2.3.09

marupok , mapusok , pokpok!

hindi ko na matandaan kung sino ang pinatungkulan ng tatlong magkatunog na salitang nagtatapos sa -ok, hindi okey ha kundi palasak na -ok. parang ang pinapahagingan ay isang aktor na diumano'y walang kasawa-sawa sa seks samantalang ipinagkakalat ng mga nakakangkangan niya na hindi naman kalakihan ang kanyang kuya. ang kuya niyang walang mata, walang ilong nasa tuktok ang bibig, ulo lang talaga. pero kapag sinambit... marupok... mapusok... pokpok... puede ring ihambing sa tatlong henerasyon ng di matighaw na kati.



kilalang-kilala sila sa aming lugar. matanda na ang lola, malamang lampas 70 na nguni't masigasig pa rin sa paghahanap ng makakasiping. buhay pa naman ang asawa niya pero mukhang hindi na sakop ng pagiging ulyanin ang pakipagtalik. ang anak naman ay makati pa sa aso, malingat lang ang kung sino, malamang may tangan na itong buto. hiwalay na sa asawa niya dahil garapalan kung dumiskarte ang bruha. kesehodang weyter o boy nila sa kanilang nabangkaroteng restoran hindi niya sinanto. tama na sanang matsismis ang mag-ina, pero nang mabalitaan naming pati na ang disiseis anyos na apo ay nakikipaglaplapan na rin sa kung sinu-sino, kung saan-saan; naalarma kami hindi dahil sa kahihinatnan nito pagdating ng panahon kundi sa katotohanang may pamilya na nga ng pokpok sa aming munting mundo.

ang sabi ng ilang kaibigan ng anak, sadya rawng namamana ang pagiging nymphomaniac, lalo na kung hayagang nakikita ng mga kapamilya ang kaaliwaswasan. sadya rawng nagiging normal na lang ang pagpaparaos sa kung sinong lalaking nasa paligid. malalim na katiwalian ito ng may katawan at nararapat siyang magpatingin sa isang psychiatrist kung nais niyang maibsan o mabigyan lunas ang ganitong gawi.

pero kung hindi rin lang naman nakakaabala sa kapwa at walang nadedehado; bakit pa natin pakialaman, diba? sapat nang alam natin kung kailan tayo mabubulag o mabibingi sa tuwing sinusumpong sila ng kati.

17.2.09

moon mamOn! moon mamOn!

tuwing kabilugan syempre ng buwan

hayun siya't di magkamayaw at parang sinisilaban

wala namang pumapansin pilit siyang nananalamin

at kahit paano ay may mag-aksayang maninimdim!



moon mamOn!

moon mamOn!



adik siya sa liwanag ng buwan

sabik sa puting silaw nito

walang init, walang laman

kaya naman ang tawag sa kanya

ay

moon mamOn!

moon mamOn!



walang lasa. walang tagik.

walang pag-asa, laging sabik.



moon mamOn!

12.2.09

isipin mong meron! meron! meron!

napapangiti ako sa sandwich spread ad sa tv, kahit walang palaman raw, isipin mong meron. maganda ang mensahe. nagbibigay ito ng malalim na pahatid sa mga kabataan. kahit na wala, isipin mong meron .

pag-gising mo sa umaga, wala palang tubig panghilamos at pangmumog ; isipin mong meron.

pagkumalam ang sikmura, at walang itong laman ; isipin mong meron.

pagdukot sa bulsa, butas na't walang barya ; isipin mong meron.

pagdampot sa selpon, magtetext ka sana, kaso wala nang load ; isipin mong meron.

pagdating ng valentines, maghapon kang mag-antay , wala man lang bumati sa'yo ; isipin mong meron!



ganyan ang takbo ng isip ng mga taong positibo... kahit wala, meron.

kaya lang mas maganda nga naman kung meron talaga!

meron kang talino, sipag at lakas ng loob na sikaping mawala ang wala at laging MERON!



pero sa ganang akin, kahit walang-wala ako, basta 'andyan SIYA, meron pa rin akong ngiti!



akala mo lang wala. pero meron, meron, meron (plak!)

10.2.09

YupYupTiPaPingPaPing

minsan kapag dinadalaw ka ng pagbagot at napagbabalingan ang sarili, huwag kang magugulat kung sa iyong pag-aninaw ay nasusuklam ka sa iyong kahunghangan. sadyang ganyan ang mga timawang buraot na sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay ipinaglihi sa bulok na tulya, tahong at halaan. kahit na nga labis nang umaalingasaw ay pikit-mata at kapal-mukhang sisinuhin ang anong inaano ano sa anumang katarantaduhan. pilit mang ibangon ang katiwaliang kinasasadlakan ay lantaran pa ring maaninag ang sakbibing kakulangan sa tamang pag-iisip ukol sa mga bagay-bagay na sadyang ipinamana ng isang lahing utal sa lirikong katuturan na pinagtatangkang hagilapin. harinawang sa hatinggabi ng iyong kamanhiran ay maibubulalas ang mga katagang:

YUPYUPTIPAPING

YUPYUPTIPAPING

YUPYUPTIPAPING

YUPYUPTIPAPING

YUPYUPTIPAPING*





... ulit-ulitin lang hanggang malagas ang iyong mga bulbol

at muling sumibol sa kung saan-saang bahagi

ng iyong karumaldumal na

kagagahan...





*mula sa isang 'shake,rattle&roll' series.

9.2.09

ayoko na. ayoko nang magmahal.

ayoko na . ayoko nang magmahal.



ngatal kong nasambit sa hangin habang humahangos papalayo sa'yo. pilit kong kinandado ang lagusan ng aking mga luha nguni't lalo itong nagpumiglas na dumanak sa nag-aapoy kong mga pisngi. hindi ko akalaing mararating natin ang ganitong pagkakataon kung saa'y kimi kong tatawirin ang unti-unting nasusunog na tulay na nag-uugnay sa atin. malalim na ang gabi subalit nagliliwanag ang kalangitan sa mga eksenang nagdaan; mga tikom na halakhak at impit na paghibik habang sa alaala'y sinusungkit natin ang lunggati.



ayoko na. ayoko nang magmahal.




bakit may kung anong sumisitsit sa damdaming pakawalan na kita. tuluyang isaboy sa kawalan ang pag-ibig na nadarama... sindihang parang kwitis at itudla sa buwan habang binubura ng iyong mga kasinungalingan ang nilatak ng kataksilang dapat ay ipinagkibitbalikat ko na lamang. bakit? bakit ako nagtatanong at bakit ayaw ko namang marinig ang anumang sagot? bakit?



ayoko na. ayoko nang magmahal.



kung hindi kahapon ano't ngayon pa? haya't tuloy pa rin ang aking pag-uusisa... ayoko na nga ba ... ngayon o kailan man? o ayoko na nga bang umibig sa iyo? nguni't sadyang marupok ang puso kong hinubog ng iyong halik... bingi at manhid ang damdaming inaaruga ng iyong mga haplos at mariing mga yakap magdamag... ayoko na nga bang talaga?



ayoko. ayokong tigilan ka!

11.1.09

bading nanggigil, nangagat!

Nasugatan ang ari ng isang mister matapos kagatin ng baklang kapitbahay na nanggigil nang magisnan ng biktima na nilalaro ang kanyang pagkalalaki sa loob ng kanilang bahay sa Minglanilla, Cebu kamakalawa ng gabi.
Sa ulat, idinulog umano ni Jose Bobby Labador, 27, sa pulisya ang gina­wang kahalayan sa kanya ni Erika Hakain, 27-anyos at may-asawa, para mabigyan ng leksyon ang huli.
Kasalukuyang nakapiit si Hakain sa Minglanilla Police Station dahil sa kasong acts of lasciviousness na posible umanong tumaas sa kasong rape.
Nagpapagamot naman si Labador sa Minglanilla District Hospital dahil sa tinamong sugat sa ari.
Sa salaysay ng biktima sa pulisya, mahimbing umano siyang natutulog sa kuwarto nilang mag-asawa nang magising na lamang siya na subu-subo ni Hakain ang kanyang ari.
Sa una, inakala umano ni Labador na ang kanyang misis ang gumagawa pero nagulantang na lamang siya nang ibukas ang kanyang mga mata at nakita ang kapitbahay na bakla ang lumalaro sa kanyang ari.
Sa galit ni Labador, inipit nito ng kanyang dalawang hita ang ulo ni Hakain. Gumanti naman si Hakain at kinagat ang ari ni Labador.
Sa tindi ng pagkaka­baon ng ngipin ng bakla ay dumugo ang ari ni Labador saka kumaripas ng takbo palabas sa kuwarto.
Ngunit iba naman ang bersyon ni Hakain sa pangyayari. Kagustuhan din umano ng nagrereklamong si Labador ang kanyang ginawa at hindi totoong pinasok at pinagsamantalahan niya ito.
Nanggigil lamang umano siya sa ari ni Labador kaya kinagat niya ito.
jb salarzon/abante tonite

9.1.09

humba lumba !

bagong taon na naman! ang daming pamahiing lumulutang sa mga usap-usapan. sobrang kilig naman ang iba at ayon raw sa kanilang kapalarang nakatatak sa mga bituin at hayop ay bongga raw, habang ang iba naman ay kimi at ayaw na lang pag-usapan for obvious reasons. sana naman maging masaya lang , okey na for me... kaya heto ang isang ulam na tiyak na magpapabata sa sino mang makakatikim dahil sa sarap nito! try nyo rin!

humba

sangkap:
1 pirasong pata, syempre tsinaptsap na
1/2 tasang suka
2 tasang tubig
1 kutsarang ginadgad na bawang
2 kutsarang pulang asukal
10 pirasong paminta, buo muna, tapos dinurog bago ilahok
1/4 tasang toyo
1 pirasong dahong laurel
2 kutsarang tausi
bulaklak ng saging

paano? ilagak sa kaldero ang lahat ng sangkap. pakuluan hanggang lumambot ang pata. ayusin sa lasa sa pamamagitan ng pagdagdag ng asin. puede ring depende sayo kung type mong maglagay o hindi ng bulaklak ng saging.

simple lang ang paraan ng pag-kuk nito at kung gamay mo na ang paraan may mga sariling diskarte ka nang maiisip para lalong ikasarap nito.