ngyeeh! pangalawang araw today ng pagharap sa senado ng isang 'rodolfo "jun" lozada'. disyembre pa, matunog na ang kanyang namesung dahil sa kanya raw magmumula ang baol-baul na testimonyang magbubunyag sa totoong pangyayari sa nasilat na nbn-zte deal. lumutang na rin noong nakaraan ang matinding partisipasyon ng unang ginoo miguel 'mike' arroyo at ng sinasabing 'bugaw' ng negosasyon na opkors si dating comelec chairman abalos. syempre dahil hindi naman ako political analyst at wala ni katiting na butong pulitika sa aking balingkinitang katawan, malamang kajungahan nang maglahad pa ng kung ano mang di pa nasundot sa simulcast coverage ng senate hearing.
ang point ko lang ay nangangalisag ang balahibong pusa ko sa kanyang paglutang sa aking kamalayan. madaling araw, nang bigla akong magising dahil gustong lumabas ang katabi kong pusa para maglandi ; pagbalik ko sa higaan di na ako maka-iklik. syempre, bukas agad ng tvam para bahagyang maaliw at harinawang antukin. at dahil ang huling channel na pinanood ko ay ang ANC , hinsaktong andun na't bumungad ang fez ni lozada. unang hilatsada ko sa kanya ay kanyang aura na may bahid ng pangamba. pangalawa ay natanto kong tsinoy siya... hindi maipagkakailang tsinito siya at kulay nana... pangatlo ay napansin kong nakipag-holding hands siya sa isang madre, at katabi niya ay pari. ganun lang. kumanta na siya. napahikab ako dahil puro lyrics lang. 'lyrics' kasi wala naman siyang ipinapakitang dokumento, soundbyte, at video upang mapangatawan ang bawat tipa ng kanyang dila tuwing babasain niya ang kanyang labi. tapos sa sampayang kanyang tinutulay, biglang nagkaroon ng subplot kumbaga, at ito ang diumanong pagdukot sa kanya nang bumaba siya sa MIA ; na siya namang ginigisa ngayon habang tinitipa ko ito... kesyo mali raw ang term na abduction dahil sa legal term pala ito ay ang pagdukot sa isang babae para sa malisyosong dahilan! ay ewan!
wala akong mahitang katuturan kundi sa pag-aakalang ang lahat ng mamumutawi mula kay jun ay pawang bunga ng kapraningan. hindi ko rin siya masisisi at mahusgahan dahil i don't know him personally. pero sana ang mga ganitong rebelasyon ay may pinanghahawakang matibay na dahilan upang muli akong pumasyal sa edsa at manatili roon hanggang di lumalayas ang dapat lumayas!
luz valdez. luz fernandez. lucita soriano. lozada, jun!

2 comments:
ang take ko dito, paano ma-aid in legislation eh halata ang line of questioning ng mga opposition senators ay parang napag-usapan na nila beforehand. tama, walang mga ebidensyang direchang ma-link ang dapat ma-link. walang pirmahang bogus account na naganap habang nasa harap ng isang witness. puede na ring isipin na kahit pala isang taong magnanarrate na siya'y nagkaroon ng encounter of the 3rd kind ay kakagatin ng senado.
... mukha na ngang nahahalatang hindi in -aid of legislation ang prosesong ito ng senado... parang may punto na rin ang ilang maka-palasyo na in-aid of 2010 ito. wala talagang nangyayari dahil walang resolution na magaganap doon, kailangan pang ulitin ang lahat ng sinabi ng witness kapag isinakay na ito sa mga korte... kumbaga, pagod na lahat sa isyu at dahil tayong mga pilipino ay madaling magsawa sa mga bagay na basta na lang iningungudngod sa atin ; wala nang interes ang sambayanan...
lately pa, may pahibik si lozada na diumano'y may nagpapatay sa kanya; obvious na gustong nyang palabasing ang palasyo ang may pakana, without really knowing na yong mga taong nag-uudyok sa kanya ang mas may mapapala kapag nadedo siya...
Post a Comment