6.11.07

bonnevie, dina


katuwang magbaliktanaw paminsan-minsan lalo na't mga mababangong alaala ang lumalantad at sukat ng di na sinisipulan. mga araw ng kabataan at kawalan ng muwang habang binubuo ang mga pangarap at kinabukasan. mga takdang panahon na nakatatak sa isipan upang hagurin pagdating ng oras ng katandaan... isa rito ay ang 1985, ang taong nakilala ko si DINA BONNEVIE.


'twali noong 1975 nang saglit akong nag late night dj sa radyo sa legazpi city ay may regular caller at nagrerequest na dina bonnevie of washington drive (capt. f. aquende drive na ngayon). sey ng sisteret, ka-batch raw niya ito sa st. agnes academy. ah, ok. taz, noong nasa manila na ako, ilang buwan bago nag-PP sa edsa, sinubukan ako ni direk boots plata na umakting-akting sa preprog (TVBoxOffice "Bubbles&Jeremy") ng EATBULAGA! na nasa channel 9 pa noon; join at tsika na rin ako. si michael de mesa ang bidang men at naka-2 day taping na kami , wa pa rin leading babae. dapat raw si ness kaya lang kakashupostra pa lang ng sitcom nila ni michael. taz, biglang nagkagulo sa TAPE studio sa 3rd day sked nang may nagwawala sa gate. hello? si dina bonnevie pala 'yon? hindi na malinaw kung bakit niya pinagmumura ang mga guard sa gate kasi ang tagal na rin kasi n'un. basta't kibit-shoulder lang silang lahat DAHIL , maghihiwalay na pala sila ni bossing that time. 'aburida' as in ang first imprey ko sa kanya. nakasimangot lagi at kahit inaaliw siya ni direk, saglit siyang hahalakhak sa mga jokes at kagyat ring babalik sa kanyang madilim na sulok. kesyo juklang jorlorista ang role ko, kesyo bestfriend ko kuning ang lolah, dinededma niya ako. 'twali, nakakashokot tumabi sa kanya, parang any monument bugahan ka ng asopre!



habang tumatagal, naging close kami. charuz. close daw o. yeah, true. naging close kami as in nagtatawagan at narealize ko na isa siyang matino at may breeding na tao. pumapasyal nga ako sa iiwanan na nilang haus noon sa teacher's village at nabentahan ko siya ng ROYAL QUEEN na wok which up to now usage pa rin ng ate! o , laban ka?


tapos nag PP nga sa edsa. pebrero 'yon. eh ang showing namin ay marso. natuloy ang showing pero napurnada ang showbiz career ko... yon ang panahong ayoko nang isipin... yong lumayas si apo M at pumalit si cory... ayaw ko ng erang iyon. basta, masaya na rin akong nakilala ko si dina at hanggang ngayon ay wiz pa niya forget ang byuti ko. labs kita , geraldine!

No comments: