29.11.07
pen fiasco
hindi man lang ako nakabog sa biglang pagflash report na nag-walkout diumano sa kanyang hearing sa mtc si trillanes. hindi na rin bago ang istilo niya ng pang-aasar sa gobyerno at sa pamayanang pinoy. sadyang asiwa na siya sa kanyang sarili dahil hindi niya matumbok ang dugo at laman ng kanyang ipinaglalabang ewan. sa totoo lang, mukhang pinangangatawanan na lang niya ang sarili bilang ang bagong PAMBANSANG ASSHOLE. nariyan na tayo't noong una'y mukhang masustansya naman ang mga dahilan niya upang maghimagsik kahit na nga sa pamamaraang subersibo. nariyan na rin at labis tayong nabighani sa kanyang angking kakisigan at pagpantasyahang dakikay siya.
palibhasa'y beterana na ang aking mga teynga sa ganitong mga kaganapan mula pa noong 1989, wala akong matandaang may nagtagumpay. mukhang katangahan nga lang ang umiiral sa paglalakas-loob ng mga tiwaling militar na pabagsakin ang pamunuan. sadyang malabnaw ang mga katuwirang kanilang inihahain para mahigop ng lubusan ng masang umaalialigid. hindi sapat ang diumano'y makabayan nilang adhikaing i-ahon sa sigalot kung saan ay nakalublob raw ang sambayanan. alam kaya ni antonio na hindi maaring pagsabayin ang pangangahoy at pagsisiga? grabeng abala ang inilunsad niya at ng kanyang mga kakupal sa manila pen. biruin mo at sosyal pa ang piniling pagkakutaan? sa loob-loob ko, mas magkakaroon sana ng kulay ang kanyang pag-aalburuto kung sa isang entresuelo o mega-depressed na iskwateran siya tumungo at nagdeklarada ng kalayaan mula sa pamumuno ni GMA. malamang doon, mahihirapan ang mga govt forces na lusubin siya at napakaraming tao run. seguraduhin lang niyang palalafangin niya ang lahat dahil kung hindi sila mismo ang tsutsugi sa kanya dahil sa inis.
walang lasa pala si trillanes. bland kumbaga. nailipat na pala ng kanyang ngitngit ang kanyang puwet sa kanyang mukha. pamatid-gutom lamang sa media sa kanyang itinanghal. lalo niyang pinalalayo ang masa sa paminggalan. sabi nga sa text message ng isang kaibigang bikolano: 'tarami tabi yang si trillanes na magparapondo na sa kapatalan niya con dai, pitikon ko an bunaybunay niya!'
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
"natikman" ko ang luto ni trillane, tama ka, walay lasa, at malansa (nakakadiri). kulang sa apoy, hindi gaanong mainit ang palayok kaya, lutong macau ang kanyang potahe. walang bumili kasi kulang nga sa sustansiya. (may bumili pala, matatanda, meron din hindi matanda). sigurado, pagsisihan nila ang pagbili sa malabnaw na luto.
ewan...
Post a Comment