29.1.08

i g a d o





Written by Parazzi News Service *

ang 'igado' ay isang putaheng sinasabing nagmula sa mga Ilokano. Gawa ito sa laman-loob ng baboy. Ngayon, may iba’t-ibang bersyon na ito, pwede na rin gawing igado ang laman-loob ng baka.

Mga Sangkap:

½ kilo na bituka ng baboy, hiniwa ng maninipis
¼ kilo na atay ng baboy, hiniwa ng maninipis
¼ kilo karne ng baboy, hiniwa ng maninipis
Dahon ng Laurel
Pula at berdeng bell pepper, hiniwang pahaba
1 tasa ng green peas
1 malaking sibuyas
3-5 pirasong bawang
toyo
½ tasa ng suka
2-3 tasa ng tubig
asin
pamintang durog
mantika

Paraan ng Pagluto:Igisa ang bawang at sibuyas. Ilagay ang bituka, atay at karne ng baboy at ang dahon ng laurel. Hayaang maluto saka ilagay ang tubig.
Pakuluin hanggang konti na lang ang tubig. Lagyan ng toyo at suka. Ilagay ang pula at berdeng bell pepper at green peas. Haluin ng mabuti. Lagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
*marami pang lutuing pinoy ang featured sa pinoyparazzi, click nyo lang link then search for 'cooking' doon.

55-d chicago st., cubao, quezon city

ewan kung sino na ang nakatira sa address na ito. halos walong taon na 'atang nilisan ni maderey ang lugar na ito na nagsilbing kanyang pugad ng humigit kumulang sa ikaapat na bahagi ng isang siglo. sabihin pang dito na siya hinubog ng panahon at maranasan ang tamis at pait ng mamuhay sa masalimuot na lungsod. noong dekada 70 hanggang 80, mistulang paraiso ito ng kanyang napakaraming kaibigan at 'ka-ibigan'. naikuwento rin niyang dito siya tuluyang nagladlad at pinalaya ang sarili sa natumbok na kasariang kay tagal rin niyang kinimkim upang hwag maging abala sa kanyang pamamayagpag sa corporate world. halos gabi-gabi ay di ito nawawalan ng bisita. lalo na noong nagpasya ang inang reyna na pangatawanan ang pagiging scriptwriter at tuluyang lumublob sa karagatang syobis. doon rin nabuo ang naparaming obra nila ni steve, ang kanyang direktor.
napatira rin ako dun ng halos sampung taon... pasulpot-sulpot dahil may sarili naman akong tinutuluyan. malimit rin sa hindi ay nagkakatampuhan kami pero kahit minsan hindi nag-away. hindi siya ang tipong aawayin mo kasi nga mader-maderan kaya nilalayasan ko na lang ang pangyayari tuwing hindi ko na masyadong nasasakyan ang mga pangyayari. minsan kasi ang daming 'transients' , mga syoklang tuliro pero may talent, mga ombreng walang talent pero sarap namnamin habang hinahanap nila ang kanilang sarili, mga kamag-anak na nagbabakasyon, mga dating kakilalang tsumitsika ng isang buwan, mga artistang naaliw sa mundong bawat sulok ata ay may aesthetic value, kahit ba apartment lang ito. maraming di malilimutang eksena ang umusbong sa maliit na bahaging iyon ng syudad. mga eksenang nais mong ulit-ulitin sa anupamang makamundong kadahilanan. nakayapos pa rin sa alaala ang address na ito na inuuwian ko sa madaling araw noong mga panahong nag-dj ako sa 'thunderdome' sa timog.
kahit ngayong papalayo na ang panahong aking inilagi sa 55d, napapanaginipan ko pa rin ito at lagi kong ipinapangako sa aking sarili na pumasyal doon. pero bakit pa? naroon pa man ang address at ang apartment, wala na roon ang mga dating nakatira at malamang sa hindi wala na rin ang multong nakitira rin doon.

28.1.08

leche! flan!

last christmas i gave you my heart, but on the next day you gave me LECHE FLAN! medyo may kamahalan na rin ang isang lyanerang flan , kung dati mga kinse o bente ang isa , noong nakaraang pasko umabot ng sitenta pesos ang isa! kaya minabuti kong gumawa na lang, sa murang halaga marami-rami rin magagawa mo depende sa kapal nito... kaya try nyo rin.

trivia lang, kung gusto nyo ng masarap at malinamnam na leche flan sa san pablo city kayo bumili.


Leche Flan
Mga sangkap:
2 lata ng condensed milk
10 pirasong egg yolk
1 kutsaritang vanilla extract
1 tasang asukal na puti
½ tasa ng tubig
Paraan ng Pagluluto:

1. Paghaluin ang condensed milk, egg yolk at vanilla extract sa isang mixing bowl.
2. Para naman sa arnibal ng leche flan, pakuluin ang tubig at ihalo ang asukal. Hayaan itong kumulo at lumapot. Magbuhos ng konting arnibal sa mga liyanerang gagamitin at hayaan itong tumigas.
3. Isalin sa liyanera ang naunang mixture. Takpan ang mga liyanera ng foil. 4. Ilagay ang mga liyanera sa isang steamer at hayaang maluto sa loob ng 30-45 minuto. Palamigin muna bago ihain

25.1.08

hanggang kailan ka tatagal?

kapag tinanong ka ba ng iyong kasalukuyang karelasyon ng ganun, masasagot mo bang tuwid ang mukha o tatapikin mo siya sabay sabing : 'ikaw, hanggang kailan mo ba gusto?'
syempre, sasabihin niya 'teka, ako ang nagtatanong!'
tapos hindi ka na lang iimik dahil halos tatlong linggo pa lang kayong nagtsutsuk-tsakan at napapaungol ka pa tuwing nilalabasan. bigla mo nga lang maisip na baka obssessive possessive ang natisuran mong tao... o di kaya skitsoprenik ang putah!
eh , ano nga kaya ang tamang sagot sa katanungang iyan? isa pang tanong?
sa halip na magpanik, kool ka lang. tantiyahin mo kung bakit siya nakaisip na itanong yon sa iyo. dapat ma-flatter ka dahil mukhang na-inlababong yero siya at balak niyang magkaroon ng itinerary habang kayo ay mag-on. pero kung matalas ka , isipin mong ang tinatanong niya ay kung tatagal ka sa piling niya at tinatantya niya ang emotional investment na ilalaan niya habang nagpapalitan kayo ng bodily fluids. kung tatagal ka sa amoy ng kanyang katawan sa umaga, kung tatagal ka sa kakulitan niya sa text tuwing hindi kayo magkasama. kung tatagal ka sa ugali niya... kung tatagal ka. hanggang kailan, nga?

22.1.08

top 10 palusot ng mga late




Written by Parazzi News Service
Monday, 21 January 2008

10. “Nireregla ho ako.” (‘Wag kang mag-ambisyon iho)

9. “Dinala ko pa sa ospital ang nanay ko kanina.” (‘Kala ko limang taon nang patay ang magulang mo?)

8. “May nakalimutan kasi ako, kaya bumalik pa ako ng bahay.” (Nakalimutan mong pumasok nang maaga?)

7. “Sa Bukidnon pa ho ang bahay ko.” (Walking distance lang pala)

6. “May sakit po ako, buti nga ho’t pumasok pa ako e.” (Magsisiuwian na din kami…buti nga’t pumasok ka pa. Halika na’t sumabay ka na sa ‘min)

5. “May malaking monster na humarang sa pintuan sa labas tapos ayaw akong papasukin.” (Nurse! Nurse! Iniksyunan na ‘to!)

4. “Nagka-holdapan kasi sa eskinita namin.” (O…e…tapos?)

3. “Na-flatan po ‘yung sinakyan ko.” (‘Di ba LRT ka lang? Weird.)

2. “Trapik po sa MRT kanina.” (Bakit may nag-uunahang tren?)

1. “Di ako nagising nang maaga eh, anong magagawa mo?” (Sisante ka na, anong magagawa mo?)

21.1.08

alec mapa : bonggang PINOY sa hollywood!

Nakatutuwang isipin na isa pang pinoy ang namamayagpag sa haliwud. bagama't sa san francisco na siya ipinanganak, hindi niya ipinagkakailang dikit sa buto at malapot ang dugo niyang Pilipino. siya ay si ALEC MAPA, isang 43 anyos na aktor at komedyante sa amerika. ginampanan niya ang papel bilang baklang kaibigan ni Gabrielle ( Eva Longoria) sa patok na serye ng ABC na "Desperate Housewives", kasali rin siya bilang tv entertainment anchor sa isa pang seryeng "Ugly Betty". Bago pa man ang mga nabanggit na paglabas, siya ang kauna-unahang asyanong naging tampok at regular bilang 'adam benet' sa UPN comedy na "Half & Half". una niyang malaking 'break' ay nang siya ang ipinalit kay b.d. wong sa M. Butterfly sa broadway.

aba't kahit saan siya ngayon magpunta ay kilalang-kilala na ang bruha! mabuhay ka, ALEC!


former 'click' star mikel campus returns to viva


Published January 22, 2008 Showbiz News

“I’m back, hopefully matandaan pa ako and if not, I’m willing to start over again. I don’t have to be bida again,” says comebacking young actor Mikel Campos.
Mikel Campos, the boy who would be prince returns to his home studio, Viva Artist Agency. More than four years ago, nang na-introduce ang third batch of Click, a toprating show co-produced by Viva Films for GMA-7, dalawang lalaki lang ang ipinakilalang kasamahan nina Iya Villania, Denise Laurel, Valerie Concepcion, and later belatedly Sarah Geronimo—sina Mikel at JC de Vera.
Mikel and JC joined the pretty boys group of Richard Gutierrez, Railey Valeroso, Jolo Revilla, AJ Eigenmann, and Drew Arellano. The then 16-year-old son of former commercial model Susan Campos—the first Dove commercial model when it was re-launched in the Philippines—was tagged as the next matinee idol dahil same breeding sila noon nina Richard and Railey—from good school, very tall, and drop-dead gorgeous.
Mikel was one of the first of his generation of actors na nagkaroon ng sunud-sunod na commercials and his star was shining to the point na siya na ang ipinares sa rising singing sensation na si Sarah, not just in Click but also in their launching movie na Filipinas from Viva Films.
Then, the relationship of GMA-7 and Viva became sour.
Pinull out ng Viva ang halos lahat ng artista nila sa GMA-7 in 2003 and transferred them to ABS-CBN. Still, si Mikel pa rin ang ipinareha kay Sarah when the Star for A Night winner was launched via Sarah, The Teen Princess ngunit tatlo silang naging leading men, the other two being Mark Bautista and Aaron Agassi.
Biglang naglaho ang ningning ni Mikel, although napasama pa rin naman siya sa ilang ABS-CBN TV shows like Qpids opposite Paw Diaz and two years ago, ang Let’s Go.
From then on, Mikel disappeared from the view.
Viva Artist Agency (VAA) decided to resurrect his career when he was recently signed up again by the management firm for a three year-contract. He now joins the new artists of VAA including Pinoy Big Brother Celebrity Edition first runner-up Riza Santos, singer Rachelle Ann Go, actor Carlo Aquino, and new stage performer Cheska Ortega.
Hindi namin nakilala si Mikel nang unang lumapit sa amin sa presscon na ibinigay ng VAA kaninang tanghali, January 21, sa J-Jay’s Restaurant sa Ortigas. Very lanky then, nagkalaman na siya ngayon as he gained more than 30 pounds daw, now weighing 160 lbs.
The first thing we asked him, what happened at bigla na lang siyang nawala.
“You want the truth or showbiz answer?” natatawang balik-tanong niya sa amin.
We opted for the truth.
“It seems showbiz lost interest in me, and then nagka-girlfriend pa ako who is so possessive she asked me to quit showbiz,” sagot ng binata.
Mikel doesn’t want to dwell on the past. Wala na raw siyang magagawa roon and he is just thankful that Ms. Veronique del Rosario-Corpuz contacted him again and asked him to renew his contract.
“I’m back, hopefully matandaan pa ako and if not, I’m willing to start over again. I don’t have to be bida again,” honest na sabi ni Mikel.
Mikel has since split-up with his girlfriend. But he is also very proud to announce that he has a new girlfriend 11 years her senior, as he is just 21. Nakabalik na rin siya sa schooling although huminto ulit.
Hindi pa alam ni Mikel what’s in store for his second chance sa showbiz, but he would like to try comedy sana. We suggested he tried the sexy route.
“Puwede ba ako?” tanong niya. “Kung dati ang payat-payat ko, now I feel I’m flabby. Not that I’m closing my doors on this suggestion but I have to ready myself before I can have the confidence to bare.”
Okay rin na magkontrabida si Mikel, pero dahil wala pa ngang ibinibigay na proyekto sa kanya, he said he has just to wait.
We asked Mikel kung saan niya gustong magtrabaho this time.
“Anywhere where work will take me,” sagot niya. “I would like to try again to GMA though dahil doon ako nagsimula. It was never my intention to leave naman that time, I had no choice.”
DINNO ERECEPhilippine Entertainment Portal

17.1.08

mga ligaw na jokes...




Misis: Delayed ako nang one month pero huwag mo munang ipagsabi.Nahihiya ako...
Mister: Okey.
Kinabukasan, dumating ang taga-Meralco. ..
Taga-Meralco: Misis, delayed po kayo ng one month.
Misis: Ha? Bakit mo alam?
Taga-Meralco: Nasa record po.
Mister: Bakit Naka-record diyan na delayed ang misis ko?
Taga-Meralco: Kung gusto ninyong mawala sarecord, magbayad kayo!
Mister: Eh kung ayokong magbayad?
Taga-Meralco: Puputulan kayo!
Mister: Eh anong gagamitin ni misis?
Tag-Meralco: Pwede naman siyang gumamit ng kandila.

ligaw na jokes... 2





1. You'll never know who your REAL FRIENDS are...until you stumble and fall and until you feel their hand on your shoulder as they say:"AYAN, TATANGA-damn KA KASI!!!"

2. May tatlong Madre nag-bike sa kumbento,tuwang-tuwa sila sa tuwingdadaan sa HUMPS ang bike. Nagalit tuloy ang MotherSuperior at nagsabi:
"PAG DI KAYO TUMAHIMIK,IBABALIK KO ANG UPUAN NG BIKE!!!"

3. ANAK: Inay, buntis ho ata ako nahihilo ako.
INAY: Hindi ka buntis, anak.
ANAK: Naduduwal ako, Inay.
INAY: Sabi ng hindi ka buntis.
ANAK: Buntis ho ata ako kasi gusto ko ng maasim.
INAY: PUNYETA! GUSTO MONG PITPITIN KO YANG BA YAG MO?

4. PINOY TONGUE TWISTER:
Peter piper pick a peck of pickled pepper.
If peter piper picked a fuck of fucking fekfek,
where does peter pick a pick-up to fuck her peppered fekfek?FUTA ANG HIRAF!!!

5. ISANG ARAW, SIKSIKAN SA JEEP...
MISS: Mama, usog naman dyan ng konti. IPIT NA ANGPEARLY SHELL KO, EH!
MISTER: Buti ka pa, ipit lang ang pearly shell mo.Ako nga, BASAG NAANG TINY BABOLS KO!!!

6. There's this girl in a disco who walks to a man and asks...
GIRL: Marunong ka bang mag-SWING?
At this point, yumabang ang guy and says...
GUY: Bakit? Mukha ba akong Dance Instructor?
GIRL: Hinde, mukha ka kasing UNGGOY!!

7. QUESTION: Ano ang difference between PANTY and Stage Curtain?
ANSWER: Ang Stage Curtain kapag binaba, tapos na angSHOW. Ang PANTYpag binaba, IT'S SHOWTIME!!!

8. A wife puts VIAGRA in her husband's coffee to add sex drive. after drinking it, the husband grabbed and tries to make love with her on the table.The wife shouted,
"TANG ina naman! Wag naman dito saMCDONALDS!

9. Mga BIYAYA na nakukuha mula sa gulay:
AMPALAYA --- Pampapula ng dugo.
KALABASA --- Pampalinaw ng mata.
TALONG --- Pampatirik ng mata.
MANI --- Pampatirik ng TALONG!

10. LETS TALK ABOUT BABIES...
Kapag umiiyak ang baby-i-PAMPERS mo,
Kapag umiiyak pa rin-i KIMBIES mo na,
at Pag ayaw pa ring tumigil sa pag-iyak aba'yi-HUGGIES mo na!!

11. Hinoldap si Lumen pero dahil wise sya, nilagayang 500 pesos nya sa panty. Pero ng ipambayad nya sa binili nya ng grocery, ayaw tanggapin...fake daw kasi. Dahil nakalabas ang DILA ni Ninoy!!!

12. SA ISANG PAYABANGAN...
FRENCH: We have invented a robot who can make cars.
AMERICAN: We have robots who can go to the moon.
PINOY: We have a ROBOT who can kidnap both Americansand French! (Kuhamo?... Kumander ROBOT)

16.1.08

ligaw na jokes...3




Boy: Kukunin ko ang mga bituin at ibibigay ko sa iyo!
Girl: Shut up! Hindi mo nga makuha yang kulangot mo, bituin pa!
Boy: Ay sorry, hindi ko alam na ito pala ang gusto mo!

A priest at a church.
Lady: Father, ang gwapo at cute mo naman! Bakit ka pa kasi nagpari?
Priest: Dahil ayaw pumayag ng magulang ko na magmadre ako! Bruha!

Pedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walang takip ang ulam namin, hindi kinakain!
Juan: Maniwala ako?
Pedro: Totoo!
Juan: Ano ba ang ulam nyo?
Pedro: Asin! Ama: Bakit ka umiiyak?

Anak: Pumasa po kasi ako sa test. Huhuhu!
Ama: Aba , magaling! Anong subject yun, anak?
Anak: Pregnancy test po itay!

Sa prusisyon.
Pari: Ang mga boys, sunod sa karo ni San Jose , mga girls, sa karo ni Mama Mary.
Bakla: Kami father, saan kami susunod?
Pari: Mga bruha! Follow me!

Boy1: Bakit mo ako sinuntok?
Boy2: Tinawag mo akong hipopotamus!
Boy1: Last year pa yon! Tarantado!
Boy2: Eh kanina ko lang nakita picture ng hippopotamus, bobo!

Grabe! Biruin mo, 150,000 pesos daw, hot oil lang! 150,000 pesos ang rebonding! Sobra naman yang David's Salon na yan! - Rapunzel.

11.1.08

sa muli't muli ... sa tabi-tabi

napakatagal na ng panahon mula nang huli kaming magniig ni raul (tunay niyang pangalan). kung hindi ako nagkakamali ay humigit-kumulang mga 22 taon na ang nakararaan. bagama't nagkaroon kami ng relasyon sa loob ng isang taon, hindi namin masyadong sineryoso ang isa't isa. paano naman kasi bisibisihan siya sa kanyang career sa advertising world at ako naman sa aking mga alagang nightspots. actually, nagkakilala kami sa isang 24-hour fastfood center sa may timog. nagkatabi kami sa chicken inasal , nagkatitigan, nagngitian at nagkindatan. ganun lang. matapos naming lantakan ang aming mga inorder, walang dayalogong sabay na sumakay sa taxi at diretso sa inuupuhang mezzanine sa may new york. malala ang naganap na tsuk-tsakan. sobra siyang palaban at bawa't ulos niya'y sinusuklian ko ng mas matindi.
pagkaraan noon, kami na. nagkakilanlanan. nagdamayan. at kahit sa maikli naming pag-lilive-in, naramdaman kong talagang pangkama lang siya. meaning hindi siya yong tipong makikisakay sa trip mong 'love is forever with you' o 'let's grow old together'. alam kong malao't sa madali ay mauuwi rin ang lahat kay luz fernandez (hello, as in 'lost fernandez'?). naging masaya naman kami. nagka-baby pa nga kami ng pusang nadampot ko sa mowelfund; at kahit papaano ay naipakilala namin ang isa't isa sa kanya-kanyang pamilya. ganun. at sa hindi na masyadong malinaw na dahilan ngayon, ay bigla na lang kaming nag-cool off (parang nagsimula nang nag-uwi siya ng ka-opisinang babae )... tapos noon parang lumabnaw na ang lahat. hanggang sa tuluyang nawaglit kami sa isa't isa. walang drama. walang hysteria. walang crayola. wala. pramis.
tapos last november, nagkasalubong kami sa airport. mainit niya akong niyakap at sinabing na-miss niya raw ako. halos hindi siya tinablan ng panahon, naroon pa rin ang tikas ng katawan at tindig at malamyos niyang mga ngiti. napansin niyang tumaba na ako dala ng aking pagka-mestisa, ngunit, nasabi niyang lalo rawng tumingkad ang aking sex appeal (ewan kung bola yon!). pagtapos nu'n nagkita kami uli sa makati, tensyon lang inabot namin dahil nasa greenbelt pa ako nang sumabog ang glorietta. nag-check in kami sa isang hotel sa manda, naganap ang lahat uli, at sa hindi na naman maisalarawang dahilan ay sobrang lunggati ang aking nadarama... ngunit hanggang doon na lamang ang lahat. iisipin ko na lang na ang mga ganoong kaganapan ay nangyayari sa mga dating magkasuyo, minsan pa. one more time, without feelings!

10.1.08

huling landi ni lola : god bless you , you make me feel brandnew!

oist, bakit ganun? kung kailan nangako kang never kang kakanta ng 'to love again', biglang may kung anong kiliti ang sisibol sa puso mo? lalo na't kung ang nagpapakiliti ay isang bagitong totally irresistible. wa kiems. sobrang nakakapanibago ang feeling lalo na't realizing the fact na halos 20 years ago ka huling napahuni kahit walang mga ibon at nakakaamoy ng mabango kahit the trees are bare. huling hirit na kaya ito? ito na kaya ang pinakamimithi kong passionate relationship to last a lifetime? tanggapin man ng mundo o hindi, nakapagdesisyon na akong 'to go for it' sa kadahilanang mahirap liripin sa kahit anupamang panagimpan. nang magtama ang aming mga mata , para akong tinurukan ng ilang gramong methaphetamine at halos tatlong linggong tuliro sa gitna ng kapaskuhan. ayaw ko sanang patulan pa ang pang-uudyok ng mga multong matagal ko nang finlush sa kubeta ngunit sadyang ang katakamang maranasan muli ang magkipagsumpaan sa isang binatang taring sa lilim ng malanggam na puno ng sampalok ay mahirap tanggihan.
kung tutuusin, halos apo ko na siya. he being 18 and i in my golden year and one. nang matuklasan nga ng ate ko ang aming bubot na relasyon, nangilabot siya at parang sinilaban ng pepper spray na nagkikisay! akala ko ipagbabawal niya ang lahat, ngunit inamin niyang sadyang ganun pala siya kapag tinamaan ng matinding inggit. tinanong pa nga niya si 'Labidabs' kung have ito ng shupatembang. eh, kaso wala... nagtiyaga na lang siya sa kapitbahay nilang may halitosis. okey lang raw, kaya lang wa relasyon.
hindi pa alam ng mga magulang ni irog ko na have siyang lola na, lover pa na veheklish. kevs ko ba. i'll cross the bridge when i get there. if ever there's a bridge!

8.1.08

karekareng bulalo sa gata?



... sa gitna ng nakakahilong mga pangyayari at kalakaran sa mundong ating ginagalawan, nais ko namang maghain ng isang recipeng puede nyong subukan para ihain sa inyong sunday brunch with friends and lovers!




Kare Kareng Bulalo Sa Gata

1 kilong lomo ng baka, hiniwang kainamang isubo
2 Beef Broth Cube kinanaw sa
4 tasang tubig
2 kutsarang mantika
4 pinirasong bawang, dinurog
1 katamtamang laking sibuyas, hiniwa syempre
1/2 tasang peanut butter
1 tasang coconut milk o gata
1/3 tasang harina , kinanaw sa
1/4 tasang tubig
2 kutsarang tustadong sesame seeds
2 kutsarang mantika
3 tasang hiniwang sitaw, 2 pulgada
3 pirasong talong hiniwang 2 pulgada rin
1 Chicken Broth Cube


Paano?
1. palambutin ang baka kasama ang broth cube. Alisin ang baka mula sa pinagkuluan pero i-reserba ang sabaw para mamaya.2. Initin ang mantika at igisa na ang sibuyas at bawang. limp. Idagdag na ang 3 tasang sabaw, ang peanut butter at gata. Idagdag na rin ang pinalambot na baka at pakuluan sa loob ng 20 minuto. Palaputin sa pamamagitan ng harinang kinanaw kung kailangan.3. I-stir fry naman ang mga gulay kasama ang chicken broth cube hanggang katamtamang lumutong, ihain bilang sidedish ng karne. Pang-anim ang recipeng ito.

7.1.08

kawindang-windang na tabalits



hindi ko kayang tanggapin ang balita sa baba. kilala ko siya. napagkakamalang mayabang pero mabait naman. nagkasama kami sa dzrc way back in the early 80s.



People's Journal
January 07, 2008 06:01 PM Monday


RADIO STATION MANAGER CHARGED WITH RAPE
by Manny Balbin


“HINILOT ko ang kanyang paa at likod. Ang kanyang kaliwang kamay naman ay hinahaplos ang aking hita pataas sa aking ari. Inutusan niya ako na yakapin ko siya na ’di ko naman ginawa, at inalis ko ang kanyang kamay.” Thus May (not her real name), 18, narrated in her sworn statement as she filed rape charges against Ariel Ayque, station manager of DWZR, before the Legazpi City Prosecutor’s Office.A report submitted by PO2 Menica P. Watiwat to police Supt. Benjamin G. Castillo showed May is the daughter of Ayque’s housemaid. Ayque, of Central City Subd., Bgy. Cruzada, Legazpi City, was allegedly a former DZGB station manager. May, elementary graduate, of Bgy. Mariawa, also of this city, claimed Ayque raped her past 1 a.m. on Nov. 27 last year inside his room. The accused’s wife was in Manila when the tragedy supposedly occurred. In a sworn affidavit executed before Assistant City Prosecutor Ruben Dario T. Nuqui, May said Ayque required her to work late on Nov. 27. Since his wife was not around, the radioman allegedly ordered the victim to prepare the “embutido”. “Sinabihan niya na ako na lang ang magmasa ng gagawing embutido,” May said in her statement. May added that the suspect, whom she called Kuya Ariel, asked her to massage him in his room. “Kinuha (ko) ang painkiller sa ibabaw ng maliit na mesa sa loob mismo ng kanyang kuwarto at hinilot ko na siya,” the victim said. The victim claimed she kept pleading “’Wag po, kuya,” when the suspect started fondling her thighs. May said she tried to escape, but Ayque grabbed her arm, shoved her into the sofa and mashed her breasts. The victim claimed the radioman succeeded in raping her. The victim said that after the alleged rape, Ayque told her in Bicol: “ Gigibohon ko pa ini saimo kung dai pa mag-abot sa agom ko” (Gagawin ko pa ulit sa iyo ito kapag hindi pa dumating ang misis ko)!” Tonight gathered that Ayque started as announcer/commentator at DZRC-AM then moved atiwat to police Supt. Benjamin G. Castillo showed May is the daughter of Ayque’s housemaid. Ayque, of Central City Subd., Bgy. Cruzada, Legazpi City, was allegedly a former DZGB station manager. May, elementary graduate, of Bgy. Mariawa, also of this city, claimed Ayque raped her past 1 a.m. on Nov. 27 last year inside his room. The accused’s wife was in Manila when the tragedy supposedly occurred. In a sworn affidavit executed before Assistant City Prosecutor Ruben Dario T. Nuqui, May said Ayque required her to work late on Nov. 27. Since his wife was not around, the radioman allegedly ordered the victim to prepare the “embutido”. “Sinabihan niya na ako na lang ang magmasa ng gagawing embutido,” May said in her statement. May added that the suspect, whom she called Kuya Ariel, asked her to massage him in his room. “Kinuha (ko) ang painkiller sa ibabaw ng maliit na mesa sa loob mismo ng kanyang kuwarto at hinilot ko na siya,” the victim said. The victim claimed she kept pleading “’Wag po, kuya,” when the suspect started fondling her thighs. May said she tried to escape, but Ayque grabbed her arm, shoved her into the sofa and mashed her breasts. The victim claimed the radioman succeeded in raping her. The victim said that after the alleged rape, Ayque told her in Bicol: “ Gigibohon ko pa ini saimo kung dai pa mag-abot sa agom ko” (Gagawin ko pa ulit sa iyo ito kapag hindi pa dumating ang misis ko)!” Tonight gathered that Ayque started as announcer/commentator at DZRC-AM then moved to another AM-radio station, DWRL. He later became vice president for operations at DZGB. Ayque has reportedly been convicted of libel for a commentary in one of his radio programs. He allegedly didn’t spend time in jail as he immediately applied for probation, being a first-offender. Tonight’s repeatedly tried to get Ayque’s side. However, efforts to interview him proved futile as he was not available for comment.

5.1.08

pinoy big brother : pinabangong katimangan!

pinoybigbrother:
pinabangong
katimangan!



noong una pa mang ihain ng abs-cbn ang pinoy big brother o pbb, maraming nag-akalang mainam itong pampahupa ng kabalahuraang namamayani sa industriyang karamiha'y pagpuputa ang dibersyon. anupangaba't naisaayos nga ang lahat at naisahimpapwid ang seryeng reyalidad na palasak na ibinatay sa aklat na 1984 ni orwell. dahil nga't sikat na sikat ang 'bigbrother' editions sa urupa't 'merika, lumulan rin at nakisakay ang mga pinoy sa ideyang makulong at pagmatyagan ang ilang piling tao sa loob ng sandaang araw. nakasisilaw rin ang mga gantimpalang laan sa matibay na matitirang apat. sapat na dahilan upang mamayagpag ang pbb sa lahat ng sulok at singit ng kamalayang kayumanggi. nailuwal at nakaraos ang 1st season, at sinundan pa ng celebrity at teen editions. manapa'y tatlo singko na ang mga audition at halos naging isang mania ang pagsali rito. mayroon ring mga masasamang loob na nagsamantala sa kasikatan nito at kapalit raw ng pagsali roon ay ang mga bubot na katawan ng mga tangang dalaga. halos di magkamayaw pati ang mga isinasagawang big night kung saan ay sa gitna ng magarang bodabil ay hinihirang ang mga mananalo.

sa katatapos pa lang na edisyon, at sa big night kagabi, lantarang nabunyag ang buong ningning na kaplastikang pilit isaksak sa katinuan ng bawa't manonood. nagmukha itong ritwal ng mga satanista sa kaganapang ipinatupad nila sa entablado. nakakangilabot ang mga kanilang isinagawang pagtatanghal kung saan ay ginawang diyos ang salapi , at higit sa lahat ang KATIMANGAN ng industryang pantelebisyon. kung tutuusin, walang nangyayari sa mga karera ng mga naunang mga nagwagi... nasaan na nga ba sina nene, keanna, kim at gerald? aba, silipin nyo sa pansitan o kung nasa kabukiran kayo sa kangkungan nyo sila pulutin!