26.4.09
PLEASANT VILLAGE (LOS BAñOS LAGUNA) ELECTS ENVIRONMENTAL TERRORISTs AS PRESIDENT & VICE PRESIDENT!
ITO ay isa sa mga kaganapang lubhang nakababahala. kahit na it ay isang pangyayari sa isang malayo at pangkaraniwang subdivision sa laguna. ang pleasant village ay minsang naging isang katangi-tanging lugar kung saan maraming mga edukadong tao ang naninirahan. mga propesor sa karatig na UPLB, mga technocrats sa IRRI at iba pa. nitong nakaraan eleksyon ng mga board members, inihalal nila sa dalawang pinakamataas na katungkulan ang dalawang maituturing na ENVIRONMENTAL TERRORISTS.
BAKIT naman? una, yaong VICE PRESIDENT ay naglagay ng manukan sa mismong bahay niya. okey lang yon kung mangilan-ngilan , ngunit, noong tumagal ay mistulang poultry na at nagpyesta ang mga bangaw sa gitna ng amoy nito. ito ay nangyari noong mga 1998, at kung hindi ko pinursiging tanggalin ito malamang may babuyan na rin siya. ang nakakatawa pa, nang inireklamo ko ito sa samahan, parang naramdaman ko na nais nilang konsintihin ko na lang? HELLO? EH kaso dinukomentaryo ko ito at naihinga na sa isang dating kasamahan sa brodkast sa isang network kung kaya nang sabihin ko na kung hindi nila tigilan ang kabalbalan iyon, tiyak sisikat sila ON NATIONAL TV. tinanggal naman, pero ang KAHUNGHANGAN ay nakatatak na.
ito namang PRESIDENT. ewan kung saan nagmana ng pagkaMORET. noong 2005, aba, biglang nagtayo ng TALYER sa harap ng kanyang bahay. noong una, akala ko'y simpleng pagkumpuni lamang. pero 'wag ka, maya-maya'y may tolda na at ilang sasakyan na ang nakapila. syempre, akala ko matinong matandang dalaga ang damuho eh di hinayaan ko na muna. aba naman, heto na po at nagpipintura na sila, syempre amoy kemikal na ang paligid! at di naglaon may mga TRAK nang nakaparada para pansinin! tinawagan ko sila at sinabing parang dapat nilang tanggalin ang ganung kalakaran pero di nila ako pinansin. mistula nang talyer ang kalyeng dinadaanan ko! tineks ko ang LUKRING na presidente ng panahong iyon pero kinompronta pa ako ng makapal na mukha niya na para bang OK lang ang ganun! sa inis ko, binato ko sila ng mga bote, sa isip ko, ABA KUNG BABUYAN LANG NG KAPALIGIRAN , SALI NA RIN AKO DIYAN. tinawag nila ang barangay captain na wala namang nagawa kundi sang-ayunan ako sa aking reklamo. aba , makapal din ang mukha ng matandang dalaga (na kung UMASTA ay parang lalakeng baduy) at kinompronta pa ako! THE NERVE. may death threats pa ang GAGA! ewan ko kung alam niyang naidokumentaryo ko rin ang kanyang KAISTUPIDAHAN at puede kong iYOUTUBE anytime na asarin ako muli para makita ng buong mundo ang kanyang malabakulaw na hitsura habang bumubula ang bibig at ipinangangatuwiran ang KABALAHURAAN SA KAPALIGIRAN!
sa lahat ng ayaw ko, MGA TAONG BINABALAHURA ANG KAPALIGIRAN... dapat SINASARILI ANG KABABUYAN... kung anumang KAWALANGHIYAANG gawain, sana gawin ito sa LOOB NG SARILING BAHAY at dapat hindi NAGKAKALAT NG MASANSANG NA AMOY! pweh!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
naging president at vicepresident yang mga yan? kawawa naman yang village na yan... magkano naman monthly dues nyo? pwede nyo yang patalsikin. ang kakapal ng mukha!
Buti may nagmamalasakit sa lugar na 'yan.
Sana magawi ka naman dito sa Villa de Calamba para makita mo ang kapangitan ng lugar.
- Maruming kalsada: basura at dumi ng aso nagkalat. Yung mga me ari ng aso, ayaw nila sa dumi ng aso nila kaya pinadudumi sa tapat ng ibang bahay (mga ireponsable!)
- Madilim sa gabi, aba eh tinitipid ng Home Owners Assoc. ang paglalagay ng bombilya sa mga poste
- Maiingay na tricycle: di ba pinagbawal ng batas ang mga stereo na maingay sa mga public vehicles? Pero bale wala yun sa Admin dito.
Tanong ng mga residente dito, ano ang ginagawa ng Admin? saan napupunta ang kinokolekta nila sa monthly fee?
from: a simple factory worker
Post a Comment