20.11.07

pancit buko

walang hihigit pang kacheapan sa joklish na nanunumbat sa kanyang jowemarquez. sadyang showcase theater ito ng tunay na fiber nya as a person. davah? kaya dapat habang mainit pa ang lambingan period ng affair, hayaan na sanang magpakasibil sa pakikitungo. sa unang lugar (azzin in the first place) , pagmamahal at anda lang investment mo therefore dapat unconditional ang lahat. never expect anything, davah? nakakaawa yang mga jugets pang joks na kapag natuklasan nilang may kadede pala sila sa notrilya ng chur nila ay biglang lulutang ang pagka-bipolar nila! yuck to the max. nakakashorthair 'yon, 'neng!

ang bongga na lang na dapat i-do ay palaflusin ang jinajupaks na taksil ng metaphoric dish... kung nabuko nyong trulilimontivirdi nga na hev sya ng isa pang joks o jilat , hainan bigla ng ...

PANCIT BUKO

2 tasang ginayat na buko
1 tasang lutong baboy, hiwain pakwadrado
1/2 tasang lutong hipon, hiwain pakwadrado
1/2 tasang chorizo china, hiwain pakwadrado
3 butil, pinitpit na bawang
1/2 tasang mantika
1/2 tasang prinitong tofu, hiwain pakwadrado
1/2 tasang ginayat na repolyo
1/2 tasang sayote, hiwain nang pahaba
1/2 tasang sitsaro
patis, panimpla
pamintang durog
1 nilagang itlog, hiwain nang pahaba
1 kutsarang sibuyas na mura, tadtarin
1 kutsarang kinchay, tadtarin
kalamansi

igisa sa langis ang bawang hanggang maging brown.

igisa ang sibuyas, baboy, hipon, chorizo, tofu, repolyo, sayote, at sitsaro. lagyan ng paminta, pampalasa. ilagay ang ginayat na buko saka timplahan ng patis.

kapag luto na, ihain sa bandehado. adornohan ng sibuyas na kichay at itlog.

ihain nang mainit, samahan ng kalamansi.


at habang superlaps ang shinumainch na juyop, supertalakathon ka naman ng mga kwentong infidel... ewan lang kung sadyang makapal siya but definitely, mag-esep-esep ka na 'day... hwag mong asahang ikaw na ang pinamasarap ng joklish sa balat ng durian! charuzzzzzz!

No comments: