huwebes ko ata nasumpungan ang stinger ng 'imbestigador' ni mike enriquez sa siete na tinatakam ako manood sa sabado nitong palabas upang malaliman kong makilala ang isang taong nagsasabing siya raw ang kambal na kapatid ng matinee idol na si dennis trillo. base sa clips na pinasilip (na medyo malabo dahil spycam), mapansing may kung anong hawig nga ang mokong kay dennis. at kahit may nag-anyaya pa sa aking magliwaliw sa tagaytay ay nagpasintabi ako at hinintay ang takdang oras ng palabas.
pikit-dilat kong tinulay ang OBB, at swerte namang unang feature ng mga inimbestigahang cheverlu ang kaso. ala, eh at ang setting ay sa balayan, batangas. doon samu't saring pagtatangkang mang-onse ng tukmol. naroong nag-event coordination pa mandin sa isang shahalang resto doon para raw sa joint birthday celebration nila ng 'kambal' niya! aba't nag-order din ng mga furniture at appliances (na rinepossess dahil sa kawalan ng down) at tuwirang na-deny na pagpantasyahang magka-motorbike! opkorsintirkors, lahat ng ito ay pinabulaanan ni dennis mismo, dahil talaga namang hungkag sa katotohanan ang lahat. totally ridic. kyems. eklavum.
delusional ang taong iyon. maraming katulad niyang nagbabakasaling guminhawa o magkakulay man lang ang payak nilang buhay. sa taglay na katiting na pagkahawig sa mga kilalang tao (kalimitan artista), isinasakatuparan nila ang mang-abala sa kapwa sa ngalan ng celeb na napagtripan. sa aking mga nagalugad na lugar, mayroon ako laging ganung karanasan... minsan anak daw siya ni tingting cojuangco (eh, kilala naman natin lahat ng junak niya noh?), o ang kapatid ni christopher de leon (hawig nga, kaya lang puedeng magpark ng trak sa butas ng ilong niya); o ang baklang tiyahin raw ni toni gonzaga (halos magkasingganda sila, enfurnez)... at supermega azzin dami pang ganun.
isa itong psychological disorder, mahabang therapy ang kailangan (eh paano kung magkunwa na rin siyang psychiatrist?). nakatutuwa habang hindi pa nakaaabala o lumilihis sa moral at sibil na batas. kakaaliw habang sa likod sa utak mo'y sarap nang kutusin pero sino ba naman tayo para agad silang husgahan bago natin ipaIMBESTIGAdor, davah. saka na lang kapag nakaramdam na tayo ng malisya. malisyang nasa threshold na silang maka-isa o dalawa sa atin.
ako nga, laging napagkakamalang kapatid ni pilar pilapil o mismong si pinky de leon pero never as in nunca kong pinangarap na isangkalan ang isa lamang na masalimuot na pagkakahawig.
3 comments:
ibang klaseng psycho disorder din yun. nakakaawa yung tao. paano kung mag-astang erap siya..wag lang naman sana..
ah... baliktad naman yong kamukha ni erap @batangbuotan, pilit niyang binabago ang hitsura niya kasi nahihiya siya! kalooy noh?
oo nga, psycho disorder na nga ang meron sa batang yun... grabeng pasaway... mukha pang juding ang bagets hahahaha
Post a Comment