kilalang babaero ang napangasawa ni sonya. bago pa man niya nagpagpasiyahang tanggapin ang alok ng kasal ay piho nang mistulang 'magnet' si tani sa mga kababaihan. pagkaraan ng ilang buwan ay pabiro kong tinanong si misis kung naka-ilang babae na si mister mula noong nagsama sila.
'meron na ring ilan', walang pasubaling sagot niya
'chika lang sa'yo?', sundot ko
'oo naman,hindi na isyu 'yon as far as i'm concerned'
'owwws?'
'anong owwws?'
'owwws na wala kang pagseselos man lang?'
'ewan ko lang, pero kung tanggap mo kasi ang mahal mo, kahit ano pa siya, isasa-owws mo na ang lahat!'
'pa'nu?'
'dapat kasi sa panahon ngayon, hindi mo i-aasa kanino man ang emotional needs mo...'
'ganun?'
'yey, ganun nga. dapat hindi ka nakasandal sa anumang bagay, tao o pilosopiya'
'huh?'
'hindi pag-aari ang asawa, kung ano ang gusto niyang gawin at sa paniniwala niya ay tama para sa kanya, go!'
'paano kung mapasarap at magkaleche-leche buhay ninyo?'
'may tamang venue para diyan, dapat kasi hayaan mong magkaroon lagi ng space ang isa't isa... if the love is strong, then it is, if otherwise, then there is always a solution, and being emotional shouldn't be one of them'
'taray!'
'hindi katarayan 'yon, nagpapaka-totoo ka lang dapat always. iwasan ang malugmok sa takbo ng mga mumurahing teleseryeng laganap ngayon'
'ay super tarash!'
'kung buo kasi ang paniniwala mo sa iyong sarili, mag-tatranscend yan sa buong scenario ng life mo!'
nosebleed. nakalimutan ko na psychiatrist pala ang bestfriend ko!
1 comment:
Ganon lang? Di ako naniniwala sa kaibigan mo. Relationships are build on trust and equality. Sooner or later she will realize it. O baka naman siya ay ganoon din? Sana di na lang nagpakasal. Mag-emjoy na lang sila sa paniniwala nial. After all, to each his or her own pala. Such set-up for my opinion will not last.
Post a Comment