10.1.08

huling landi ni lola : god bless you , you make me feel brandnew!

oist, bakit ganun? kung kailan nangako kang never kang kakanta ng 'to love again', biglang may kung anong kiliti ang sisibol sa puso mo? lalo na't kung ang nagpapakiliti ay isang bagitong totally irresistible. wa kiems. sobrang nakakapanibago ang feeling lalo na't realizing the fact na halos 20 years ago ka huling napahuni kahit walang mga ibon at nakakaamoy ng mabango kahit the trees are bare. huling hirit na kaya ito? ito na kaya ang pinakamimithi kong passionate relationship to last a lifetime? tanggapin man ng mundo o hindi, nakapagdesisyon na akong 'to go for it' sa kadahilanang mahirap liripin sa kahit anupamang panagimpan. nang magtama ang aming mga mata , para akong tinurukan ng ilang gramong methaphetamine at halos tatlong linggong tuliro sa gitna ng kapaskuhan. ayaw ko sanang patulan pa ang pang-uudyok ng mga multong matagal ko nang finlush sa kubeta ngunit sadyang ang katakamang maranasan muli ang magkipagsumpaan sa isang binatang taring sa lilim ng malanggam na puno ng sampalok ay mahirap tanggihan.
kung tutuusin, halos apo ko na siya. he being 18 and i in my golden year and one. nang matuklasan nga ng ate ko ang aming bubot na relasyon, nangilabot siya at parang sinilaban ng pepper spray na nagkikisay! akala ko ipagbabawal niya ang lahat, ngunit inamin niyang sadyang ganun pala siya kapag tinamaan ng matinding inggit. tinanong pa nga niya si 'Labidabs' kung have ito ng shupatembang. eh, kaso wala... nagtiyaga na lang siya sa kapitbahay nilang may halitosis. okey lang raw, kaya lang wa relasyon.
hindi pa alam ng mga magulang ni irog ko na have siyang lola na, lover pa na veheklish. kevs ko ba. i'll cross the bridge when i get there. if ever there's a bridge!

1 comment:

Anonymous said...

aguy gino-o, maghunosdili sana si lola sa kanyang pinaggagawa! maawa sa bata! puede kang i-bantay bata! hala ka!!!!