaog na puson. malamang malayo sa kanyang isipang maari siyang idemanda o mapalayas sa trabaho dahil sa imoralidad. mukhang wala naman siyang konsensya dahil sanay na pala ang kanyang katawang magpasalin-salin sa iba't ibang kandungan.
totoo nga palang wala ka talagang mahihitang katinuan sa babaeng talipandas.
4 comments:
kanina ko pa gusto mag-comment pero di ko alam kung alin ang pagtutuunan ko ng pansin: ang babaeng talipandas na mabuti nga't di na ngayon associated sa pamilya nyo, o ang napakahusay mong pagsusulat.
hanga talaga ko sa yo, kapateed. ang husay mo!
tito tom! kutob ko'y sadyang totoo! dapat kanang ingon ana, ilansang sa krus!!! i really liked the term, NABABAOG NA PUSON! Kung may puson ngang maituturing!!
ingatz u and regards!
haler tito tom! dapat kanang ingon ana ilansang sa krus!
haler tito tom!kanang ingon ana dapat ILANSANG SA KRUS!
Post a Comment