sinadya kong madulas sa aking kinatatayuan nang dumapo sa teynga ang balitang pinalutang ni dating pangulong cory aquino na siya ay nag-sori kay erap dahil sa kanyang pagsali sa edsa 2 kontra sa huli. hindi malirip ng aking isipan kung saang dako ng kanyang katangahan dinampot ang ganoong deklarasyon. manapa'y kinilabutan ang buo kong katawan sa katotohanang hindi siya kay erap dapat nagpaumanhin kundi sa bansang Pilipinas. oo, dapat siyang mag-sorry dahil sa kanyang pagpapagamit sa mga anti-marcos forces noong 1986. ang kanyang pagtakbo laban sa diktaturya ay mistulang kahunghangan dahil minanipula ng kaliwa ang hatid niyang galit dahil sa diumano'y pagpapaslang sa kanyang asawang si ninoy. dapat siyang mag-sorry ng bonggang-bongga dahil habang siya ay nasa poder ay dumanak ang droga at maraming naging tiwali sa kanilang puwesto. mag-sorry din siya sa kanyang pamilya dahil kahit anim na taon siyang nanungkulan ay hindi natukoy kung sino talaga ang utak ng aquino-galman murder.
kaya, pag nakasalubong ko siya uli, itatanong ko sa kanya ang isang malutong na 'cory, buhket?'
No comments:
Post a Comment