22.12.08

cory, buhket?

sinadya kong madulas sa aking kinatatayuan nang dumapo sa teynga ang balitang pinalutang ni dating pangulong cory aquino na siya ay nag-sori kay erap dahil sa kanyang pagsali sa edsa 2 kontra sa huli. hindi malirip ng aking isipan kung saang dako ng kanyang katangahan dinampot ang ganoong deklarasyon. manapa'y kinilabutan ang buo kong katawan sa katotohanang hindi siya kay erap dapat nagpaumanhin kundi sa bansang Pilipinas. oo, dapat siyang mag-sorry dahil sa kanyang pagpapagamit sa mga anti-marcos forces noong 1986. ang kanyang pagtakbo laban sa diktaturya ay mistulang kahunghangan dahil minanipula ng kaliwa ang hatid niyang galit dahil sa diumano'y pagpapaslang sa kanyang asawang si ninoy. dapat siyang mag-sorry ng bonggang-bongga dahil habang siya ay nasa poder ay dumanak ang droga at maraming naging tiwali sa kanilang puwesto. mag-sorry din siya sa kanyang pamilya dahil kahit anim na taon siyang nanungkulan ay hindi natukoy kung sino talaga ang utak ng aquino-galman murder.

kaya, pag nakasalubong ko siya uli, itatanong ko sa kanya ang isang malutong na 'cory, buhket?'

16.12.08

"sachet"

kung hindi ako nagkakamali malamang tama ako na noong unang sibol ng dekada 80 ko napansin ang paglaganap ng mga tininging pangangailangan sa araw-araw na buhay ng mga noypi. noon naman kasi, nakakabili ka sa mga tindahan ni aling flor ng singkong suka, singkong toyo, atbp., at di naglaon ay andyan na bigla mga sina-'chet'ng shampoo, toothpaste, at halos lahat na sa kani-kanilang mga brand. dumanak na rin ang paglaganap ng mga basyo nito sa halos lahat na puwedeng pagtapunan. kalimitan sa mga estero at kanal na nagiging sanhi ng karumaldumal na baha at pagkasira ng mga kagamitan at buhay. hello? nasa kultura kaya natin ang kawalan ng abilidad ng pagpaplano ; kung anong pangangailangan siyang hahanapan ng lunas... mas mura, mas maliit, mas madaling gamitin. kaya lang, lumalabas na mas magastos, hindi baga? meron na rin kayang tingi-tinging pag-ibig? hello, kunwari naive ako!

14.12.08

banta ng mga bobo



bago ko pa man nabasa ang 'warning' na ito sa bulletin board ng pleasant village , sa barangay putho-tungtungin , los baƱos, laguna ; na-itext na ito sa akin ng amiga kong kongresista na kanya rawng napansin nang pauwi na siya galing sa amin. wala namang masama sa nakapaskel na babala nguni't sa ikalawang pagmasid ay mawatasan mong minamaliit nito ang lahat ng mga nakatira doon. biruin mong halos lahat ng mga naninirahan ay mga Phd, mga bureaucrats, mga guro, sa madaling salita mga propesyunal pero kailangang paalalahan ng ganun. isang malaking kabobohan sa kalakaran ng mga nagmamarunong na mga kunwa'y namamahala ang maglagay ng ganitong paalala. kung hanggang kailan mababasa yan, depende sa kapal ng apog ng naglagay. TSE!