halos humilagpos sa aking seksing katawan ang ilan pang natitirang katinuan kahapon ng umaga sa nakababahalang bulletin na inilabas ng PAGASA. ayon raw sa kanilang weather monitoring churva, rektang matutumbok ang kabikolan at tutuloy ito pakanluran which of course makes my location exactly on its path! hinila kong pilit ang aking ulirat upang kapagdaka'y matanggap ang kapalarang maaring dumatal sa aking kinalalagyan. syempre, sariwa pa ang nakaririmarim na dinulot ni milenyo last year, ika-28 ng setyembre to be exact. una kong tinantiya ay lafang. syempre, fly agad sa south supermarket para mas lam-yur ang mga de-lata (na ganun rin pala ang presyo, syet) at mga kakailanganing baterya, kandila at kendi. sunod naman ay ang pag-iimbak ng dram-dram na tubig panligo at galon-galong pandrinkayola. syempre pa rin, halos itahi ko na sa aking teynga ang AM radio na ora-orada'y may advisory ukol sa kalagayan ng panahon.
pero higit sa lahat ay ipinagdasal ko na sana'y lumihis ang sungit ni 'mina' doon sa kung saan ay halos wala itong mapipinsala. buong taimtim kong inihinga sa kaibigang santo ang aking dalamhating mararamdaman sakaling dumaan sa aking realm ang jugyo! halos napaluha ako sa kasasambit ng "spare this beautiful land... spare us from all fears... spare us... oh Lord!". kaipala'y guminhawa naman ang aking pakiramdam at nagpasyang let's get it on, kung talagang kailangang magsungit ang panahon, hayaan na nga.
tapos, itong maldita kong lolah, biglang may pinakita sa aking satellite feed mula sa isang international weather monitoring system na tuwirang kakaiba sa kung ano meron ang PAGASA! aba, pahilaga ang direksyon nito at walang pagbabago mula nang ma-ispatan ito! medyo nakahinga uli ako, pero paano kung tama naman ang sa PAGASA? well, tuloy pa rin ang dasal ko hanggang malaman-laman ko kaninang umagang LUMIHIS nga raw si 'mina'. tulala ako. di makapaniwala. biro mo, buong maghapon akong na-tense dahil sa maling weather read ng ahensya? paki-explain naman FRISCO NILO, bakit ganun?

No comments:
Post a Comment