29.2.08

mga larawang finorward ni helene
















maya't maya nakakatanggap ako ng mga larawan mula sa aking pinsang si helene na naninirahan na sa 'merika. sa pamamagitan ng mga ito , ako'y kanyang napapahalakhak sa sarili kaya nais ko ring ibahagi sa inyong lahat. pinamagatang "all idiots in the world , unite!"








12.2.08

tulay na sinulid

sa napakahabang kadahilanan , huwag nang sabihin pang masalimuot ; napatira ako sa isang looban sa tatalon. hindi ko na halos maapuhap sa aking alaala ang bawa't sandali ng aking pananatili roon na umabot rin sa halos anim na buwan. dinala ako roon ni 'roger', suki kong taksi driver nang minsang sunduin niya sa aking pinagtatrabahuhang klab. dinatnan niya akong nakatambay sa harap ng ilan kong bagahe na naglalaman ng ilang gamit. sabi ko sa kanya baka sa motel na muna ako magpapalipas ng araw habang naghahanap ng matitirhan. konting kwentuhan sa lugawan bago niya ako ihahatid sa may cubao, nabanggit niyang bakit hindi ko subukan 'yong bakanteng paupahang kuwarto ng kapatid niya sa may tatalon. medyo maliit nga lang raw pero maayos naman at libre ilaw at tubig sa halagang isang libo , isa pa mabuti na raw 'yong kakilala niya ang titira roon. naisip kong bakit nga naman hindi ko subukan pansamantala.

nang marating namin ang lugar, at binababa ko ang bintana upang tantiyahin ang lugar, sumalubong sa akin ang pinaghalong amoy ng tao, lupa at basura. napangiwi ako, pero dahil
antok na rin ako sa magdamagang pagpapatugtog at pagpapakilala ng mga tinamaang sexy dancers, tumuloy na rin ako. mabait ang ate dang ni roger. mukhang may mahihita ka namang katinuan sa kanyang ipinagmamalaking mga paupahang silid. maliban sa malinis na linolium at pinturado ng pink ang dingding, may kama na rin ito at kainamang aparador para sa mga damit at ilang gamit. sa maayos na pakikipag-usap, pumayag siyang one month deposit-one month advance dahil nga sa sinabi kong 'pansamantala' lang naman at biglaan ang pagkakalayas. pagkakape't pamamaalam ni roger, pinasok ko na ang aking bagong daigdig.

makaraang maiayos ko ang lahat, humiga na ako upang umidlip at mamahinga't makaipon ng lakas para sa isa pang gabi ng ingay, alak, musika at halakhakan. unti-unti na sana akong lumulubog sa pagkahimbing nang mapansin kong umaga na pala at oras na ng paggising ng 'normal' na daigdig. naroon ang ingay ng radyo, mga batang umiyak-tumawa, mga kalampagan at mga kababaihang sabay-sabay na nagbubunganga. napangiti ako. ito nga yata ang matagal ko nang ninais maranasan... ang tumulay sa sinulid ng buhay sa lungsod. ang walang katapusang pagpasok sa makipot na butas ng karayom upang masulsi ang pinagtagpi-tagping pangarap ng bawa't nilalang na napasadlak sa gusto't ayaw man nila sa pakikipagsalarang kahit papaano'y may umagang madadatnan sa gitna ng dusa at tuwa...

10.2.08

luz valdez? luz fernandez? lucita soriano? jun luzada?



ngyeeh! pangalawang araw today ng pagharap sa senado ng isang 'rodolfo "jun" lozada'. disyembre pa, matunog na ang kanyang namesung dahil sa kanya raw magmumula ang baol-baul na testimonyang magbubunyag sa totoong pangyayari sa nasilat na nbn-zte deal. lumutang na rin noong nakaraan ang matinding partisipasyon ng unang ginoo miguel 'mike' arroyo at ng sinasabing 'bugaw' ng negosasyon na opkors si dating comelec chairman abalos. syempre dahil hindi naman ako political analyst at wala ni katiting na butong pulitika sa aking balingkinitang katawan, malamang kajungahan nang maglahad pa ng kung ano mang di pa nasundot sa simulcast coverage ng senate hearing.

ang point ko lang ay nangangalisag ang balahibong pusa ko sa kanyang paglutang sa aking kamalayan. madaling araw, nang bigla akong magising dahil gustong lumabas ang katabi kong pusa para maglandi ; pagbalik ko sa higaan di na ako maka-iklik. syempre, bukas agad ng tvam para bahagyang maaliw at harinawang antukin. at dahil ang huling channel na pinanood ko ay ang ANC , hinsaktong andun na't bumungad ang fez ni lozada. unang hilatsada ko sa kanya ay kanyang aura na may bahid ng pangamba. pangalawa ay natanto kong tsinoy siya... hindi maipagkakailang tsinito siya at kulay nana... pangatlo ay napansin kong nakipag-holding hands siya sa isang madre, at katabi niya ay pari. ganun lang. kumanta na siya. napahikab ako dahil puro lyrics lang. 'lyrics' kasi wala naman siyang ipinapakitang dokumento, soundbyte, at video upang mapangatawan ang bawat tipa ng kanyang dila tuwing babasain niya ang kanyang labi. tapos sa sampayang kanyang tinutulay, biglang nagkaroon ng subplot kumbaga, at ito ang diumanong pagdukot sa kanya nang bumaba siya sa MIA ; na siya namang ginigisa ngayon habang tinitipa ko ito... kesyo mali raw ang term na abduction dahil sa legal term pala ito ay ang pagdukot sa isang babae para sa malisyosong dahilan! ay ewan!

wala akong mahitang katuturan kundi sa pag-aakalang ang lahat ng mamumutawi mula kay jun ay pawang bunga ng kapraningan. hindi ko rin siya masisisi at mahusgahan dahil i don't know him personally. pero sana ang mga ganitong rebelasyon ay may pinanghahawakang matibay na dahilan upang muli akong pumasyal sa edsa at manatili roon hanggang di lumalayas ang dapat lumayas!

luz valdez. luz fernandez. lucita soriano. lozada, jun!

5.2.08

ilan sa mga dahilan ng panunukso ng mga estudyante

... hindi ko siya masakyan. hindi ko rin alam kung ano ang tinutumbok ng bulletin na ito na pi-nost ni tita ada sa aking friendster account. well, for whatever it takes, read na lang?



May mga nag-request na sa tagalog ako sumulat ng bulletin.

ILAN SA MGA DAHILAN NG PANUNUKSO NG MGA ESTUDYANTE:

1) galit sa mundo

2) hindi magandang pagpapalaki ng magulang.

3) kung maganda man, nahahawa sa mgakaibigan o kalaro.

4) pang-takip sa diperensya niya parahindi ito mapansin.

5) sanay makisalamuha sa mga squatters (ang mga taga-squatters, kulang sa kaalaman sa kagandahang asal dahil hindi na sila naaasikaso ng magulang na busy sa paghahanap-buhay o pagtatrabaho. wala silang alam na nakakatawang jokes kundi ang pagtawanan ang kapansanan ng kapwa. wala silang babasahin tungkol dito kaya umaasa nalang sila sa nakikita nila sa kapaligiran para sa sariling katuwaan. Ngunit may ilang nabibilang sa ganoong level ang nagsusumikap baguhin ang kanilang buhay at lumayo sa ganoong kapaligiran.

6) maaaring may problema sa pag-iisip dahil natutuwa silang makasakit ng damdamin ng iba.

7) maaaring lumaki silang nilalait dinng mga tao sa paligid nila kaya iniisip nilang tama ang ginagawa nila.

8) maaaring BOBO dahil hindi niya alam ang tama at mali

9) makasarili --- hindi nya iniisip ang damdamin ng iba.

10) utu-uto... alipin ng kaibigang tulad din nya.

11) BULAG sya... alam nya ang diperensya nya pero hindi nya nakikita(kunyari) at ipinapasa sa iba para hindi mapansin ang kapansanan nya.

12) PULUBI - walang pambili ng salamin na totoo ang ipinakikita (he he he)

13) BOBO ulit - kasi sa tagal ng pag-aaral nya, wala ni isang good manners o ethics ang natanim sa utak nya (meron kayang utak?)

14) TAMAD -- ayaw mag-isip ng tama. Gusto gaya lang ng gaya kung ano ginagawa ng iba kahit mali. ay!tanga rin pala.

15) marami pang iba.. kaya lang anghirap sa tagalog ...

GIRLS... SORRY HINDI MAGANDAPAGKAKASULAT KO... WHEW! MAHABA KASI AT HINDI DIRETSAHAN PAG TAGALOG KAYA ANG HIRAP... NAWAWALA ANG FLOW NG THOUGHTS KO SA KAKAISIP KUNG PANO PAIIGSIIN ANG BAWAT PANGUNGUSAP... NEXT TIME NA LANG ULIT HA... PAG NASA MOOD AKO.