3.2.10

paano ba maging isang kabit?


Parang isang patak ng white flower rekta sa mata ang katanungang : “Paano ba maging isang kabit?” Oo, ganun ang naramdaman ko nang humarap ako sa salamin at tanungin ang aking sarili. Hindi ko mawari kung meron akong nakatagong malutong na sagot . Hindi ko rin alam kung matatagalan ko na titigan ang aking makasalanang mukha na nakasimangot ngayon sa akin. Halatang pinangunguhan ako ng aking konsensya. Marami pang kabuntot na katanungan paligid nitong aking nararanasan na ipinagdarasal kong harinawang sumabog at sukat sa hangin na para bagang mga bula. Nguni’t heto’t para silang mga kulani na ang titigas at masasakit tuwing sinasalat kahit nang bahagya.

Paano nga ba maging isang kabit? As in kahati sa pagmamahal ng isang nilalang na mayroon nang pananagutan sa buhay. Kabit , as in pangalawang prayoridad nya sa kanyang kasalukuyang mundo. Tagasalo ng tira-tirang libog ; aliwan tuwing may sigalot sa kanyang ‘totoong’ relasyon. Kumbaga, pangatlong unan sa kamang matrimonyal; tigaligpit ng mga latak na damdamin habang nakatago sa madilim na sulok ng kanyang buhay. Ganun?

Pag kabit ka, ikaw ang kontrabida. Ang mang-aagaw. Dapat matibay rin ang anit mo dahil malamang na ikaw ang magpapaubaya sakaling sabunutan na ang usapan. O di kaya, kailangang aspalto ang mukha mo upang sa isang lagapak ay kalyo ang aabutin ng misis nya. Hindi ka na dapat nagtatanong o mag-aksaya pa ng panahong umasa na mabigyan ng magandang kahihinatnan ang pinasok mong sitwasyon. Tapang ng apog lang panlaban mo dahil hindi maglaon ay kalat na sa buong ginagalawan mo ang kagagahang pinasok mo. Naroong iismiran ka sa walang kadahidahilan o pagsabihan ng mga atribidang mga gurang na immoral ang katauhan mo. Naroon ring iisipin ng mga kalalakihan na medaling masungkit ang tahong mo. Eh paano kung bakla ka? Yan ang aking suliranin. Ako’y baklang kabit ng isang lalaking may pananagutan na sa buhay. Nang makilala ko kasi siya may kung anong kumiliti sa tumbong ko at nang hindi siya pumalag nang tanungin ko kung ayos lang na luhuran ko siya nabihag na niya ang aking buong pagkatao. Huli na nang malaman kong may asawa na pala siya nang minsang sabay niya kaming sinundo sa palengke! Patay-malisya lang niyang sinabi sa aking babalikan na lang niya ako pagkatapos niyang ihatid ang kanyang misis. Parang lumutang ang ulo sa mabantot na kubeta ng palengke habang hinintay ko ang kanyang pagbalik at hanggang ngayon ay tameme pa rin ako… hindi ko kasi kayang basta na lang na tapusin ang mga luhurang nagaganap lalo na’t inuupuan ko na rin siya ngayon.

Ang konswelo lang naman ay nang mabasa ko ang pinaskel niyang ‘bumper’ sa kanyang pinapasadang pedicab…

Choosy ka pa?

2 comments:

Unknown said...

hahaha! tapos kakantahan ka pa ng ".. kaya ngayon bakla na lang ang aking iibigin,masarap magmahal ang bakla, o kay sarap..." Panalo di ba? Pero paano pag sinusuri mo na ang tinatakbo ng buhay mo? Na alam mong pag tumanda siya mas gusto parin niya ng tahong kaysa ka-espadahang talong? Bakla na nga kabit pa! O baka naman kaya nga kabit e kasi bakla?

paul h roquia said...

hahaha ang kulet!