15.10.08
gikumot-kumot, ang lyrics...
bigla na lang sumikat ang novelty song ng bandang 'kantin' ng cebu nang araw-araw na pagtripan nina ted failon at korina sanchez ang kanilang awiting 'gikumot-kumot'; medyo may double meaning ang dating kung nakakaintindi kayo ng sebuwano pero maaliw ka rin kahit papaano. kung hindi pa ninyo naririnig ito, mag-tune in sa 'tambalang failon at sanchez', sa dzMM, lunes hanggang biyernes, 8.30-10 n. u.
Gikumot Kumot
Gipanumpa ko na, nga kitang duha
Magtiunay sa ato nga gugma
Abi mo kita, magkadayon na,
Kay sa gugma mo, nanumpa ka...
Kalit gibyaan, ikaw na naghilak
Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.
Chorus:
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.

Kay Gikumot-kumot, gikumot-kumot
Gikumot-kumot, gikumot-kumot
Gikumot-kumot...
Kalit gibyaan, ikaw na naghilak
Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.
Chorus:
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay Gikumot-kumot... !
13.10.08
isang malayong nakaraan
kay tagal ko ring hinanap ang larawang ito. isang tanawing magpapaalala sa akin na mayroon akong isang malayong nakaraan na di ko nais mabura sa aking isipan. ito ang musuan peak na matatagpuan sa valencia , bukidnon (bagama't inari ito ng karatig na bayang maramag noong dekada 50, sana hindi ako nagkakamali). sa sitio ng musuan matatagpuan ang central mindanao university kung saan matagal-tagal ring nagturo ang aking namayapa nang ama. doon ako ipinanganak. doon ako nagkaisip at nagkamalisya. ang katuturan ng aking kabuoan ay doon hinubog habang ang aking mga alaala ay unti-unti nang lumalabo at kumakalas. marami akong nais ikuwento tungkol sa musuan ngunit sapat nang makaraan ang halos 35 na taon ay muli akong nakipagugnayan sa aking mga kababatang sina cynthia, gani, rudy, nestor, maria elena, marlyn, visminda, ted, ramon, aida... sana madagdagan pa sa mga darating na araw!
11.10.08
ang tipo kong balita!
Pinatay na buntis nagmulto!
Ni Joy Cantos
Sunday, October 12, 2008
Sinakmal ng matinding sindak ang burol ng isang pinaslang na buntis na misis makaraang sumapi umano ang kaluluwa nito sa kanyang 17-anyos na pinsang lalaki at ituro ang kanyang sariling Mister na siya umanong pumatay sa kanya sa Bauang, La Union.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa gitna ng lamayan sa bahay ng biktima sa Barangay Pottot dakong alas-8 ng gabi.
Kasalukuyang pinaglalamayan ng kaniyang pamilya at mga kamag-anak ang nasawing ginang na si Jenalyn Garcia, 23-anyos nang biglang saniban umano nito ang binatang pinsan na hindi na pinangalanan.
Sa gitna ng pagsapi ay isinalaysay ng “kaluluwa” kung paano umano siya pinahirapan ng kanyang mister na nakilalang si Rolando Garcia.
Ayon sa “kaluluwa” ng biktima, minartilyo ng kanyang mister ang kanyang kamay at tinadyakan pa nito ang kanyang ipinagbubuntis hanggang sa tuluyan siyang mapatay na nangyari mismo sa kanilang tahanan kamakailan.
Humingi rin ng tulong sa mga awtoridad ang “kaluluwa” na bigyan ng katarungan ang kanyang brutal na pagkamatay.
Ayon naman kay Barangay Capt. Quirino Balagot, una nang humingi ng tulong sa kanya ang suspect na dalhin sa pagamutan ang kanyang asawa dahil uminom umano ng lason ang huli.
Gayunman, nabuo ang pagdududa ng tiyahin ng biktima na si Merly Rimas dahil sa kakaibang ikinikilos ng suspect na tutol na magkaanak sila kaagad ni Jenalyn kung saan ng masawi ito ay kaagad na isinailalim sa awtopsya.
Sa naturang awtopsya, lumilitaw na karu mal-dumal ang pagkamatay ng biktima dahil nabali ang leeg at kamay nito, nagkaroon ng contusion sa ulo at inilubog sa tubig dahilan upang magkaroon ito ng tubig sa baga.
Bitbit ang resulta ng awtopsya ay dadamputin na sana ng mga awtoridad ang suspect subalit tumakas ito tangay umano ang abuloy na nagkakahalaga ng P5,000.
Naglunsad na ng malawakang manhunt operations ang mga awtoridad laban sa naturang Mister.

Subscribe to:
Posts (Atom)