27.12.07

katiting na hiatus



sa bilis ng mga pangyayari, 'di ko bastang mamalayang lumipas na pala ang mga araw ng pagdiriwang. basta't para akong na-lost sa aking self at nagliwaliw sa kung saang boogie wonderland. naging laman ako ng mga grocery, supermarket, department store, palengke at talipapa. wala na halos akong pahinga , halos di na rin nakapagbunot ng kilay, balbas at burnik. sa daming paroo't parito'y wala na akong sense of time... o timing man lang na labasan pa. umikot ang buong mundo sa paligid ng aking utong na namamanhid. di ko na halos makilala ang sarili nitong nakaraang bisperas kung kailan nagdiminishing return na ang utility ko. biglang tumahimik at napatihaya ako at kinapkap ang buong katawan kung may nawawalang bahagi nito. buo pa rin naman. pero bitak-bitak na ang talampakan ko... hwag nang idagdag pang hanggang ngayon di ko matandaan kung saan ko nailapag ang shutanginetch na selpon!

1 comment:

mrs.j said...

hapi new yr kw b un asa px?