halos ayaw mo nang bilangin ang mga maulang araw at gabi. animo'y reflex na rin ang bigla mong paghalukipkip habang biglang bubuga ng halumigmig mula sa kung saan. ayaw mo na ring matulog mag-isa ; kailangan ng kayakap ang lamigin mong katawang lupa. kapag ganito ang panahon, tiyak na maghahanap ang iyong ngalangala ng pampakalma...
kaya para maiba sinubukan ang malaon ko nang nais matikman. ang CORNED BEEF SINIGANG...
2 lata ng purefoods chunky corned beef o isang mamahaling PALM CORNED BEEF
1 mahaba at matabang labanos
2 bungkos na kangkong , isama rin ang ilang 'stalks'
4 siling haba
panggisa chenes
paminta durog or otherwise, kevs
konting mantika
tantiyahang dami ng LASAP sinigang mix
paanix? may-i-gisa mo lang ang sibuyas, bawang at kamatis in that order. mas maganda kung bongga ang cookware mo, never aluminum. then pag medyo kulontoy na sila, throw in mo ang manipis at pabilog na hiniwang labanos at sili haba. sing ka muna ng 'kering-keri', taz put mo ang corned beef. cover mo muna, as in 'pagpawisin'. makaraan ang ilang glory be, put mo na ng katamtamang tubig/sabaw at join na ang kangkong. pakuluin habang nagbebending ng 50X, taz put mo na rin ang pampaasim. alalahaning maalat na corned beef kaya alalay lang sa pampalasa , if ever.
ihain na nakangiti. kung taksil pa rin ang palalafanging papaysung , titigang alternately ang 'cornedbeef' at siya. makukuha naman seguro niyang corned beef ang kahihinatnan niya kung di siya umayos. eching.
2 comments:
siguradong masarap ang corned beef sinigang.tumatawa ako habang binabasa ang procedure.. hehehe
natawa din ako dito ah
Post a Comment