7.1.09

'alabang boys' ... 'alamang boys' na ngayon!


OA. 'yan ang tangi kong nasambit sa sarili habang pumainlanlang muli ang congressional hearing kung saan tampok ang usaping 'suhulan' sa diumano'y kasong kinasasangkutan ng tatlong tamoryok na tiga-ayala alabang na binansagang 'alabang boys'. sa totoo lang, mas masalimuot pa sa mga iskinita ng kung saang iskwateran ang itinatakbo ng isyung ito. marami na ang nadadamay at imbes na pagtuunan ang mismong tinutumbok na kasong droga ; napupunasan na rin ang maruming dingding nito ng suhulan at panlilinlang. nagsimula ang lahat nang umalma ang PDEA sa biglang pagbasura ng kaso sa piskalya ; ipinagdiinang totoo at malinaw sa mga ebidensyang kanilang nakuha mula kina brodett, joseph at tecson. mistula silang ambulant vendors sa dami ng bitbit nilang paninda. idagdag pa ang pagkukusang loob ng kanilang defense attorney na magdraft ng release order para sa justice department! ayan pa at nag-anyong lumpia ang kamag-anak ng mga brodett at sumawsaw habang bumubula ang bibig laban sa isinasakdal nilang kadugo. heto't pumapel pa si johnny 'toning' midnight joseph at parang nagpapatawa na 'social user' lang daw ang anak niya ; hindi nya ata alam na ang 'social user' ay ang tawag sa mga shalahang adik. puntos klaros, natapos ang maghapon na walang kapaliwanagang naganap upang kahit papaano'y mabigyan ng laya ang sanlaksang katangahan ng tinawag na committee hearing. tinusta pa mandin ang mga PDEA officers na naghihimutok na malamang mauwi sa wala ang operasyong kanilang isinagawa laban sa mga pusakal na tulak sa bansa. dapat kayang isama na rin si dating pangulong cory aquino sa usapin? bakit hindi, noong kanyang rehimen, hinayaan niyang dumanak ang droga... isang kawalang malasakit sa pamamahala at maari na rin siyang tawaging the 'accidental drug duchess' of the philippines! huh? mukhang inaalat na ang alabang boys, puede na silang tawaging 'alamang boys! huh, uli?

2 comments:

EngrMoks said...

Gandang araw... saw your blogsite... nice! Ok lang ba lagi ako magcomment syo.. being a follower mo.. sana kaw din..check my blogsite engrcalalang.blogspot.com
thanks!!!

paul h roquia said...

hi sherwin ... tnx for dropping by... oo naman , you most welcome! pagnaibalik ko na yong links widget ko ijojoin kita. regards and always have a great day!