9.1.09

humba lumba !

bagong taon na naman! ang daming pamahiing lumulutang sa mga usap-usapan. sobrang kilig naman ang iba at ayon raw sa kanilang kapalarang nakatatak sa mga bituin at hayop ay bongga raw, habang ang iba naman ay kimi at ayaw na lang pag-usapan for obvious reasons. sana naman maging masaya lang , okey na for me... kaya heto ang isang ulam na tiyak na magpapabata sa sino mang makakatikim dahil sa sarap nito! try nyo rin!

humba

sangkap:
1 pirasong pata, syempre tsinaptsap na
1/2 tasang suka
2 tasang tubig
1 kutsarang ginadgad na bawang
2 kutsarang pulang asukal
10 pirasong paminta, buo muna, tapos dinurog bago ilahok
1/4 tasang toyo
1 pirasong dahong laurel
2 kutsarang tausi
bulaklak ng saging

paano? ilagak sa kaldero ang lahat ng sangkap. pakuluan hanggang lumambot ang pata. ayusin sa lasa sa pamamagitan ng pagdagdag ng asin. puede ring depende sayo kung type mong maglagay o hindi ng bulaklak ng saging.

simple lang ang paraan ng pag-kuk nito at kung gamay mo na ang paraan may mga sariling diskarte ka nang maiisip para lalong ikasarap nito.

No comments: