12.2.09

isipin mong meron! meron! meron!

napapangiti ako sa sandwich spread ad sa tv, kahit walang palaman raw, isipin mong meron. maganda ang mensahe. nagbibigay ito ng malalim na pahatid sa mga kabataan. kahit na wala, isipin mong meron .

pag-gising mo sa umaga, wala palang tubig panghilamos at pangmumog ; isipin mong meron.

pagkumalam ang sikmura, at walang itong laman ; isipin mong meron.

pagdukot sa bulsa, butas na't walang barya ; isipin mong meron.

pagdampot sa selpon, magtetext ka sana, kaso wala nang load ; isipin mong meron.

pagdating ng valentines, maghapon kang mag-antay , wala man lang bumati sa'yo ; isipin mong meron!



ganyan ang takbo ng isip ng mga taong positibo... kahit wala, meron.

kaya lang mas maganda nga naman kung meron talaga!

meron kang talino, sipag at lakas ng loob na sikaping mawala ang wala at laging MERON!



pero sa ganang akin, kahit walang-wala ako, basta 'andyan SIYA, meron pa rin akong ngiti!



akala mo lang wala. pero meron, meron, meron (plak!)

2 comments:

cant_u_read said...

nakakangiti naman ang post na to. :-) i'll catch up on your blog soon.

cant_u_read said...

ayoko sa bagong blog mo. di ako makapag-comment dahil wala akong wordpress account. :-(