Showing posts with label favorite recipe. Show all posts
Showing posts with label favorite recipe. Show all posts

12.6.08

dalagang bukid espesyal tinuwa


hev aketch ng kachikang ofw na nasa isang malapit lang na asian country na super request ng jinuding version ng law-oy o tinolang fish. syempre dahil aliw-aliwan naman ang inyong lingkod, super as in mega-think ng isdang makapagpupusyaw sa kanyang kabadingan. at naisip kong wala nang hihigit pa sa aking all-time peborit na MAIDEN of the MOUNTAIN, o mas kilala sa talipapa na DALAGANG BUKID.

at dahil nga kailangan may bagong twist, sagad-sagarin ko na rin... as in, go ka sa mountain para hanapin ang talbos na hihingin ko sa resiping ito na tatawagin kong...

D.BET (dalagang bukid espesyal tinuwa)

3 pirasong never pang ikinasal na dalagang bukid
1 green/red bell pepper
tanglad, pinitpit na pith
ilang tangkay na leeks , depende sa gusto mo
2 namimintog na kamatis
talbos ng SAYOTE
asin
paminta


paraan? madali lang. magpakulo ng tubig sa isang non-aluminum cookware. pag-umuusbo na ang kawateran, panggigilang lamutakin ang kamatis sabay lagay at isama na rin lahat ng sangkap maliban sa talbos ng SAYOTE. wait ka ng konti, seguro puede mong awitin ang walang kamatayang 'funky town' tapos killanja mo na ang apoy. put mo na ang talbos ng SAYOTE, takpan. ayan, maya-maya lang puede nang endyoyin ang niluto mo...

8.1.08

karekareng bulalo sa gata?



... sa gitna ng nakakahilong mga pangyayari at kalakaran sa mundong ating ginagalawan, nais ko namang maghain ng isang recipeng puede nyong subukan para ihain sa inyong sunday brunch with friends and lovers!




Kare Kareng Bulalo Sa Gata

1 kilong lomo ng baka, hiniwang kainamang isubo
2 Beef Broth Cube kinanaw sa
4 tasang tubig
2 kutsarang mantika
4 pinirasong bawang, dinurog
1 katamtamang laking sibuyas, hiniwa syempre
1/2 tasang peanut butter
1 tasang coconut milk o gata
1/3 tasang harina , kinanaw sa
1/4 tasang tubig
2 kutsarang tustadong sesame seeds
2 kutsarang mantika
3 tasang hiniwang sitaw, 2 pulgada
3 pirasong talong hiniwang 2 pulgada rin
1 Chicken Broth Cube


Paano?
1. palambutin ang baka kasama ang broth cube. Alisin ang baka mula sa pinagkuluan pero i-reserba ang sabaw para mamaya.2. Initin ang mantika at igisa na ang sibuyas at bawang. limp. Idagdag na ang 3 tasang sabaw, ang peanut butter at gata. Idagdag na rin ang pinalambot na baka at pakuluan sa loob ng 20 minuto. Palaputin sa pamamagitan ng harinang kinanaw kung kailangan.3. I-stir fry naman ang mga gulay kasama ang chicken broth cube hanggang katamtamang lumutong, ihain bilang sidedish ng karne. Pang-anim ang recipeng ito.

20.11.07

pancit buko

walang hihigit pang kacheapan sa joklish na nanunumbat sa kanyang jowemarquez. sadyang showcase theater ito ng tunay na fiber nya as a person. davah? kaya dapat habang mainit pa ang lambingan period ng affair, hayaan na sanang magpakasibil sa pakikitungo. sa unang lugar (azzin in the first place) , pagmamahal at anda lang investment mo therefore dapat unconditional ang lahat. never expect anything, davah? nakakaawa yang mga jugets pang joks na kapag natuklasan nilang may kadede pala sila sa notrilya ng chur nila ay biglang lulutang ang pagka-bipolar nila! yuck to the max. nakakashorthair 'yon, 'neng!

ang bongga na lang na dapat i-do ay palaflusin ang jinajupaks na taksil ng metaphoric dish... kung nabuko nyong trulilimontivirdi nga na hev sya ng isa pang joks o jilat , hainan bigla ng ...

PANCIT BUKO

2 tasang ginayat na buko
1 tasang lutong baboy, hiwain pakwadrado
1/2 tasang lutong hipon, hiwain pakwadrado
1/2 tasang chorizo china, hiwain pakwadrado
3 butil, pinitpit na bawang
1/2 tasang mantika
1/2 tasang prinitong tofu, hiwain pakwadrado
1/2 tasang ginayat na repolyo
1/2 tasang sayote, hiwain nang pahaba
1/2 tasang sitsaro
patis, panimpla
pamintang durog
1 nilagang itlog, hiwain nang pahaba
1 kutsarang sibuyas na mura, tadtarin
1 kutsarang kinchay, tadtarin
kalamansi

igisa sa langis ang bawang hanggang maging brown.

igisa ang sibuyas, baboy, hipon, chorizo, tofu, repolyo, sayote, at sitsaro. lagyan ng paminta, pampalasa. ilagay ang ginayat na buko saka timplahan ng patis.

kapag luto na, ihain sa bandehado. adornohan ng sibuyas na kichay at itlog.

ihain nang mainit, samahan ng kalamansi.


at habang superlaps ang shinumainch na juyop, supertalakathon ka naman ng mga kwentong infidel... ewan lang kung sadyang makapal siya but definitely, mag-esep-esep ka na 'day... hwag mong asahang ikaw na ang pinamasarap ng joklish sa balat ng durian! charuzzzzzz!

1.11.07

feeling mediterranean, charuz!

as in. sa haba ba naman ng itinakdang bakasyon, at sa dami ng oras na makapag-bonding sa mga kaclose mo; dapat mag-feeling ka para maiba naman. this time, mediterranean. paano? simple lang . cook ka ng PASTA&CHICKEN medley...

ang ingredients ?

120-150g dried pasta twists
1 tbsp oil
2 tbsp mayonnaise
2 tsp bottled pesto sauce (puede ring make mo pero kevs, nakakashugod noh?)
1 tbsp sour cream (buy mo, wag mo make!)
175g luto nang skinless, boneless chicken
1-2 celery sticks
125g seedless grapes (yong walang buto, seedless nga eh, gagah!)
1 large carrot, trimmed
salt & pepper
tsaka celery leaves, panggarnish lang.

french dressing: ('twali puedeng buy ka na lang)
1 tbsp wine vinegar
3 tbsp extra-virgin olive oil
salt & pepper

proceed ka sa dure...
1. sa dressing, i-whisk mo lang silang lahat at seguraduhing well-blended. intiendes?
2. cook pasta with the oil for 8-10 minutes in boiling, salted water. drain. rinse, drain again, transfer to a bowl and mix in 1 tbsp of dressing. papaghingahin muna azzin set aside!
3. pagtsikatsikahin azzin combine ang mayonnaise, pesto sauce at sour cream sa isang malinis na bowl, tapos i-season ng salt and pepper ayon sa iyong panlasa.
4. cut chicken into narrow strips. cut the celery diagonally into narrow slices. reserve grapes for garnish; halve o hatiin ang iba. i-jullienne strips na mala-arrows ang carrots.
5. add the chicken, celery, halved grapes, carrot at mayonnaise mixture sa pinalamig nang pasta at i-toss thoroughly. check mo rin seasoning, taz dagdagan ng asin at paminta kung kailangan.
6. i-arrange ang pasta mixture sa isang serving plate. garnish-an ng nireserbang ubas at celery... syempre , 'yong guests mo na bahala mag-dress... kaya, huwag nang hintayin ang pasko ... ihain na agad!

ayan, medyo malinaw yan ha. 'twali, kung halos anim na beses mo na itong ginagawa parang robot mo na siyang maihahanda. sobrang gaan lang niya at yummy like jake cuenca kaya tiyak hindi ka makakalimutan ng friends mong napadako sa iyong mundo...

ano pang wait? FANGLA na!