20.11.08

text scam

a few years back, nauso ng bonggang-bongga ang text scam. bigla ka na lang nakatatanggap ng message sa selpown mo congratulating you na winner ka raw ng malaking halaga. kung medyo aanga-anga ka at born yesterday, syempre kakagat ka at ang siste ay tatawag ka at gagawin mo lahat ang iuutos sa'yo nung nasa kabilang linya. una, pabibilhin ka ng load cards at ifoforward mo ang combinations ; at di birong dami ang hihingin sa iyo,huh? at dahil super naive na ang dating mo sa kanila, saka ka nila paiikutin hanggang sa kinakailangan mong magpadala ng pera. marami rin ang naging biktima ng sindikatong ito dahil marami ring gullible sa mundo. malawakang pinahatid ng mga awtoridad ang babala laban sa modus na ito upang mabawasan ang mga prospective victims.

pero lately lang, marami ang dumudulog sa mga public service programs sa radio na may ganitong mga hinaing. isang tiga-sariaya, quezon ang nadugasan ng halos sitenta mil! ayon sa kanya, para raw siyang nabatubalani sa boses ng kausap niya sa telepono at nang utusan siya nitong kailangang magpadala ng pera upang maiproseso ang pag-release ng kanyang napanalunang 499,000.oo ay agaran niyang ibinenta ang kanilang kalabaw at isinanla ang sinasakang bukid para matubos agad ang sinasabing halaga! 'yong isa naman, halos 300,000.oo naman at isang honda jazz raw ang kanyang matatanggap kaya lang nasa cebu ang kotse at kailangan ng halos 45,000.oo para mai-freight ito! naku, dalawa lang yan sa mga superTANGANG nabiktima na umaasang mabawi ang pinakawalang pinaghirapang pera na napunta sa mga taong halang ang bituka at namumuhay sa laman ng iba!

hanggang ngayon wala pa ring nahuhuling mga salarin. sana bukas.

17.11.08

as in?

kilalang babaero ang napangasawa ni sonya. bago pa man niya nagpagpasiyahang tanggapin ang alok ng kasal ay piho nang mistulang 'magnet' si tani sa mga kababaihan. pagkaraan ng ilang buwan ay pabiro kong tinanong si misis kung naka-ilang babae na si mister mula noong nagsama sila.
'meron na ring ilan', walang pasubaling sagot niya
'chika lang sa'yo?', sundot ko
'oo naman,hindi na isyu 'yon as far as i'm concerned'
'owwws?'
'anong owwws?'
'owwws na wala kang pagseselos man lang?'
'ewan ko lang, pero kung tanggap mo kasi ang mahal mo, kahit ano pa siya, isasa-owws mo na ang lahat!'
'pa'nu?'
'dapat kasi sa panahon ngayon, hindi mo i-aasa kanino man ang emotional needs mo...'
'ganun?'
'yey, ganun nga. dapat hindi ka nakasandal sa anumang bagay, tao o pilosopiya'
'huh?'
'hindi pag-aari ang asawa, kung ano ang gusto niyang gawin at sa paniniwala niya ay tama para sa kanya, go!'
'paano kung mapasarap at magkaleche-leche buhay ninyo?'
'may tamang venue para diyan, dapat kasi hayaan mong magkaroon lagi ng space ang isa't isa... if the love is strong, then it is, if otherwise, then there is always a solution, and being emotional shouldn't be one of them'
'taray!'
'hindi katarayan 'yon, nagpapaka-totoo ka lang dapat always. iwasan ang malugmok sa takbo ng mga mumurahing teleseryeng laganap ngayon'
'ay super tarash!'
'kung buo kasi ang paniniwala mo sa iyong sarili, mag-tatranscend yan sa buong scenario ng life mo!'

nosebleed. nakalimutan ko na psychiatrist pala ang bestfriend ko!

5.11.08

ano pangalan mo kung japanese ka?

Nakaaaliw ang pampalipas oras na ito; itugma lang sa mga letra ng iyong pangalan ang katumbas nito sa nippongo ...

A - ka
B - tu
C - mi
D - te
E - ku
F - lu
G - ji
H - ri
I - ki
J - zu
K - me
L - ta
M - rin
N - to
O - mo
P - no
Q - ke
R - shi
S - ari
T - chi
U - do
V - ru
W - mei
X - na
Y - fu
Z - zi

tulay sa hangin

sandaling nabulabog ang aking pamamahinga nang bigla ko na lang naalimpungatang undas na naman pala. sa hindi maurirat na kadahilanan, hinayaan ko ang aking kamalayang dumayo sa ilang bahagi ng aking buhay sa maynila. malamang ito na nga ang tinatawag nilang mid-life crisis. ito 'yong kalimitan ay kinahintakutan ng maraming dumating sa itinakdang panahong ito. ano pa nga ba at napayakap ako sa aking sarili nang malirip ang katotohanang di ko pansing naroon na ako sa kalagitnaan nito! marahil , kung nagkataong nasa gitna ako ng isang pinagkakaabalahan ay tuwiran ko agad itong matukoy sa pamamagitan ng mararamdamang stress lalo na sa aking iniwang trabaho na punumpuno ng intriga at makukulay na mga kasabay. mabuti na lang at bago pa man ito lumaganap sa aking pagkatao ay naihanda ko ang lahat, bagama't hindi ko tuwirang inalam kung papaano. sa dinadaanan ko ngayong karanasan , napagtatanto ng mga sitwasyon ay nararapat itampok sa aking isipan. malimit na aking 'naglahong kabataan' at 'masigabong karera' sa mundo ng media ang idinadamay. ito ay dahil sa mga matitingkad na alaalang pumapalamuti sa kung ano na nga ako ngayon.

15.10.08

gikumot-kumot, ang lyrics...


bigla na lang sumikat ang novelty song ng bandang 'kantin' ng cebu nang araw-araw na pagtripan nina ted failon at korina sanchez ang kanilang awiting 'gikumot-kumot'; medyo may double meaning ang dating kung nakakaintindi kayo ng sebuwano pero maaliw ka rin kahit papaano. kung hindi pa ninyo naririnig ito, mag-tune in sa 'tambalang failon at sanchez', sa dzMM, lunes hanggang biyernes, 8.30-10 n. u.


Gikumot Kumot

Gipanumpa ko na, nga kitang duha
Magtiunay sa ato nga gugma
Abi mo kita, magkadayon na,
Kay sa gugma mo, nanumpa ka...
Kalit gibyaan, ikaw na naghilak
Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.
Chorus:
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Gipanumpa ko na, nga kitang duha
Magtiunay sa ato nga gugma
Abi mo kita, magkadayon na,
Kay sa gugma mo, nanumpa ka...
Kalit gibyaan, ikaw na naghilak
Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.
Chorus:
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.

Kay Gikumot-kumot, gikumot-kumot
Gikumot-kumot, gikumot-kumot
Gikumot-kumot...
Kalit gibyaan, ikaw na naghilak
Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.
Chorus:
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay Gikumot-kumot... !

13.10.08

isang malayong nakaraan



kay tagal ko ring hinanap ang larawang ito. isang tanawing magpapaalala sa akin na mayroon akong isang malayong nakaraan na di ko nais mabura sa aking isipan. ito ang musuan peak na matatagpuan sa valencia , bukidnon (bagama't inari ito ng karatig na bayang maramag noong dekada 50, sana hindi ako nagkakamali). sa sitio ng musuan matatagpuan ang central mindanao university kung saan matagal-tagal ring nagturo ang aking namayapa nang ama. doon ako ipinanganak. doon ako nagkaisip at nagkamalisya. ang katuturan ng aking kabuoan ay doon hinubog habang ang aking mga alaala ay unti-unti nang lumalabo at kumakalas. marami akong nais ikuwento tungkol sa musuan ngunit sapat nang makaraan ang halos 35 na taon ay muli akong nakipagugnayan sa aking mga kababatang sina cynthia, gani, rudy, nestor, maria elena, marlyn, visminda, ted, ramon, aida... sana madagdagan pa sa mga darating na araw!

11.10.08

ang tipo kong balita!

Pinatay na buntis nagmulto!
Ni Joy Cantos
Sunday, October 12, 2008

Sinakmal ng matin­ding sindak ang burol ng isang pinaslang na buntis na misis makaraang su­mapi umano ang kalulu­wa nito sa kanyang 17-anyos na pinsang lalaki at ituro ang kanyang sari­ling Mister na siya uma­nong puma­tay sa kanya sa Bauang, La Union.

Batay sa ulat na naka­rating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insi­dente sa gitna ng lama­yan sa bahay ng biktima sa Barangay Pottot da­kong alas-8 ng gabi.

Kasalukuyang pinag­la­­la­mayan ng kaniyang pamilya at mga kamag-anak ang nasawing gi­nang na si Jenalyn Gar­cia, 23-an­yos nang big­lang sani­ban umano nito ang binatang pinsan na hindi na pina­nga­lanan.

Sa gitna ng pagsapi ay isinalaysay ng “kalu­luwa” kung paano umano siya pinahirapan ng kan­yang mister na nakilalang si Rolando Garcia.

Ayon sa “kaluluwa” ng biktima, minartilyo ng kan­­yang mister ang kan­yang kamay at tinadya­kan pa nito ang kanyang ipinag­bubuntis hanggang sa tuluyan siyang mapa­tay na nangyari mismo sa kani­lang tahanan kama­kailan.

Humingi rin ng tulong sa mga awtoridad ang “kaluluwa” na bigyan ng katarungan ang kanyang brutal na pagkamatay.

Ayon naman kay Ba­rangay Capt. Quirino Ba­lagot, una nang humingi ng tulong sa kanya ang suspect na dalhin sa pa­ga­mu­tan ang kanyang asa­wa dahil uminom uma­no ng lason ang huli.

Gayunman, nabuo ang pagdududa ng tiyahin ng biktima na si Merly Rimas dahil sa kaka­ibang ikiniki­los ng suspect na tutol na magkaanak sila kaagad ni Jenalyn kung saan ng masawi ito ay kaagad na isinailalim sa awtopsya.

Sa naturang awtop­sya, lumilitaw na karu­ mal-du­mal ang pagka­matay ng biktima dahil nabali ang leeg at ka­may nito, nagka­roon ng contusion sa ulo at inilubog sa tubig dahilan upang magka­roon ito ng tubig sa baga.

Bitbit ang resulta ng aw­topsya ay dadamputin na sana ng mga awtori­dad ang suspect subalit tuma­kas ito tangay uma­no ang abuloy na nagka­kahalaga ng P5,000.

Naglunsad na ng ma­la­wakang manhunt operations ang mga awtoridad laban sa naturang Mister.