6.12.07

aburida

naku naman. parang gusto kong sumabog. hilong-hilo sa mga pangyayari, hindi ng buhay ko kundi sa lokal na shobis . patung-patong na intriga, kumakawing-kawing na kontrobersya , sala-salabat na usap-usapang walang patutunghan! wala lang. gusto ko lang talagang maapektuhan hanggang sa mailuwal ko ito ngayon dito. sa aminin man o hindi ng industriya, isang malaking kawalan sa mundo ng pagkukunwari si tita luds (maki-tita raw ba?), aka inday badiday aka lourdes jimenez-carvajal aka reyna ng intriga. kakawindang kasi istayl niya. istayl nga kaya o fez niya? gay icon siya ng mga chakang juding. legendary rin ang boses niyang parang dumadaan sa sand&gravel quarry. kakatakot rin ang mga mata niya, huh? pagnanlisik, hello? flyolayola na ang byuti mo. siya ang pasimuno ng malalang pangingialam ng mga movie reporter sa pribadong buhay ng mga artista. siya rin halos ang nanay ng mga talkshow. maraming na-adik sa eye-to-eye, see-thru at iba pang shows na siya ang host o producer. marami rin siyang disipulong ikinalat sa ere, isa nga riyan ay ang payat pa at mukhang uhuging si cristy fermin. kaya heto ngayon, pilit na 'maging' siya ang anak niyang si dolly ann...

mas nakaka-aburida naman itong si dolly ann. palibhasa'y may pinanggagalingan pilit na tinatalbugan ang nasirang ina. pero kahit na halos magkamukha at magkaboses silang mag-ina; hapit pa rin ang dating ni dolly ann. seguro mas maganda kung tumulay siya sa ibang larangan kung saan ay kikilalanin siya bilang indibiduwal at hindi singaw ng isang nakaraan lamang. eh, ano naman ang koneksyon ni tita luds at ate dolly ann sa pagka-aburida ko? wiz lang. chika lang. basta ba huwag sanang basta magsampa ng kaso ang mga juklang diumano'y nakitang nagbubulungan sa isang otel... basta ba umamin agad ang tonggrilyang telenovela princess kuno na nagpalaypo siya at pinagdadamutan ng anda ang ina... basta ba huwag nang sariwain pang nympho pala ang ageing-actress ... basta ba hayaan nang magka-award nang magka-award ang isa pang ageing tongrilya actress na bano namang umarte... basta ba isipin na lang na 89% pala ng mga male actors ay bading o dili kaya nahagip na ng bading... basta ba adik pa rin sa bato ang exiled star... basta ba tanggapin na lang na ang lahat ng ito ay lilipas din. maaburida pa rin aketch!

No comments: