26.7.08

tulang toksik, isa pa.


pusa

sa kawalan ng mamahali'y

kuting siyang iyong aampunin.

bibitbitin at aamuin sa kakapiranggot

na dilis nang agad kang kilalaning

panginoon.

papangalana't ilalayo sa mga pusakal

nang di mapariwara ang bubot na

kamalayang pusa.

hahagurin, lalaruin, ipagbubunying

parang sanggol

hahanap-hanapin upang pagod mo'y

mapigtal sa mayuming kalambutan

ng balahibo niyang hika ang katapat.

at sa kanyang pagkapusa'y mangingimi

ka, di niya alintana ang

pag-aruga

sapat nang lumaki siya't magising

kang ang lambing niya'y gutom

at sa mata'y pagkain ka!


1991

18.7.08

BARONG NI BARON GIESLER



kamanghamanghang sa halos 48 years na lumutang ang demanda laban kay baron giesler, kamakailan lamang siya umapir sa mga paunang pagdinig na mukhang kargado ng lakas ng loob upang tawirin ang kanyang kinakaharap sa ngayon. bilang isang aktor, hindi pipitsugin ang mga pagganap niya mula pa nang siya ay magsimula bilang child star sa abs-cbn. sa kabila ng kanyang nakakatusing na pagka-konyo boy ang dating, masinop niyang napangatawanan ang mga papel ng isang tipikal man o komplikadong meztizo na gumagalaw sa kontemporaryong lipunan. sa kabila pa rin ng mga kontrobersiyang nakakabit sa kanya, mariin pa ring natatanggap ng industriya ang aliw at panandaliang pagkawindang na hatid ng mga ito. natsismis ring nag-iiba ang kanyang pagkatao twing ito'y nalalango sa alak (o anupaman, sa ganang amin). nagiging agresibo raw ito masyado at laging tumbok ay seksuwal, kundi man rambolan. kahit na nga siya ay nakapasok at tumira sa bahay ni kuya; walang pagbabago whatsoever , ganun talaga siya: pasaway, eksentrik, sobrang totoo. malala ang bintang laban sa kanya, isang matatawag na krimen laban sa kababaihan. isang masalimuot na pakikipagsapalaran sa larangan ng paglabag sa batas. maraming hakahakang dahil ayaw makipag-ayos ang mga martinez; malamang na maraming rehas ang kikinis at iinit sa kanyang mga haplos. mayron din namang naniniwalang mabibigyan na maraming pagkakataon ang bawa't partido na mahimay ang butil ng pinagtutuunang reklamo. marahil maraming kaugat at kabuntot na mga kadahilanan ang makakalkal at mailatag sa lilim ng araw . bagaman kilalang artista na si baron giesler, mas nararapat siyang umayos sa pagharap sa hukuman. dapat ang kanyang kakisigan ay magmumula sa ganda ng kanyang pagdadala ng BARONG.

... CONGRATULATIONS, baron... best actor sa katatapos na cinemalaya; best picture din ang JAY...

10.7.08

G A Y V I O L E N C E

... naaliw na naman ako nang matisuran ko ang isang newsclip tungkol sa pagkabayolente ng ilang bading sa ating panahon. basahin na lang po ninyo ang balita:

3 BADING NAGRAMBOL SA MACHONG PAPA
Ni Armida Rico

Sugatan ang isang bading nang hatawin ng bote ng beer sa ulo ng kapwa bading na una niyang sinita sa ginagawang pagpapa-charming umano sa kanyang kasamang machong lalaki sa loob ng isang videoke bar kahapon ng madaling araw sa Baclaran, Parañaque City.
Putok ang ulo nang isugod sa Parañaque Community Hospital ang biktimang si Mario Soriano, 23, real state broker, ng 151-G Coria St., Baclaran, Parañaque matapos hatawin ng bote ng suspek na si Joel Imperial, 30, waiter at residente ng Block 6 Lot 1 Don Carlos Village, Pasay City.
Base sa imbestigasyon ni SPO2 Edwin Bagacino ng Police Community Precinct 1 ng Parañaque, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng Akira Resto & Bar sa Quirino Avenue, Baclaran.
Lumalabas sa imbestigasyon na kasama ng biktima ang kaibigan na nakilala sa pangalang Mark de Guzman at nag-iinuman naman sa katabi nilang mesa si Imperial at kapwa bading na si Michael Malana, 24, service crew, ng 551 Escobal St., Sampaloc, Maynila.
Napuna umano ni Soriano ang malalagkit na tingin at panay pa ang pa-charming ng dalawa sa kasama niyang lalaki (De Guzman) kaya’t sa hinalang binabalatengga na ng dalawa ang ka-partner, tumayo ang biktima at sinita ang mga suspek hanggang sa humantong na sa paghahamon ng away ang komprontasyon.
Paglabas umano sa naturang establisimiyento ay sinuntok kaagad ni Malana si Soriano habang hinataw naman siya ng bote ni Imperial na naging dahilan ng pagputok ng ulo ng biktima.
Pagdating sa himpilan ng pulisya, panay naman ang hingi ng areglo ng dalawa kay Soriano at sinasabing hindi nila sinasadya ang ginawang panghahataw ng bote sa ulo ng biktima.
Sa kabila nito, sasampahan din ng kasong physical injury at alarm and scandal ang dalawang suspek sa Parañaque Prosecutor’s Office.

17.6.08

tulang toksik, reload

tunay kang nakakaaliw,
bawa't kibit ng 'yong balikat
mistulang saliw
sa pagkurap ng talukap
at pagbuntonghininga
huwag nang isabay pa
ang humaharurot mong utot
at tuluyan nang magdidilim
ang paningin at
managinip ng gising
habang kinikimkim ang
panalanging huwag
sanang bumunghalit ng tawa
at nang di umulan ng laway
at sumingaw sa kalawakan
ang hininga mong ipinaglihi ata
sa imburnal
na iyong pinanggalingan!

paul h roquia
2001

sayad sa baga : mashabung usapin

Sa abot ng aking alaala, humigit kulang na sa dalawampu’t tatlong taon nang namamayagpag ang deoxyephedrine, meth, methamphetamine, methamphetamine hydrochloride, Methedrine, chicken feed, crank, chalk, trash, glass, ice, amphetamine, pep pill, upper, speed o mas kilala sa katawagang SHABU, SURU, BATO, SHARON, BASURA, ITEM at iba pa depende sa lugar at uri ng lipunan sa bansang ito. Syempre, talamak din ito sa katawagang POOR MAN’S COKE o COCAINE. Bagama’t matagal na rin itong paborito ng mga adik sa urupa’t amerika, umarangkada ang kasikatan nito noong kasagsagan ng people’s power. Dahilan marahil sa matinding pagbabagong naganap sa kalakaran ng gobyerno, halos hindi napagtuunan ng pansin ang pagdanak nito sa halos bawa’t sulok ng kamaynilaan na pinagtripan naman sa anumang antas ng buhay. ‘Bagong’ paninda raw sabi ng mga tulak na dati damo o marijuana lang ang dala. Swak raw sa mga mahilig gumimik sa gabi at walang raw talagang tulugan ang makakahigop nito. Okey rin daw ito sa mga gustong magpapayat dahil walang takam o gutom na darating sa gagamit nito. Ganun ang mga sales talk nila sa mga medyo nag-alangan subukan ito. Idagdag pa ang sobrang abala ng paraan upang ito ay ma-enjoy; biro mo kakailangan mong mag-plantsa ng pahabang pilas ng foil ; i-latag ang bitak-bitak na droga at isalang sa gawa-gawang burner na tisyung binilot pahaba o lighter na tinarakan ng mariing binilog na foil… hihigupin ang ipapatakbong ‘bato’ pabalik-balik gamit ang foil straw o glass pipe o waterpipe. Talagang pang-ritwal ang dating ng pagtira ng drogang ito na sa malaon ay nakasanayan na rin ng mga na-adik dito.

Nakapanghihinayang ang maraming buhay na winasak nito. Hindi lamang ng mga gumamit (at gumagamit pa hanggang ngayon) kundi mas lalo ng mga taong nakapalibot sa mga ito. Matinding mga kasaysayan ng mga naunsyaming kinabukasang naudlot; naparaya't nalugmok sa dusang mga pangarap at ang iba naman ay tuluyan nang kinuha ni Lord ...

Marahil kung may matinding batas na ipinatupad kaagad noong kapanahunan ni dating pangulong Cory, iba ang naging takbo ng kuwento ng drogang ito sa kamalayang kayumanggi. Medyo naasiwa rin ang rehimeng Ramos sa usaping ito; at higit na yumabong ang kalakalan nang saglit na pagkakaupo ni Estrada. Ngayon , sa masinop na pangangalaga ni tita Gloria, masasabing nabigyan ng pangil ang mga alagad ng pagsugpo nito dahil lantaran nang natutukoy ang mga pinamumugaran ng mga walang kaluluwang naglalako ng panunaw-katinuan sa kalakhang mundo ng naghihikahos na bansang Pilipinas!

tulak
hayun siya sa bilyaran,
minsan nasa tambayang tindahan,
kung mahiyain nama'y nasa bahay.
mamang payat, nangungulamata.
aleng tabain, mata'y dilat na dilat.
maya't maya'y may lumalapit.
maya't maya'y may hinihigit.
kaliwaan lang ang usapan, pag-abot
ng pera'y dadaupin ng palad
at kung mamalasin, o-lat
sa o-sip kaya
rumekta ka na lang
sa pulis!

paul roquia
2001

12.6.08

dalagang bukid espesyal tinuwa


hev aketch ng kachikang ofw na nasa isang malapit lang na asian country na super request ng jinuding version ng law-oy o tinolang fish. syempre dahil aliw-aliwan naman ang inyong lingkod, super as in mega-think ng isdang makapagpupusyaw sa kanyang kabadingan. at naisip kong wala nang hihigit pa sa aking all-time peborit na MAIDEN of the MOUNTAIN, o mas kilala sa talipapa na DALAGANG BUKID.

at dahil nga kailangan may bagong twist, sagad-sagarin ko na rin... as in, go ka sa mountain para hanapin ang talbos na hihingin ko sa resiping ito na tatawagin kong...

D.BET (dalagang bukid espesyal tinuwa)

3 pirasong never pang ikinasal na dalagang bukid
1 green/red bell pepper
tanglad, pinitpit na pith
ilang tangkay na leeks , depende sa gusto mo
2 namimintog na kamatis
talbos ng SAYOTE
asin
paminta


paraan? madali lang. magpakulo ng tubig sa isang non-aluminum cookware. pag-umuusbo na ang kawateran, panggigilang lamutakin ang kamatis sabay lagay at isama na rin lahat ng sangkap maliban sa talbos ng SAYOTE. wait ka ng konti, seguro puede mong awitin ang walang kamatayang 'funky town' tapos killanja mo na ang apoy. put mo na ang talbos ng SAYOTE, takpan. ayan, maya-maya lang puede nang endyoyin ang niluto mo...

5.6.08

ligaw na jokes, todo na 'to!


Wedding Ring

"Mali yata ang pagkakasuot mo ng wedding ring mo kumare?" tanong ng kaibigan sa kanyang kalaro sa mahjong.
"Okay lang 'yun, mali rin kasi ang napakasalan ko eh," sagot naman ng ka quorum.

Sinong damn?

"Alam mo bang napakatanga ko noong pinakasalan kita!" sigaw ni misis na hihiwalay na sa kanyang mister. "Alam ko, pero in-love ako sa iyo noon kaya hindi ko na lang pinansin ang katangahan mo," sagot naman ni mister.

Kabit

"Inay, nabasa ko sa diyaryo mahigit sisenta porsiyento ng may asawang lalaki na taga-Maynila, kumakaliwa sa mga misis nila," kuwento ng anak na babae sa kanyang inay.
"Oo naman anak, kasi 'yung natitirang kuwarenta porsiyento, sa probinsiya nila dinadala ang mga kabit nila," paliwanag ng ina.

Maling Akala

Kahit walang bilib sa hula, sumubok si Pedro na magpahula.
"Dalawa ang anak mo ngayon," sabi ng manghuhula kay Pedro habang binabasa nito ang palad niya.
"Yun ang akala mo," sumbat ni Pedro. "Para sa iyong kaalaman, tatlo ang anak ko sa misis ko."
"Yun ang akala mo," singhal naman ng manghuhula.

Divorce

Kumakain sa restaurant ang mag-asawa nang may dumaan na magandang dilag, nakipag-usap sa lalaki at hinalikan ito sa pisngi bago sila iniwan.
"Sino `yon?" tanong ng babae.
"Kung kailangan mo talagang malaman, siya ang kabit ko," sagot ng lalaki.
"Napakasama mo! Ipinakita mo pa sa akin ang kabit mo! Bukas na bukas din, magpa-file ako ng divorce!"
"Sige, iiwan mo ako? Pati ang mga alahas mo, ang dalawa mong Mercedes Benz, ang mga damit mo pati na ang bahay-bakasyunan natin sa Baguio, Palawan at Hong Kong?"
Natigatig ang babae. Maya-maya, may nakita silang pangit na babaeng dumaan at kumaway sa lalaki at nagtanong na naman ang babae.
"Sino naman `yon?" tanong ng nagtitimping misis.
"Kabit ni Kumpareng Boy."
Nangiti ang misis. "Mas magandang `di hamak ang kabit natin kaysa sa kanya, `no?"

Kung siya ang pinakasalan...

Nakasalubong ng mayor at misis nito ang dating manliligaw ng babae.
"`Di ba nanligaw sa iyo dati `yang lalaking `yan?" tanong ng mayor sa asawa.
"Oo," sagot ng misis.
"Kita mo na, kung siya ang pinakasalan mo, `di sana, hindi ka misis ng mayor ngayon?" pagyayabang ng mayor.
Tumaas lang ang kilay ng misis.
"Kung siya ang pinakasalan ko, `di sana, siya ngayon ang mayor at hindi ikaw."

Kinalawang daw

"Dok, duda ako sa bagong silang na anak ng aking asawa," panimula ni Pedro nang makita ang sanggol sa nursery.
"Bakit mo naman nasabi `yan?"
"Kasi, ang buhok ko itim, ang buhok ng asawa ko itim pero ang buhok ng anak namin, pula."
"Ilang beses ba kayong mag-sex ng asawa mo?"
"Isang beses isang taon."
"Kaya pala. Sa iyo `yang batang `yan. Kaya lang, namula ang buhok niyan dahil sa tagal, kinalawang na siya," paliwanag ng doktor.

Awa

"Habang pinapanood mong inumin ang kapeng may lason ng asawa mo, hindi ka man lang ba naawa sa kanya kahit isang beses?" tanong ng abogado sa babaeng nasasakdal.
"Naawa naman po," sagot ng babae.
"At kailan `yon?"
"Nu'ng humingi siya ng isa pang tasa ng kape."

Impiyerno Nga!

Nagreklamo ang isang baklang bagong bagsak sa impiyerno.
"Ano ba namang lugar ito? Ang daming cute pero ang liliit ng mga ari!" reklamo ng bakla kay Satanas.
"Natural! Kung malalaki ang mga ari niyan 'di para ka na ring nasa langit, 'no?" sagot ni Satanas.

Pwetifier

Nagkaanak ang baklitang si Laharni sa pamamagitan ng test-tube. Sa nursery, binisita niya ang anak niya at napansin niyang ang lahat ng baby roon ay nag-iiyakan maliban lang sa kanyang anak na pangiti-ngiti pa habang natutulog.
"Ang cute ng baby ko, `no? Super-bait pa!" pagyayabang ni Laharni sa nurse na nakatalaga sa nursery.
"Subukan n`yong alisin ang pacifier sa puwet ng baby n'yo at tiyak na iiyak din 'yan," sabi ng nurse.

O-o-o-f-f-f?

Pumasok sa isang sex shop ang baklang si Monakiki na sobra ang panginginig.
"M-may ti-tinda b-ba ka-kayong vibrator?" tanong ni Monakiki sa salesman.
"Meron po," sagot ng salesman.
M-mayroon b-ba k-kayong t-tindang vibrator na may t-takak n-na K-Kingtool?"
"Meron din po."
"M-mayroon ba k-kayong K-Kingtool na te-ten i-inches ang haba at pa-five inches ang laki?"
"Meron din po."
"M-mayroon b-ba k-kayong g-ganoong style na di-di-di-baterya?"
"Meron din po."
"P-paano b-ba p-patayin `y-y-yon?" tanong ni Monakiking diretso ang panginginig.