5.1.08

pinoy big brother : pinabangong katimangan!

pinoybigbrother:
pinabangong
katimangan!



noong una pa mang ihain ng abs-cbn ang pinoy big brother o pbb, maraming nag-akalang mainam itong pampahupa ng kabalahuraang namamayani sa industriyang karamiha'y pagpuputa ang dibersyon. anupangaba't naisaayos nga ang lahat at naisahimpapwid ang seryeng reyalidad na palasak na ibinatay sa aklat na 1984 ni orwell. dahil nga't sikat na sikat ang 'bigbrother' editions sa urupa't 'merika, lumulan rin at nakisakay ang mga pinoy sa ideyang makulong at pagmatyagan ang ilang piling tao sa loob ng sandaang araw. nakasisilaw rin ang mga gantimpalang laan sa matibay na matitirang apat. sapat na dahilan upang mamayagpag ang pbb sa lahat ng sulok at singit ng kamalayang kayumanggi. nailuwal at nakaraos ang 1st season, at sinundan pa ng celebrity at teen editions. manapa'y tatlo singko na ang mga audition at halos naging isang mania ang pagsali rito. mayroon ring mga masasamang loob na nagsamantala sa kasikatan nito at kapalit raw ng pagsali roon ay ang mga bubot na katawan ng mga tangang dalaga. halos di magkamayaw pati ang mga isinasagawang big night kung saan ay sa gitna ng magarang bodabil ay hinihirang ang mga mananalo.

sa katatapos pa lang na edisyon, at sa big night kagabi, lantarang nabunyag ang buong ningning na kaplastikang pilit isaksak sa katinuan ng bawa't manonood. nagmukha itong ritwal ng mga satanista sa kaganapang ipinatupad nila sa entablado. nakakangilabot ang mga kanilang isinagawang pagtatanghal kung saan ay ginawang diyos ang salapi , at higit sa lahat ang KATIMANGAN ng industryang pantelebisyon. kung tutuusin, walang nangyayari sa mga karera ng mga naunang mga nagwagi... nasaan na nga ba sina nene, keanna, kim at gerald? aba, silipin nyo sa pansitan o kung nasa kabukiran kayo sa kangkungan nyo sila pulutin!

4 comments:

Anonymous said...

sobrang lupet naman ng post na ito! may katuturan pero masakit...

yoruosu12 said...

I agree with mommyminggarcia talagang puno ang post na ito ng damdamin. Ano kayang nagtulak sa iyo para isulat ito? Sumali ka ba dun sa patimpalak?

heheheheheh! Joke lang!

paul h roquia said...

hello @yoruosu, happy new year! wala lang , nangalap lang ng feedbacks sa mga matataray kong friends taz ayan na!

Anonymous said...

Sikat naman si Gerald ah. Baka nagcoconcentrate lang sa pag aaral. Bata pa eh.